Collaboration

205 8 0
                                    

Someone's POV

I was looking at her in a distance. Because no matter how I want to hug her right now, I can't. I need more time.

I badly want to hug her right now. She was crying in the rain. Gusto kong lumapit at abutan siya ng payong pero bigla siya humarap sa gawi ko. Napilitan tuloy akong tumalikod.

And when she's just a step away from me I turn my back and walk away. Sobrang tagal na mula nang huli ko siyang mayakap pero kailangan kong magtiis. I have to take my revenge first.

Mabilis akong sumakay sa nakaparadang kotse sa kabilang bahagi nitong kalsada katapat ng hospital. The look at Ivy's face hayysst... "Let me guest nag sumbong ka nanaman sa asawa ko ano? Tss." sabi ko nalang sabay irap. Mabuti't medyo maayos ang pakiramdam ko ngayon dahil nakita ko na ang anak ko.

Buong byahe na sa labas lang ang tingin ko. Na sa backseat kasi ako at sa tuwing nagkakasalubong ang mga tingin namin sa rearview mirror ay nagkakasamaan kami nang tingin. Tss hindi mo magugustuhan kapag nagalit ako.

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong bumaba hindi pa man naka ayos ang pagkaka-park ng babaeng iyon ay lumabas na ako. Baka mabaril ko lang siya.

"Saan ka nanaman ba pumunta?" bungad sa akin ng asawa ko. Nginitian ko lang siya at saka humalik sa pisngi niya.

"Hmm? Diyan lang sa tabi-tabi." sagot ko halata namang hindi gagana ang palusot ko kasi malamang sa malamang nagsumbong na ang impaktitang babae na 'yon.

"Ang sabi ni Ivy pumunta ka nanaman daw doon. Ano bang sabi ko sayo..."

"Bawal pa magpakita. Bawal makita. Bawak may makakita. Hon, I was wearing a face mask and a cap. Walang makakakilala sa akin. Natakot lang naman akong malason ang utak niya. Si Sharlene at ang anak niya ang kasama ng anak ko. Hindi lang talaga ako mapalagay." paliwanag ko pa. Nagtuloy na ako sa loob ng bahay nakita ko na kasing papalapit na yung asungot.

"Ngayon na nakita mo na siya napanatag ka na ba? Hon, please hindi pa tama ang panahon. We need more time and have a better plan. " sumunod siya sa akin tudo paliwanag pa siya.

Bumuntong hininga muna ako bago hinarap ang asawa ko. Iniyakap ko ang dalawang braso sa neck niya at saka umiintinding tumingin sa kaniya. "Okay, okay. I'm sorry I just missed her." naka ngusong sabi ko pa, nalulungkot talaga.

"I know Hon, but you have to wait. Mayayakap mo rin siya once na mapagtagumpayan natin ang plano." sabi niya pa.

"Hmm, ano pa nga ba'ng magagawa ko? Sige, sa kwarto na muna ako." nalulungkot na sabi ko bago naglakad papasok sa kwarto ko. Magpapahinga na muna ako.

"Remember It's you and me against our daughter Honey." rinig kong sabi niya bago ako tuluyang maka pasok sa kwarto ko. Na pa buntong hininga ako bago nahiga sa kama ko.

Kunti nalang anak. Kunting-kunti nalang makikita mo na ulit si Mommy.

Scarlet's POV

Pagkatapos kong magpaulan nang umagang iyon ay ito ako sa loob ng kwarto ko. Hindi naman sa nagkukulong ako pero nagkukulong talaga ako.

Mabilis akong naligo at nahiga sa kama ko at doon muling umiyak. I can't believe na iiwan niya talaga ako doon. But like everything na nangyayari ngayon it's not his fault. I asked for it.

Now I'm here lying on my bed silently sobbing. Tangahan pa kasi next time Scarlet ano? Ang sakit sakit. Ngayon sa mga ganitong pagkakataon ang yakap talaga ni Mommy ang namimis ko. But wala naman na akong magagawa. What's done is done.

My Girlfriend is a MafiaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant