Chapter 38

10 0 0
                                    

xander Pov

Maaga kaming nagising ni Raze at tumulong maghanda ng agahan dun kela Nana. Gising na din sila buen, kendric, at kio samantalang yung iba naming mga kasamahan aytulog pa. five palang naman kasi.

"Ano nga pala yung sinasabi n'yong manliligaw ni Lian kagabi?" tanong ko sakanila habang naglalagay ng mga plato sa mesa. 

"Ah yun? Diba may tumunog kagabi sa bubong? Wala tinatakot lang namin si Lian, saka kagabi di niyo ba narinig yung tiktik at wakwak?" ani ni dric.

"Naririnig naman namin pero malayo naman yung tunog at ano yung wakwak?" tanong ni raze.

"Uh aswang yun na babae tapos yung tiktik naman lalaki, tapos pag parang malayo o mahina yung tunog, ibig sabihin nun malapit sila sayo tapos pag malakas naman yung tunog, malayo sila sayo" Sagot ni kio.

"ngek, baliktad, saka naniniwala pa kayo dun?" ani ni Raze.

"tsk, uso yang mga yan dito dre. Nasa probinsya tayo. Saka naka encounter na kami" Ani ni Buen.

"Ay weh? nakakita ka na ng mga aswang?" ani ni Raze na nanlalaki ang mata.

"yeah, kita niyo yung malaking puno diyan sa labas? May nakatirang kapre diyan. Laging nandiyan noon si Lian eh, pinaglalaruan siguro. Hanggang gabi siya diyan tapos pag nagkakasakit si lian. Pupunta lang diyan si Mommy o di kaya si Daddy para pagalingin si lian tapos kinaumagahan nun wala na yung lagnat ni lian. tapos si lian noon manonood lang yan ng tv diyan sa sala, maya-maya magugulat nalang kami tumitirik na mata niya tas nangingisay. matatakutin kasi si lian sa mga bagay na yan kaya madali siyang nadadala" mahabang paliwanag ni dric.

"Tapos alam niyo ba di lang mga ordinaryong tao ang nagkakagusto diyan kay lian, pati mga maligno nagkakagusto narin. Kaya ikaw Xander maswerte ka kasi ikaw ang pinili ng kapatid ko" natatawang ani ni dric.

natawa din naman ako.

"Eh nakakita na ba kayo ng litiral talaga na aswang?" ani ni Raze.

"Hmm, dati nung mga bata pa kami. Natandaan ko nun nagsisilabasan yung mga tao tapos nakatingala sila sa kalangitan. Hapon na yun eh tapos sabi  nila may kinuha daw yung manananggal, batang babae" ani ni buen.

"Oo, naalala ko yun tapos naalala niyo din na yung bola ko tumatalbog mag isa" ani ni kio

"Goodmorning!!" ani ni kiana kaya napalundag naman kaming lahat sa gulat.

"Ano ba yang bunganga mo?!" sigaw ni Kio sa kapatid.

"bakit ba?! gulat na gulat kayo? Anong meron mga lods?" aniya at umupo.

"wala, wala. Si lian?" ani ni dric.

"pababa na yun ginising lang yung iba" aniya.

Maya-maya pa ay nasibabaan na nga sila lian pati narin sila tita Mila na masama ang tingin kay Tito Ion na malawak ang pagkakangiti sakanya.

"Wag kang ngingiti ngiti sakin Ion Kurt! At naiinis ako diyan sa pagmumukha mo!" sigaw ni tita mila at ngumiti siya samin pero nung humarap ulit kay tito ay nawala na naman ang ngiti niya.

"Hon, sa labas mo na nga ako natulog tapos—" hindi na natuloy ni tito Ion ang sasabihin ng hinampas ni tita ng napakalakas ang mesa at tinignan siya ng masama.

"tapos ano?! Ha?! Tapos ano?!" sigaw ni tita.

"I love you" madamdaming ani ni tito at malawak ang pagkakangiti. Nagmamakaawa.

Narinig naman namin ang pagsipol ni kio kaya lumipat ang masamang titig ni tita sakanya kaya naman nag patay malisya ito at tumingin sa kung saan.

"Gusto mo bang kumampi dito sa Tatay mong magaling Kio Ked?!" galit na ani ni tita.

The Heiress (On Going) Where stories live. Discover now