Bloody 18

137 26 0
                                    

"𝑨 𝒍𝒆𝒕𝒕𝒆𝒓 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝑩𝒍𝒐𝒐𝒅𝒚 𝑽𝒂𝒍𝒆𝒏𝒕𝒊𝒏𝒆."


▪︎Cherry▪︎


"LET US GO! We already did what you want us to do. Yun naman ang usapan natin hindi ba?"

"Of course, my dear Cherry. I will never break my word. But before that, you need something to drink. I don't want my stars to experience dehydration."

May kinuha s'yang dalawang inumin na nakapaloob sa isang plastic cup at mayroon pa itong straw. Nag dalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba ito o hindi. Pero sa huli ay inabot ko ang inumin at ibinigay kay Berry ang isa.

"It's smells like a mango juice." komento ng kakambal ko nang binuksan nya ang takip ng cup upang amuyin ang loob nito.

"I will just get the key first. Okay? Enjoy your drink." Tinalikuran nya kami upang lumabas at muli na namang pumasok ang nakadidiring amoy sa aming silid.

What was that? Nasaan ba kami ngayon? Bakit hindi mawala wala ang amoy na iyon?

"Do you think it's safe?" tanong ko.

"I don't know pero mas mabuti nang sundin natin ang sinabi nya. Dahil baka kapag sumuway tayo ay biglang magbago ang isip nito." dinikit nya ang kan'yang labi sa straw at nagsimula ng uminom.

She's right, we need to be a good girl in order to be safe. Because as long as we still have chains in our body, the both of us are still in danger. Hindi na rin ako nagdalawang isip na uminom sa binigay n'yang inumin.

The mango flavor soothes inside my mouth down to my throat. It's not sweet yet it's still tasty. Nakakatatlong lagok palang ako ngunit mabilis kong nabitawan ang plastic cup. Nang makita kong biglang nangisay si Berry sa aking harapan.

"Berry, what's happening to you?"

Patuloy lamang sa pangingisay ang kan'yang katawan. At doon lang ako napaiyak nang makita kong tumirik na ang kan'yang mata kasabay nang pagbula ng kan'yang bibig.

She's poisoned.

I was ready to scream for help but then I felt an unexplainable pain inside my stomach going up to my throat. I placed my two hands on my neck trying to stop the pain. Para akong sinusunog mula sa loob. Malakas akong napaubo at kasabay nun ang pagtalsik ng dugo sa bed sheet ng kama.

"Are you in pain, Cherry?"

Ang boses na iyon.

Niloko nya kami.

Simula't sapul palang ay wala na talaga s'yang balak na buhayin kami ni Berry.

Pinaglaruan nya kaming dalawa.

Wala na akong lakas para magsalita. Kaya gumapang na lamang ako palapit sa katawan ng kakambal kong hindi na gumagalaw. Halos puti na ang makikitang kulay sa kan'yang mata at ang bunganga naman nito ay nakanganga. Nagbabakasaling makalanghap ng hangin.

Muli akong umubo at mas dumoble ang dami ng dugong aking nailabas. Humiga ako sa dibdib ng aking kapatid at tinitigang mabuti ang mukha n'yang unti unti nang lumalabo sa aking paningin.

"I love you."

Tumihaya ako upang tignan ang taong naglagay sa amin sa sitwasyong ito. Pero yun na lamang ang labis na pagkagulat na bumalot sa aking katawan. Nang makita kong hindi na nya soot ang kan'yang maskara.

"It's been you a-all along. You are --

"Good bye, Cherry. I will now set you free." nakangising sambit nito at inangat ang isang palakol.

Bloody Valentine - #R18 ∣✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon