Chapter 13

34 0 0
                                    

Allian POV

"hello everyone!! Were back!!" sigaw ni kiana pagkapasok namin sa gym, napatigil sila sa paglalaro at napatingin samin lalo na ang limang unggoy na nanlalaki angmga mata.

"yown! Makulay na ulit ang buhay!" sigaw ni chester habang yung lima ay nakatingin parin samin, gulat na gulat.

Lumapit nako kay xander at hindi pako nakakalapit nang hilahin niya ako at bigla nalang hinalikan. Ikinawit ko nalang ang kamay ko sa leeg niya.

Dinig ko pa ang sigawan nang mga kasamahan niya.

"I miss you" aniya nung bitawan ang labi ko.

"I miss you too" nagulat ako nang hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin at dun umiyak sa balikat ko.

Natawa nalang ako at hinaplos angbuhok niya.

"akala ko hindi kana babalik" aniya

"diba sabi ko babalik ako" hinawakan ko ang pisngi niya at pinunasan ang luha niya.

Pinaupo ko muna siya at pinunasan ang pawis niya, habang siya. Hindi parin binibitawan ang bewang ko.

Pinilit kong kumawala sakanya pero hindi ko magawa at mas hinigpitan niya lang iyon.

"ano ba bitawan mo na nga ako" natatawang ani ko.

"ayaw! Na miss kita eh" nakangusong aniya at isinubsob ang mukha sa tiyan ko.

Natawa nalang ako at niyakap narin siya.

"punta kana dun, maglalaro na kayo oh" ani ko, bumuntong hininga muna siya bago tumayo. Dinampian niya muna ako nang halik sa labi bago pumunta sa mga kasamahan niya.

Nagpaalam muna kami na pupunta sa soccer field.

"ate cap!" sigaw nila nung makita ako. Kinawayan ko nalang sila at nanuod nang laro nila.

"okay pwede na kayong umuwi" ani ko nang matapos sila.

"wala na pong practice sa hapon?" tanong nung isa, umiling naman ako.

Naglakad na ulit kami papuntang gym at nagulat ako nung bigla nalang napasalampak sa sahig si freya.

Nang tignan ko yung mga naglalaro kanina naka gapos na sila pati yung lima.

Nang lumingon ako dun sa tumadyak kay freya.

"what the?" hindi makapaniwalang ani ko, dahil nandito sila Kathleen at siyempre kasama niya ang apat niyang kapatid, isa sila sa mga naka away ko.

"long time no see Allian kiel" nakangising ani ni Kathleen.

"yeah? Anong sadya niyo dito? Miss niyo ko?" ani ko.

"hahaha oo miss kana namin katunayan nga huling araw mo na to, eh" ani ni kaye, kapatid niya.

Tinignan ko si freya at tinanguan. Lumapit ako dun sa may lamesa at sumandal.

Si freya naman ay hinahamon na yung lima, at sila kiana ay nakatayo parin.

"bring it on baby" nakangising ani ni freya at pinatunog pa ang leeg.

Sumugod si kaye, at katulad nang inaasahan ko. Yumuko siya at pinatid si kaye kaya napasubsob ang mukha sa sahig.

Sinenyasan ko si sav na e lock yung pinto. Aba mahirap na baka may mga kasama pa sila, kawawa naman yung mga walang laban.

"smooth" ani ni zaih na nakatingin kela freya, ang sumunod na sumugod ay si Kathryn, tumatakbo siya palapit kay freya.

Umikot naman si freya at sinipa siya sa tiyan, hindi inaasahan ni freya ang biglaang pagsugod ni katley na sinuntok siya kaya pumutok ang labi niya.

The Heiress (On Going) Where stories live. Discover now