Chapter 40

7 0 0
                                    

Allian Pov

Nagising nalang ako sa katok na nagmumula sa labas, tatayo na sana ako nung maramdaman kong may brasong nakayakap sa bewang ko .  

"Lian, Xander tulog ba kayo? Baba na kayo kakain na" dinig kong ani ni kiana mula sa labas.

"o-oo! bababa na kami" sigaw ko at nilingon si Xander na mahimbing padin ang tulog.

"babe,xander" panggigising ko pero mas hinigpitan niya lang yung yakap niya skin at siniksik ang mukha niya sa leeg ko. "Gising na kakain na daw" ani ko.

"Gutom ka na ba?" bulong niya

"Di pa naman" ani ko

"Dito muna tayo gusto pa kitang yakapin" aniya at hinigpitan ang yakap. Natawa naman ako at niyakap din siya pabalik

"Okay ka na ba?" maya-maya'y tanong niya.

"oo salamat" nagugulat niya naman akong niyuko

"salamat para saan?"

"Kasi sinamahan moko, di moko iniwan" nakangiting ani ko

"Tsk wala yun saka boyfriend moko, bilang boyfriend mo tungkulin ko na samahan ka sa lahat ng bagay. Sa hirap man o sa ginhawa" aniya, natawa naman ako at nag ayaan na kami na bumaba.

Pagbaba namin wala nang tao sa baba siguro nasa kanya-kanya nang kwarto, nagsimula na kaming kumain at nang matapos kami ay umakyat nadin naman kami.

hiatid ko siya sa kwarto nila at nandun si kiana nakikipag harutan kay raze nang makita niya ako ay nagpatulog-tulogan ang gaga.

"lian dito na matulog si kiana please, swap kay xander" ani ni raze.

Natawa naman ako saka sumang ayon  nalang din kasi gusto ko din naman.

Nang makapasok kami sa kwarto nagpaalam muna ako na maliligo.

"sama ako" aniya bago ako makapasok sa banyo. Pinakyuhan ko lang siya saka pumasok na sinigurado ko munang nalock ko ang pinto bago ako nagsimula nang maligo.

"Ako naman" ani ni xander nang makalabas ako ng banyo, may hawak na damit siguro bumalik siya dun sa kwarto nila bhabang naliligo ako.

bago siya makapasok nang banyo, nagulat ako nang bigla niya akong sinandal sa pader at siniil ng matamis na halik, bago pa ako maka tugon binitawan niya na agad ako ngingising-ngisi na pumasok sa banyo.

bumuntong hininga nalang ako at patalon na himuga sa kama, maya-maya pa ay lumabas na si xander na naka pajama lang at walang damit pantaas, basa pa ang buhok at yung damit niya ay hawak niya sa kanang kamay.

"B-bat di mo pa sinusuot yung damit mo?" utal na tanong ko, niyuko niya naman yung hawak niyang damit.

"mainit eh" nakangising aniya

"mainit?nakabukas naman yung aircon" ani ko

"eh sa naiinitan ako eh" aniya at dahan-dahang lumapit sakin, ako nman ay nagtalukbong ng kumot. Narinig ko naman ang mahinang tawa niya. Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang mga braso niyang dahan-dahang pumupulupot sa bewang ko, kaya naman ay nilabas ko na ang ulo ko sa kumot pero ang mata ko lang ang nakikita at ang ilong ko naman at bibig ay tinatakpan pa ng kumot.

Nakapikit na siya nang lingunin ko, maya-maya pa ay nagulat ako ng magmulat siya bigla. 

"Bat moko tinititigan?" aniya habang dahan-dahang kinukumutan ang sarili, nang tuluyan niya nang makumutan ang sarili ay agad niya na naman akong niyakap.

The Heiress (On Going) Kde žijí příběhy. Začni objevovat