Kabanata XXXVII: Who Cares

Magsimula sa umpisa
                                    

Even if his head is now hanged around the castle walls, hindi padin maalis ang galit na dinulot niya sa lahat ng mamamayan.

Even I am a bit angry. He's the reason why Levi became completely cold, void of all emotions.

Siya ang dahilan kung bakit ngayon ay tila hindi ko kilala ang lalaking nasa aking harapan.

But what can I do? He is hurting.

And all I can do now is wait.

I just hope that Levi won't forget of who he really is.

"Yangzhe." Kusang lumabas ang pangalan ng lalaki mula saaking mga labi. I remember him from the story.

He was the cause of Levi's grief.

And he might also be one of the factors that affected Athyeia's death.

"Great mouth you got there." Sabi nito at pinisil ang panga ko. "You know your villains." Pagak ang tawa nitong sabi saakin.

"Anong kailangan mo saakin?" Tanong ko dito at tinampal ang kaniyang kamay.

"Don't pretend Athyeia. We both know who you are."

"Athyeia Abarca. Kakasabi mo nga lang di'ba?" I'm kind of lost. Eto na 'yung masamang nilalang na si Yangzhe??

"Pfft." Tawa naman noong katabi ko.

"Close your mouth Leor!" Sigaw nito doon sa lalaking cute na mukhang puppy.

"He ain't doing anything. H'wag mo siyang awayin." Suway ko sa lalaki. Muli namang bumalik ang galit na titig nito saakin.

"Don't make fun of me." Inis niyang sabi. "It doesn't matter. Be happy. Ilang araw na lang din naman ang itatagal mo sa mundong ito."

"First Levi and now this. Bakit ba lahat ay gusto akong patayin?" Mahina kong bulong saaking sarili.

Wala ba talaga akong takas sa maagang kamatayan?? Tsk!

"As if! Alam naming ikaw ang nobya ni Levi Azturias." I raised my eyebrow as high as mount olympus.

"Tanga ka ba?" I spouted. "Kung ako ang nobya non, hindi na ako aalis sa palasyo."

"H'wag kang magmura, may bata." Suway nito saakin. I heaved out a sigh.

"I'm serious though. May gusto ako sa kaniya ngunit alam kong hindi siya saakin magkakagusto. He even thinks I'm a rebel kaya niya ako pinayagang manatili sa palasyo. Lumapit siya para kumuha saakin ng impormasyon at ngayon ay sapilitang nakalaya na ako tapos ay iniisip niyong nobya niya ako??" Paglilintaya ko dito.

"And you think we would believe that?"

"Talaga po ba Binibining Athy?? Ano pong nangyaring kasunod? Tingin niyo po kaya baka habulin niya uli kayo? Paano po pag may gusto na din pala siya sa inyo??" Sunod-sunod na tanong saakin ni Leor.

"Oo. Talagang-talaga. Ang kasunod na nangyari, kinidnap niyo ako, hindi niya ako hahabulin since nangako siyang papalayain niya ako kapalit ng impormasyon na ako lamang ang nakaka-alam. Imposibleng magkagusto siya saakin." Masaya ko namang sagot kay Leor. Nawa ay malinawagan ang kaniyang isipan dahil doon.

"Shut it Leor! H'wag kang magpabilog ng ul—"

"Kuya?" Napatigil ang lahat sa pagsasalita nang biglang tumayo mula sa banig na higaan iyong batang babae. Kahit si Yangzhe ay napatigil.

"Matulog ka pa Irya. H'wag mo kami pansinin." Sabi naman ni Yangzhe at lumapit dito. Humikab iyong bata.

"P-Pero inaaway niyo po s-si Ate." Bulong nito. Napangisi ako.

Klaseng malakas ang kapit ng batang ito a.

"Tama ka Irya. Inaaway ako ng kuya mo. Grabe pala sa babae 'yan. Kung ako sa—"

"H'wag kang maniwala diyan Irya. Wala akong inaaway."

"Hindi Irya, sa totoo nga lang sinisigawan niya ako kani—"

"Hindi Irya." Bumulong si Yangzhe. "Ang hina ng boses ko di'ba?"

"Ngayon lang 'yan Irya. Sinungaling ang kuya mo." Napangisi ako at malawak na ngumiti kay Yangzhe nang samaan ako nito ng tingin.

If there is one thing I know, iyon ay ang katotohanang mahihina ang lalaki pagdating sa mga nakakabata nilang kapatid—lalo na pagbabae.

Ganoon ang kuya ni Hyacinth sa kaniya.

"Totoo po ba 'yun Kuya?" Nalulungkot na sabi ng batang babae. Tumango-tango ako dahil klaseng hindi pa makasagot si Yangzhe. Nilingon ako noong bata. "P-Pasensya na po kay K-Kuya... m-magsorry k-ka po kay Ate."

"Tama siya Yangzhe. Dapat matuto kang humingi ng patawad." Natatawa namang sabi ni Ezekiel saaking tabihan.

Mokong na 'to, ineenjoy din pala ang nangyayari!

"Patawad." Napapahingang sambit ni Yangzhe na nakapagpalaki ng aking ngisi.

Now I can live. May kakampi na ako.

Levi's PoV

Tahimik.

Napakatahimik.

Iyan ang kasalukuyang kalagayan ng palasyo. I stayed for a bit even though I was meant to be back to the manor immediately. I'm afraid that there would be another attack again.

And I'm afraid to feel the loneliness of the place.

Tinitigan ko iyong sulat na iniwan para saakin ni Athyeia.

When she left, I immediately searched for it.

Nakapatong ito saaking lamesa katabi ng isang libro, ang librong ibinigay naman ni Verona.

What Verona said never mattered to me. About Athyeia being a witch and all.

Ang gusto ko lamang malaman ay kung bakit.

Why would she want to kill me and why did she not?

I was in that state of mind when suddenly, Jae-Ha came in. Hinihingal-hingal ito. I was expecting another message of attack from the rebels, ngunit agad din iyong nabura nang makita ko ang katabi nitong aso.

Namuo ang kaunting kaba saaking dibdib noong makita ang piraso ng punit na telang nakasangit sa pangil ng asong niregalo ng aking kapatid kay Athyeia.

Walang ekspresyon akong lumapit dito at kinuha ang tela.

On the very same time, Jae-Ha reported. "We just received a letter from the rebels your highness. Nasa kamay nila si Binibining Athyeia."

Napahinga ako.

Who cares?

Who cares if she was an enemy?

Vote. Comment. Thanks for reading!

The Death of Athyeia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon