Bloody Three

452 68 14
                                    

"𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒃𝒆𝒔𝒕𝒇𝒓𝒊𝒆𝒏𝒅 𝒊𝒔 𝒂 𝒎𝒖𝒓𝒅𝒆𝒓𝒆𝒓."

▪︎Tasha▪︎

DUMAGUNDONG sa aking pandinig ang nakakabinging sirena na nagmumula sa labas.

Dahan dahan kong naimulat ang aking mata at doon ko lang namalayan na nasa loob pala ako ng infirmary. Hindi naman ako nagtaka kung bakit ako nandito, dahil alam kong nawalan ako ng malay kanina.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at inalis ang kurtinang nakatakip sa aking hinihigaan.

Walang tao sa loob. Pati ang aming academy nurse ay wala sa kanyang desk. Bumaba ako sa kama at naglakad palapit sa kanyang table, upang isulat ang aking pangalan sa log book.

Mukhang okay naman na ang pakiramdam ko kaya pwede na siguro akong lumabas at bumalik sa classroom.

Pero bakit may mga sirena akong naririnig sa paligid? May sunog bang nagaganap?

Binilisan ko ang pagsulat ng aking pangalan para makita kung ano ang kaganapang nangyayari sa labas.

"Gising kana pala."

Awtomatikong napaangat ang aking tingin nang may magsalita sa aking likuran.

"Kayo po pala Nurse. Elaiza." may ngiti sa aking labi ng sabihin ko yun. It's already obvious that she's our academy Nurse.

"Mabuti na ba ang pakiramdam mo?"

"Opo. Maraming salamat po sa tulong."

Naglakad sya palapit sa akin at umupo sa kanyang mesa. Nagbigay naman ako ng daan para sa kanya.

"Actually, I just got here. May pinuntahan kasi akong seminar kanina at pagbalik ko rito sa infirmary ay natutulog kana d'yan sa kama."

"Ganun po ba?"

I think si Brittney ang nagbantay sa akin kanina. Pero bakit wala sya ngayon rito sa infirmary?

"Yes. Kaya umuwi kana para mas makapagpahinga ka, okay?"

Tumango naman ako at tinanggap ang mga gamot na binigay nya sa akin. Muli akong nagpasalamat sa kanya bago tinungo ang pinto para lumabas.

Nilagay ko ang mga gamot sa bulsa ng aking palda. Pero nahulog ko ang mga iyon, dahil bigla akong nabangga ng isang estudyanteng tumatakbo papunta sa kaliwang direksyon. Hindi na nya nagawang mag sorry sa akin dahil parang hindi nya naramdaman na may nabangga sya.

Sinundan ko ng tingin kung saan ito papunta at doon ko napansin ang mga sasakyang pinagmumulan ng ingay. At hindi iyon galing sa isang firetruck kundi sa isang ambulansya.

Anong nangyayari?

Naramdaman ko nalang ang paggalaw ng aking mga paa papunta sa mga estudyanteng nagkukumpulan sa restroom na medyo may kalayuan sa cafeteria.

"Kawawa naman sya."

"Sinong tao ang kayang gumawa ng gan'yan?"

"Matindi siguro ang galit nang taong pumatay sa kanya."

"Nakakadiri."

Ilan lamang yan sa mga salitang naririnig ko. Pinilit kong dumaan sa mga estudyanteng nasa paligid upang makita kung ano ang pinag-uusapan nila. At sa puntong malapit ko nang makita ang nasa unahan ay naramdaman ko ang matinding sakit na nagmumula sa aking anit.

"YOU BITCH."

Hindi ko alam kung sino ang may sabi nun dahil hindi ko sya makita dulot nang pagsabunot nya sa akin.

Bloody Valentine - #R18 ∣✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon