14. Client

64 10 5
                                    


Warning: Language

"The fuck!" I shouted as the car stopped suddenly. Humawak ako sa ulo ko dahil nauntog iyon sa biglaang pag-preno.


"Pwedeng dahan dahan, 'di ba?!" Galit na sabi ni Zuri at binigyan ng masasamang tingin si Jill habang nakahawak din ito sa kaniyang ulo.


Walang nagawa si Jill at nag-peace sign na lamang ito sa'min. 


Ngayon ay nasa may mga bulaklak na kami naka-hinto. Napapalibutan ito ng mga lilang kulay na bulaklak at nandito ang sasakyan kung saan may space na walang mga bulaklak. 


Ang sabi niya kanina ay eto raw ang way... does it mean na dito dumadaan?


"Anong sinabi mo kanina?" Tanong ko sa kaniya. Na-alog kasi ang ulo ko! 


Hindi ko na narinig ang sinabi niya nang palibutan ng mga alitaptap ang sasakyan. 


"Fuck," Bulong ni Reese nang makita na na ang dami nito sa may ulo namin at ang kamay nito ay naka-takip sa mukha.


"What is this?!" Sabi ni Jelly habang sinisiksik niya ang katawan niya sa'kin para magtago.

Si Zuri naman ay hinahawi ng kamay niya ang sa may ulo niya pero hindi iyon umaalis. Hindi naman dumadapo sa'kin kaya hinayaan ko na lamang na umikot-ikot sila sa ulo ko.

Mas lalo akong nagulat nang mag-iba-iba ang mga kulay nito. 

"Wow," Iyan na lamang ang nasabi ko habang pinagmamasdan sila. They're beautiful.


"Bakit ikaw hindi nilapitan?" Tanong ni Zuri nang mawala na ang mga iyon.

Imbis na sagutin siya ni Jill ay pinasadahan lamang ito ng tingin at nag-kibit balikat saka umatras  at umandar pabalik.

Hindi naman matagal ang byahe, mga kalahating oras ang papunta at ganoon din pauwi.

"Ano nga ang history nito? Bakit ganoon, 'yun lamang lugar na 'yon ang may bulaklak?" Tanong ni Jelly habang naka-sunod kami sa kaniya papasok. Hindi talaga tinatantanan ni Jelly si Jill dahil hindi rin kasi sumasagot 'tong lalaki na 'to.

Napasabunot si Jill sa ulo, saka marahas na humarap sa'min dahil magkatabi kami ni Jelly, "Kay Jave kana lang magtanong!" pagkasabi niya noon ay naglakad na ito ng mabilis.

"Napaka-damot!" Asik ni Jelly nang maka-alis si Jill.

Nandito na kami sa loob ng bahay. Agad na hinanap ng mata ko ang kambal. Kahit si Jill ay hindi ko makita. 

"Nasaan sila?" Tanong ko sa tatlo nang makarating kami sa living room. Dito ko iniwan ang kambal dahil lahat sila dito naka-tambay kanina.

"Nasa may rancho sila," Agad na tumaas ang tingin naming apat sa may rilling ng second floor kung saan nanggaling ang taong nagsalita. Si Agust pala. Nakasuot lamang ito ng black na tshirt at pants. Naglakad na ito pababa ng hagdan habang sinusundan lamang namin siya ng tingin. 

"Tinuturuan mangabayo ang mga bata," pagkasabi niya noon ay agad na nanlaki ang mga mata namin at sabay-sabay kaming naglakad ng mabilis palabas. Doon ulit kami dumaan sa may likod dahil mas madali.

"Hoy!" Agad na umakyat ang dugo ko nang makita ko sila Ishan at Pax na nangangabayo habang hawak ang tig-isang anak ko.

Nagkatinginan silang dalawa saka dahan-dahang inihinto ang kabayo. Si Bullet ay na kay Pax habang si Katana naman ay na kay Ishan. Nakatawa ang dalawang bata nang maabutan namin, tila ba'y natutuwa sa ginagawa sa kanila.

The Seven Daddies and Me with BabiesWhere stories live. Discover now