Ikalabing-isang Kabanata

228 65 75
                                    

Trinity

"Ohh! Tang*na! Trinity, bakit ang sarap mo? Bibilisan ko pa, maghanda ka. Ohh! Sa akin ka lang, sandata ko ang karapat-dapat sa kaselan mo," sunud-sunod na sambit Hunter habang binabayo ako sa aking harapan.

Bahagya niya pang kinakagat ang kanyang labi at nang-aakit akong tinitignan. Bakas sa kanyang mukha ang labis na ligaya na nararamdaman ngayon.

"Hunter! Ohh! Bilisan mo pa, pakiramdam ko punong-puno ako. Bilisan mo pa sabi, malapit na ako," nagsusumamo kong sambit at bahagya siyang niyakap.

Nagulat na lamang ako nang bigla siyang dumaing at napahinto sa pagbayo. Bumagsak ang katawan niya sa aking katawan at halos mamilipit sa sakit.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit bigla ka na lang tumigil diyan? Nakakainis ka! Bakit mo ako binitin?" pagrereklamo ko sa kanya at pilit na inaalis ang katawan niya sa ibabaw ko.

Napadaing naman ako nang bigla niyang kagatin ang aking dibdib. Nahampas ko tuloy ang ulo niya kahit na hindi ko ito kagustuhan.

"Ikaw ang walang pakialam diyan. Bakit mo hinawakan ang sugat ko sa likod? Alam mo naman na sariwa pa ito subalit dahil diyan sa kalandian mo, bigla mong hinawakan," inis niyang sambit at bahagyang kinapa ang kanyang likod.

Bigla naman ako kinabahan at kaagad na bumangon sa kama. Pinilit kong makawala sa malaki niyang pangangatawan para makatayo sa kama. Mabilis kong sinura ang sugat niya sa likod at halos mapatakip ako sa aking bibig dahil sa nakita.

"Pasensya ka na, nakalimutan ko na ang sugat mo. Hunter, dumapa ka lang diyan, gagamutin kita. Sinabi ko kasing bilisan subalit masyado kang mapang-asar at binabagalan mo ang pagbayo," inis kong sambit sa kanya at kaagad na pumunta sa aparador para kumuha ng gamot.

Nagdurugo ang sugat ni Hunter sa likod dahil napalakas ang pagbaon ng aking kuko. Nabalatan ang sugat nito kaya may kaunting dugo ang lumalabas sa sugat. Nagmistula tuloy itong sariwa.

"Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin ito tuluyang naghihilom? Isang linggo na ang nakalipas simula nang makuha mo ito. Hunter, kamusta na kaya sila?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Masusi kong sinusuri ang sugat na tinamo ni Hunter no'ng isang linggo. Mabuti na lang at may alam ako sa panggagamot kaya matutulungan ko siya sa pagkakataong ito. Hindi ko pa rin lubusang matanggap ang ginawa sa amin ng samahan.

"Trinity, ayusin mo nga 'yang mukha mo. Para kang makikipaglaban sa giyera gayong batid mong wala kang panama sa kanila. Kumalma ka muna, " mariing giit sa akin ni Hunter.

Hindi ko talaga maiwasang makaramdam ng matinding pagkagalit. Ang buong akala ko ay may tiwala kami sa isa't isa, ngunit tinitira pala kami patalikod. Nagtiwala ako sa mga maling tao at 'yon ang pinakamatindi kong pagkakamali.

"Sinabi kong kumalma ka. Trinity, ramdam ko ang iyong galit sa paraan nang paggagamot mo sa akin. Baka mas lalong lumala ang kalagayan ko kung ipagpapatuloy mo pa 'yan, " giit sa akin ni Hunter at bahagyang tumagilid sa pagkakahiga.

Napadaing naman siya sa ginawa dahil biglang kumirot ang sugat niya sa likuran. Tinawanan ko na lang siya at muling hinatak ang katawan, nang sa gayon ay bumalik siya sa pagkakadapa.

"Kung palagi ka na lang magmamatigas, hindi na talaga gagaling ang sugat mo. Saka akala mo ba magaling ka sa kama? Tss... masyado kang bilib sa sarili ko," nang-iinsultong sambit ko sa kanya.

Naiinis ako sa ginawa niyang pangbibitin sa akin. Malaki nga ang sandata, hindi naman marunong gamitin ng tama. Kaya pa naman ako pumayag na makipagtalik sa kanya dahil akala ko, magaling subalit nabigo ako. Nakakainis!

Hunter's Mail ( COMPLETED)Where stories live. Discover now