CHAPTER 26

126 13 1
                                    


26


.

"Goodmorning, Ms. Silver," the two ladies in the front desk greeted me.

They are both smiling but I can sense in their voices the nervousness maybe because of my intimidating aura.

"Goodmorning too. Can I ask if may delivery na nakarating. It was a perfume," I asked them.

Nagtinginan naman silang dalawa at nagtulakan pa.

I pursed my lips.

"Hurry!" I said. Hindi maganda ang gising ko ngayon because what happened two nights ago is still disturbing me.

"Meron po, Ma'am. Para raw po sa inyo kaya ako na po ang pumirma." The morena among the two said.

My brows furrowed before I got the box in their hands.

"Thank you, Syzheia and Arra," ani ko. I knew their name from their name tag.

My face is poker nang pumasok ako sa opisina. I'm busy signing and reading reports of the different departments nang biglang pumasok si Glen na kitang nagmamadali.

"What's the problem?" I asked him.

He is weary at hindi mapakali habang umupo sa upuan sa harap ng lamesa ko.

My office is big, it was like a sala.It was on the  highest floor of our buildig. The design of the whole room is in color silver mixed with gold, gusto ko mang baguhin but the theme symbolizes the company's name. Hindi rin mawawala ang cabinet na puro wine ang nakadisplay —the past products of Silvers Gold.

"Ma'am, may emergency po kase sa bahay." He's uneasy and panicking.

"How about your work here?" I asked him. Hindi ko talaga bet maging mabait ngayon.

"Ma'am, pwede po ba akong mag absent ngayong araw," si Glen.

Kinamot ko ang ulo ko habang hinihintay siyang matapos. I don't want him to absent today dahil madami kaming gagawin ngayong araw.

"Ma'am, dinala kase sa hospital ang anak ng ate ko. Kailangan po ako ng ate ko sa hospital." He's ashamed and avoiding my gaze.

I sighed and raised my hand gesturing that he can now leave.

Palabas na sana siya ng kwarto ko nang bigla siyang lumingon sa'kin.

"May kailangan kapa?" I asked him.

Nahihiya pa siya.

"Ma'am, may kailangan pa kase akong gagawin. Naalala niyo po ba ang files na ibinigay mo sa'kin kahapon?" Kumunot ang noo ko sa sinasabi niya.

Files kahapon?

Geez.

"Hindi mo pa ba napapapermahan 'yun?" Nahihiyang umiling siya.

I clenched my fist and breathed deeply.

"Give me the file, ako ang bahala!"

After minutes ay nakangiting nagmamadali si Glen na tumakbo sa labas at bumalik para ibigay ang folder ng file.

"Salamat talaga, Ma'am Silver. Sisikapin ko pong makapasok bukas." Sabi ni Glen bago umalis.

Tiningnan ko ang folder at binuksan. I frowned when I saw the name of that rude man in the paper without any signature.

Bakit pa ba nauso ang pirmahan?

I don't want to see him after nang nangyari sa terrace.

Heat Of The Summer Rain (SS #1: Summer)Where stories live. Discover now