26. WOH II

118 7 9
                                    

Warning: Sensitive content. Read at your own risk.


Ang pagka-panalo ni Jelly ay ine-expect na ng kaniyang mga kapatid dahil alam nila ang ugali nito. Ayaw na ayaw nitong natatalo. Lalo na ngayon, mainit ang dugo nito sa kalaban. 


Si Jave naman ay pasimpleng natutuwa dahil dito. Naniwala rin siya sa kakayahan ng babae kahit na gaano pa ito kadelikado at kung may mangyayari mang masama dito ay naitanong na niya si Paxton kung paano ang gusto niyang libing dito. 


Si Paxton ay hindi natutuwa sa unang laban dahil parang walang nangyari dito. Si Queenie ay naka-ligtas sa madilim na area dahil no'ng nai-pahayag na ang pagkapanalo ni Jelly ay nagliwanag na sa lugar. Ibig sabihin ay tapos na ang laban nila at doon nanggagalaiti sa inis at galit si Queenie pati ang kaniyang ka-grupo. Matatalim itong bumaling sa Flamingos na naka-ngisi sa kanila kaya lumapit ito dito.


"We're not yet done," may galit na sabi ni Kehlani dito.


Tumawa naman si Leela kaya mas lalong naasar ang mga ito. "Yes. Of course. Isa pa lang natatalo sa inyo, e. Kapag natalo na kita, Kehlani, we're done. I, myself, will announce that." banta ni Leela dito at saka tinalikuran ang Daisies. 


Si Kehlani naman ay natigilan sa mga sinabi ni Leela ngunit nabago iyon ng bumulong si Vienna dito na nagbigay ng lakas ng loob.


"Ha!" Sigaw ni Kehlani kaya napa-hinto sa paglalakad ang mga Flamingos. "Let's see, Leela. We'll see about that." Makahulugang saad niya.


Tumawa ng bahagya si Leela at saka itinaas ang kaniyang middle finger. "Whatever," aniya.


Napasigaw si Kehlani dahil sa inis at mas lalo na no'ng nagtawanan ang ibang manunuod. "I'm still on the TOP 3! Where's your respect?!" sigaw nito kaya tumahimik ang buong Arena.


"Really? We should respect you?" Hindi pa rin tumigil si Leela dahil sa sinagot nito na kahit malayo na siya ay narinig pa rin siya ng lahat. "Funny mo, Kehlani." dagdag nito.


Natapos iyon dahil nagsalita nang muli si Paxton para sabihin ang susunod na maglalaban. Hindi rin nag-tagal ay bumalik na si Jelly na wala man lang ka-galos-galos habang si Queenie naman ay isinugod sa clinic ng Arena dahil nagka-daplis ito. 


"Congrats!"


Binati siya lahat ng Black Swan at kahit ang Falcons ay lumapit dito para batiin. Hindi na rin sila umalis sa pwesto namin. Katabi ko na ngayon ang leader nila na si Dodge na naka-cross arms at seryoso ang itsura.


"Masyado ka namang seryoso." ani Leela dito.


Tumingin sa kaniya si Dodge na may ngisi sa labi at saka bahagyang tumingin sa may Black Swan.


He groaned. "Sorry for that," ngumisi ito.


Leela raised her brow, magsasalita na sana siya nang may humatak sa kaniya at pinwesto siya sa tabi nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Seven Daddies and Me with BabiesWhere stories live. Discover now