Chapter 35

13 0 0
                                    

Xander Pov

Nandito kami ngayon sa sala at di ko pa din makakalimutan yung mga sinabi niya sakin kanina. Napahawak ako sa kuwintas na suot ko.

Ito na ata ang pinaka the best gift na natanggap ko sa buong buhay ko.

"ke, aso ba to?" tanong ni sav kay kiana na nasa kusina at nagluluto.

"ha? Saan?" tanong ni kiana.

"ito oh" sabay turo sa isang lamesa sa may bandang hagdan, ngayon ko lang nakita iyon dahil parang nakatago iyon, at may aso nga dun na husky na kulay puti.

"ah yan ba, di no. Yan yung unang aso namin ni lian eh, pina-taxidermist ko sila kasi gusto ko pa na nakikita yung baby ko eh. Siya nga pala si kiyasha" pakilala niya samin at kinuha yung stuffed toy na mukhang totoong aso. "dati pag hinawakan pa to ni lian dapat naka mask pa siya at naka gloves eh" natatawang aniya at nilapag sa coffee table si kiyasha.

"hala ang cute, mukhang totoo" ani ni sav.

"ano nga pala yung kinamatay niya?" tanong ko.

"nagkasakit siya eh" sagot niya.

"saan nga pala si lian?" tanong ni zaih.

"may ginagawa dun sa rooftop, ewan ko kung ano, puntahan natin. Teka lang kukunin ko lang yung niluto ko para dun nalang tayo kumain."

Kinuha niya nga yung niluto niya na itlog na may cheese sa loob.

"sila blood ba tulog pa?" tanong samin ni kiana.

"oo eh, ewan ko ba dun. Ilang beses na namin ginising ayaw parin, magagabi na't lahat tulog padin" ani ni zaih, simula kasi nung dumating kami tulog lang sila ng tulog ni chase.

Umakyat nga kami sa rooftop at nakita namin si lian na may dino-drawing dun dun sa kahoy na naka shape na parang skateboard habang nakasandal dun sa may railing. At nandoon din si kio na may hawak na gitara at umiiyak habang nakatingin sa isang Picture.

"lian, ito oh niluto ko favorite mo" ani ni kiana.

"sandali lang" ani nito, lumapit naman ako at umupo sa tabi niya.

Nang subukan kong tignan ang dino-drawing niya ay agad naman siyang lumayo at tinago iyon.

"pagtingin" ani ko at sinusubukan na kuhanin yun sakanya.

"bawal no!" aniya at tumakbo palapit kay kiana, natawa naman ako.

Sumapit na ang gabi at kasalukuyan kami ngayon na kumakain ng hapunan.

"lian bukas pala dadating si Natasha kayo na munang bahala kela Xander ha" ani ni papa

"ha?!" sabay na tanong nila ni naya.

Tumango naman si papa.

"ma! Bakit niyo naman siya pinauwi?" tanong ni naya.

"why? Miss na miss ka na nga ng ate mo eh" ani ni papa.

"may ate ka pala?" tanong naman ni miel.

"oo pero ugh!" aniya sabay kamot ng ulo. Pinatapos na namin ang pagkain namin saka kami inutusan ni lian na mag-ayos na at aalis na kami .

"mag momotor lang tayo" ni kiana nang makalabas kami ng bahay.

'' ewan ko kay lian, hintayin nalang muna natin siya lumabas" ani ni zaih, maya-maya pa ay lumabas na si lian na naka sleeveless sando.

"ganyan kalang? ang lamig kaya babe" ani ko.

"okay lang, ito naman lagi kong sinusuot eh" aniya sabay ngiti sakin 

The Heiress (On Going) Where stories live. Discover now