Kabanata XXXXI: Simula

2.4K 145 0
                                    

Athyeia's PoV

Sa loob ng tatlong araw na nanatili ako sa lugar na ito, labis ang mga bagay kong natutunan sa mga tao.

Tungkol sa kung paano sila mamuhay, kung papaano magtanim ng mga prutas at gulay, at kung papaano gumamit ng iba't-ibang alternatibo para sa iba't-ibang mga gawain.

Gamit ang isang tubig mula sa palanggana, pinatay ko ang alab kung saan nagmula ang apoy na ginamit ko pangluto ng sinigang na baka.

Simula kahapon, noong mapagtanto ko kung ano ba talaga ang maaaring nangyayari, at noong makita ko iyong bawang, agad akong tumungo kay Lola Liway upang ipasa sa kaniya ang kakaunting kaalaman mula sa mga nabasa kong libro.

Bagamat may iba pading sumusuka at dumudumi ng dugo, mayroon namang nawawala na agad ang sakit ng tiyan. Lalo na iyong mga batang babago pa lamang nagsisimula ang pagkakasakit.

Nakakalungkot nga pagkat kahapon ay nakasaksi ako ng kamatayan ng isa. Agad siyang inilibing doon sa tuktok ng bundok.

Paniniwala nilang mas madaling makakarating ang kaluluwa sa langit kung ganoon ang kanilang gagawin.

"Tara ate, samahan mo po kami." Pagaaya saakin ni Irya gamit ang isang malambot na boses noong matapos kaming kumain ng tanghalian.

Tumayo naman ako at inilagay iyong pinagkainan kong parte ng niyog sa isang tambak. Iniipon iyon pagkat iyon ang gagamiting mitsero sa susunod na paglulutong magaganap.

"Oo nga. Makakabuti ang sabaw ng sinigang sa nananakit nilang mga tiyan." Masaya kong sabi.

Sinimulan ko nang magsandok ng natirang gulay sa isang malaking palayok na kaya kong bitbitin.

Pati nadin ang magpakulo ng tubig na may bawang. Noong matapos ang aming mga preparasyon, humayo na kami patungo sa maikling kagubatan dala-dala ang aming mga gagamitin sa pagaasikaso ng may sakit.

Mabuti na nga lamang dahil hinahayaan ako ng mga tao ditong tumulong sa kanila. They are open for new possibilities kaya naman mas ginaganahan pa akong tumulong dito.

Napahinga ako.

Kung sana lamang ay masasabi ko kina mama na h'wag na silang magalala saakin.

Kumusta na kaya sila?

"Ano ang bumabagabag sa iyo Athyeia?" Tanong saakin ni Hes. Binigyan ko ito ng ngiti.

"Naalala ko lang ang mga magulang ko. Medyo matagal na kasi kaming hindi nagkikita."

"Kung gayon, sa tingin ko ay dapat natin silang paunlakan. Tunay naman na napakadami mo ditong itinulong at napakalaki ng sayang ibinibigay mo saamin, kaylangan naming magpasalamat sa kanila." Sabi naman ni Lola Liway. Napakamot ako sa ulo.

"Kahit hindi na ho Lola, m-madami din naman po kayong naitulong at naituro saakin e." Aking pagamin. Ngumiti ito saakin at ikinulong ang isa kong palad sa pagitan ng kaniyang mga kamay.

"Masaya akong makinig at magbigay kaalaman sa babaeng pipiliin ng aming Yangzhe iha." Tugon nito saakin na ikinatawa ko nalang ng pagak.

Jusko Yangzhe! Kasalanan mo lahat ng ito!

Na-issue pa tuloy ako sa lalaking iyon! Kahit naman gwapo siya hindi akp basta-basta napatol ano. Isa pa, may nararamdaman ako para kay Levi. Gustuhin ko man o hindi, pilitin ko mang alisin o hindi, alam kong mananatili iyon sa aking puso at hihintayin nalang na doon mabulok ang lahat ng pakiramdam na ito.

"H-Hindi ho kami m-magkasintahan." Pagamin ko. Mukha namang nagulat sila ni Hessa.

"Ano?!" Sigaw pa ng dalaga.

The Death of Athyeia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon