Chapter FOUR --> The Playboy <--

8.2K 196 25
                                    

=========> Chapter FOUR --> The Playboy <--

[Cassidy’s POV]

 

            Unti-unting dumilat ang mga mata ko dahil sa isang tapik sa balikat.

            “Beshfren?” Pag-angat ng ulo ko ay nakita ko ang mukha ng kambal-engot na tutok na tutok sa akin. “Bakit dito ka natulog?” tanong ni Weendy.

            Tumaas ang kilay ko sa nakikita ko ngayon. “Bakit nandito kayong mga hampaslupa? Pinapasok kayo ni kuya sa condo niya?” mataray na sabi ko.

            “Aray! Ang sakit mo namang magsalita! Gusto ka lang naman naming bisitahin ni kambal. Nagtatampo na ko.” Ngumuso si Weendy at saka umarte na parang naiiyak. “Nakasalubong namin si Kuya Jace sa may parking lot. Binigay niya ‘yung susi samin.”

            Napatingin ako doon sa cellphone ko na nakapatong sa table. Pinindot ko ‘yung switch n’on. I sighed noong nakita kong naka-open parin ‘yong call log ko… at nandoon parin ‘yung roaming number na ginamit ni Den na pantawag sa akin.

            “B-Beshfren…” Lumingon ako kay Jenica. Titig na titig siya sa’kin na parang isang inosenteng bata. “Nag-sleepwalk ka?”

            Bumagsak ang parehong balikat ko dahil sa nakakabobong tanong niya. “Ano ba, hindi–”

            “OMG, Beshfren! Ang creepy mo!” natatarantang pahayag ni Weendy at napasabunot pa sa buhok. “Gusto mo tumawag na ko ng espiritista?”

            “Gusto mong sapakin na kita ngayon?” matabang na sabi ko sa kanya. Inirapan ko sila at kinuha ‘yung cellphone ko sabay walkout.

            “Aba, mataray si ateng!” sigaw ni Weendy.

            “Magbiro na sa lasing, huwag lang sa bagong gising!” masayang sabi ni Jenica.

            “Kulang!” sabi ni Weendy. “Magbiro ka na sa lasing, huwag lang kay Cassidy na bagong gising!” At saka sila humagalpak ng tawa. I rolled my eyes habang lumalakad papunta sa kwarto ko.

***

            “Bakit ang pangit mo ngayon?”

            Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nang ungas na kaharap ko ngayon. Tinaasan ko nalang siya ng kilay dahil ayokong sagutin ang napakawalang-kwenta niyang tanong. Ibinaba ko ‘yong balot na tissue ng chicken sandwich ko at saka kumagat ng isang beses.

            “Iyan lang kakainin mo? Lunch na. Dapat kanin.”

            Kumain ka lang, Cassidy. Huwag mong pansinin ‘yang baliw na nakapamulsa sa harapan mo.

(G4S Book3): OUR LEGACYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon