I raised my brow. "Akala ko kakampi kita?"

"Oo kakampi mo 'ko dahil kaibigan kita. Ang gusto ko lang sabihin ay bigyan mo ng chance 'yung tao. Ang lagay kasi, isang beses lang siyang nagkamali pero habambuhay niyang pagsisisihan."

Bumukas ang pinto saka sumilip si Manny. "Tessa, hinahanap ka nila sa labas?"

"Sige sabihin mo susunod na 'ko. Hintayin lang nila 'ko." Muling sumarado ang pinto saka ako nilingon ni Tessa.

I felt a sudden heat in my eye corner. "Akala mo ba hindi masakit itong nangyayari sa 'min? Akala mo ba hindi mahirap 'to? Kung ako ang papapiliin ay gusto ko na siyang patawarin pero hindi ng utak ko, dahil mas alam ng utak ko kung ano ang tama."

"Sige Xander, tignan mo sarili mo. Ngayon na magkahiwalay kayo. Sa tingin mo ba masaya ka? Sabihin mo," bakas sa boses niya ang paghahamon.

Gusto ko siyang sagutin ng pabalang pero biglang natameme ako. As if something was blocking my throat. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gulung-gulo na ang isip ko. Minsan iniisip ko na, paano kung hindi ko na lang nalaman. Siguro namamasyal lang kami ngayon sa iba't ibang bansa. Masaya siguro kaming dalawa ngayon. Mayroon naman sa parte ko na nagsasabing it is right that I found out the truth about him.

---

Simple lang ang naging birthday celebration ni Lyndon, para siyang naging mini family reunion. Nagpaalam na ako sa pamilya ni Tessa dahil ang awkward na kasama ako kahit hindi naman ako miyembro ng pamilya. Pag-abot lang ng regalo at maka-bonding sana si baby Lyndon ang pakay ko kaso nga lang ay tulog ang bata.

Bago ako umalis ay nag-request ang mga pinsan niyang babae na magpa-picture kasama ako. Ipo-post daw nila sa social media accounts nila. Dumidilim na ang langit nang makalabas ako ng bahay nila Tessa. Naka-received ako ng texts galing kay Ayla for my schedule for the following day.

I pouted when I saw the battery meter. It's 10%. Bakit ang bilis ma-drain ng battery? Sumakay na ako ng kotse saka sinimulang pagganahin ang makina.

Nagsisimula nang sumindi ang mga street lights sa paligid. Bigla kong na-miss ang lugar na kinalakihan ko. I missed my family. Sina Mama, Papa at Kuya. I sighed. Kung pwede lang sana bumalik sa nakaraan ay ginawa ko na.

Biglang nag-init ang ulo ko nang malapit na ako sa intersection. Napaka-traffic na naman! Tinignan ko ang oras, rush hour na at saktong unti-unting pagkamatay ng phone ko. Binuksan ko na lang ang radyo nang mabawasan ang pagkainis ko. I opened the drawers looking for my changer. Wala. Kinapa ko ang dashboard pero wala akong nakuhang charger.

"Nasa side table sa kwarto," sabay hampas sa manibela na nagpatunog ng busina.

Hindi pa rin umuusad. Naputol ang pagsabay ko sa kanta galing sa radyo nang makarinig ako ng katok. Nakita ako ang batang lansangan na may bitbit na bulaklak ng sampaguita. Binebentahan 'yata ako. I shrugged my head and I don't know if the kid see me from the inside. Sa palagay ko ay hindi niya ako nakita dahil hindi pa rin siya tumitigil sa pagkatok. Medyo naiinis na 'ko.

I pressed the button to lowered the side window. "Hindi ako bibili."

Nakita kong biglang naging malungkot ang mukha ng bata. Tinignan ko ang hawak-hawak niya, marami pa siyang ititinda sa gabing ito. Paalis na sana siya nang tawagin ko.

"Bata! Halika dito." kinuha ko ang take home food na bigay ng nanay ni Tessa. Nakalagay iyon sa paper bag. Hindi ko na nga sana tatanggpin pero nagpumilit pa rin si tita—typical Filipino kapag may handaan. Nakikain kana, may pa-take home pa. Dumukot ako ng 500 peso bill sa wallet. "Kunin mo na 'to at iuwi sa pamilya mo." Hindi ko na kinuha ang hawak niyang sampaguita dahil wala naman akong gagawin sa mga 'yon. "Saka maligo ka pagdating ng bahay."

I saw his smile from ear to ear. Biglang umaliwalas ang mukha niya. I rolled up the window and started to drive nang umusad na ang mga sasakyan.

Who knows, baka balang araw maging presidente siya at masolusyonan ang kahirapan at mantinding traffic sa bansang 'to.

Habang nagmamaneho ay sunud-sunod ang pagtunog ng phone ko indikasyon na low battery na. Ilang minuto ang lumipas at tuluyan nang namatay ang phone ko.

Nagulat ako nang biglang huminto ang sasakyan ko. Muntik pang tumama ang mukha ko sa manibela. Lumabas ako ng sasakyan dahil akala ko ay may nabangga ako. Napamura na lang ako ng malamang na flat ang gulong ko. Bakit napakamalas ng araw na 'to?

Una, low battery ang phone ko. Pangalawa, ilang beses ako naipit sa traffic. Pangatlo, na-flat ang gulong ko. Sana wala na maging pang-apat.

I looked around looking for automotive shop na pwedeng pagdalhan ng sasakyan ko. Good timing na shut down na ang phone ko. Bwiset!

Ilang minuto na akong nakatayo sa harap ng pinto para mag-isip kung anong gagawin ko. Susubukan ko sanang palitan ang gulong kaya lang ay walang spare tire ang kotse ko.

"Need help?"

Napalingon ako sa taong pinanggalingan ng boses. Pamilyar sa 'kin dahil halos araw-araw ko iyong naririnig. Minsan nga nabubwiset na 'ko sa kakulitan at kadaldalan niya. Ang sarap lagyan ng packaging tape nang manahimik.

"Sana, but I changed my mind."

"Woah!" he raised his hands. "Bakit napakasungit?"

"Anong ginagawa mo dito, Raphael?"

"Pauwi na 'ko galing photoshoot nang makita ko ang isa sa may pinakamagandang mukha sa modeling industry," mas lumapit pa siya sa 'kin kaya naman lumayo ako ng kaunti. "Mukhang kailangan mo ng tulong so I volunteer."

"Pahiram ng phone mo." utos ko.

"What? Why?"

"You're willing to help, right?" dinukot niya sa bulsa ang phone. Tinawagan ko ang towing company para kunin ang sasakyan ko.

Inalok niya akong ihatid pauwi. Tatanggi pa sana ako pero dahil sa kakulitan at kadaldalan niya, sumakay na lang ako sa sasakyan niya.

The Gorgeous Man's MadnessWhere stories live. Discover now