Maya maya lang din ay may kumatok sa pintuan ko. "It's me..." pagpapakilala niya.

"Ahm can you please open the door? I want to talk to you." tahimik lang ako. Mas dumapa pa ako sa unan ko.

"Alam kong nandyan ka sa loob. Pabukas ng pinto please." sabi niya pa pero wala pa rin akong sagot. "Scarlet? Open up please." patuloy siya sa pagkatok na nagsisimula na akong mainis. Ayaw ngang sumagot, ibig sabihin ayaw kang makausap peste ka!

"Kapag hindi mo ito binuksan wawasakin ko 'to." sige bahala ka. Ikaw naman magbabayad.

"Isa." dalawa...

"Dalawa." nye nye dalawa...

"Scarlet!?"

"Tss ito na. Ito na!" napaka demanding naman. Bumangon na ako sa pagkakadapa ko, konting ayos ng buhok at punas ng mukha at saka buntong hininga ng multiple times bago binuksan ang pinto. "What?" napamaang ako nang yakapin niya ako papasok sa loob ng kwarto ko.

Take note hindi lang basta yakap kasi sobrang higpit nang pagkakayakap niya sa akin. Nakakagago talaga ang lalaking ito.

"Sorry." tapos ngayon mag so-sorry, sana ayos ka lang.

"Naguguluhan ako Tristan. Ano nanaman ba itong ginagawa mo?" hindi ko na napigilang magtanong. Magulo kasi e, sobrang nakakagago.

"I'm sorry. Fuck, I can't stand seeing you like that. I'm sorry for making you cry." unti-unting nangilid sa luha ang mga mata ko. Hanggang sa sabay sabay nang nagsipatakan ang mga luha ko. Sobrang saya ko at hindi ko na iyon maitago.

"Gago ka!" umiiyak na sabi ko. "Akala ko talaga ayaw mo na sa akin. Akala ko si Cassandra na talaga ang mahal mo!" umiiyak na sabi ko, hindi pa rin maipaliwanag ang nararamdaman.

Pero dahil pagbanggit ng pangalang iyon, agad kong binalingan nang masamang tingin si Tristan. "Bwisit ka! Doon ka na!" masama talaga anag loob na maktol ko pa na ikina tawa lang niya.

"Masaya ka na niyan, ha? Masaya ka? Masaya bang pasikipin ang dibdib ko at paiyakin ako? Masaya ka na, na maka ilang beses ako hmm...hmmm!!" hindi ko na naituloy ang mga sasabihin nang agad niya akong halikan.

Nakaka-miss. Hinalikan niya ako nang marubdab, yung sabik at nangangailangan pero nandoon pa rin ang respeto at pagmamahal. Nakakapanlambot ng mga tuhod. Namalayan ko nalang na unti-unti ko na palang niyayakap ang mga kamay sa kaniya. Nakakalunod grabe!

Feeling ko hindi ko na magagawa pang kumawala sa halik niya. Mabuti nalang talaga at pareho na kaming kinapos sa hininga at napilitang bumitaw sa labi ng isa't isa.

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang lingunin siya. He was smiling from ear to ear. Mabilis kong natakpan ang mukha. "Shit." nahihiyang sabi ko pa.

"I love you, My queen." shit mapulang-mapula na ako, tama na.

Nahihiya akong na pasubsob sa dibdib niya sinusubukang itago ang mukha sa kaniya. "I hate you." tinawanan lang ako.

"I know you don't. You love me still. You kissed me back..." natatawang sabi niya pa saka ako niyakap palapit sa kaniya. "Came on My queen, I wanna hear you say you love me too. I love you..."

"Manahimik ka!"

"Oh came on, My queen. Just say that you love me too."

"Tss!"

"Sige na... I love you."

"Tss! I love you too..."

"Yiee kinikilig ako, reyna ko."

"Magtigil ka nga! Pasalamat ka malinaw na anag pag-iisip ko, kung hindi ay sabay ko kayong ihuhulog ni Cassandra sa rooftop." natawa siya sa simabi ko. Hahambalusin ko pa sana siya nang biglang mag-ring ang cellphone ko.

Bumitaw ako sa yaka niya at kinuha ang cellphone saka sinagot ang tawag. It's Anitha.

"Yes?" sagot ko.

"I have a news for you." sabi niya.

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "What?"

Tumikhim siya sa kabilang linya. "Can you came here?"

Lumingon ako kay Tristan "I can't." sagot ko.

Bumuntong hininga muna siya bago muling nagsalita. "Okay I'll confirm it first then I'll go there the day after tomorrow."

"Okay I'll be here." muli kong hinarap si Tristan.

"Bye."

"Bye." sabay naming binaba ang tawag.

Lumapit sa akin si Tristan at yumakap mula sa likudan ko. "Sino 'yon?" tanong niya.

"Si Anitha. Meron daw siyang sasabihin." sagot ko, may pilit na ngiti sa mga labi.

I don't know pero I have this feeling na basta, I can't explain it. Para akong biglang kinabahan. I know Anit, seryoso siya most of the time pero kanina no'ng kausap ko siya, alam nang may mali, at napaka seryosong bagay nito.

Sandali akong napa isip at muli nanamang naalala ang pigurang iyon. Mga matang nangungusap at ang pigurang naka masid sa akin.

Oo nga't maulan nang panahong iyon pero hindi ako nagkakamali. Sigurado ako sa naramdaman ngunit malabo pa sa malabo ang iniisip ko. Hindi... hindi 'yon mangyayari. Matagal na siyang wala.

A/N: Feedbacks please!! Gusto ko malaman ang mga iniisip nyo habang nagbabasa.

🍀Black_Stain_19

My Girlfriend is a MafiaWhere stories live. Discover now