29

145 20 0
                                    

chaewon

minjoo, minjoo asan kana? ilang weeks nang nakalipas wala pa ding nadating na minjoo.

2 weeks na kitang hinihintay.

"hoy, chae ayos kalang?" tanong ng classmate kong si chuu. napansin nya ata na medyo matamlay ako dahil hindi ako kumakain.

"ayos lang, may iniisip lang ako" sagot ko tsaka tumango tango. nginitian ko naman sya para makumbinsi ko sya na ayos lang ako dahil kung hindi alm konh kukulitin nyako.

"pwede ka naman mag sabi samin, friends naman tayo eh" singit pa ni kimlip na kumakain ng fries. tumabi naman sya sakin tsaka nya tinapik yung balikat ko.

"luh para kayong tanga, hindi naman malalim iniisip ko eh. sakto lang" natatawang sabi ko. tinarayan naman ako ni chuu ng pabiro. ganto talaga kaming mag kakaibign. tsaka pag kasama ko sila nakkalimutan ko saglit yung mga iniisip ko.

"basta pag may problema ka sabihin mo samin" bangit pa ni kimlip bago sila lumipat sa kabilang table

ansaya nilang 12. na m miss ko tuloy sila unnie. hiwa hiwalay kasi kami ng school eh tsaka madami silang ginagawa kaya hindi kami nagkakasama ng matagal. si yena unnie lang tsaka si yuri yung nakakasama ko.

agad ko namang tinignan yung kwintas na binigay sakin ni minjoo.

babalik kaya sya?

pinag masdan ko naman ulit yung kwintas. may letter k na nakalagay don kaya napaisip ako kung sino yung k nayon.

siguro firstlove nya? ex nya?

sabagay bakit nya yon iingatan kung hindi mahalaga sakanya.

pero bakit nya yon binigay sakin kung mahalaga yon?

"hey vro." bati ni felix habang naka silip sa pintuan ng room ko. palagi na lang syang nandito hindi ba sya napapagod

tumayo nman ako at lumapit sakanya "anong ginagawa mo dito" tanong ko sakanya habang nakapamewang ako.

"sabay tayo kain, hindi nga tayo sabay pumasok kanina" nakangiting saad nya. halatang excited pa sya. pano kinukuha nya yung pagkain ko kaya gusto nyako kasabay kumain

"oo na, umalis kana dito" sabi ko habang tinutulak sya palayo. ang kulit nya kasi tsaka nakakahiya din sa mga classmate ko napapag kamalan pa ngang bf ko daw sya.

"sunduin kita mamaya ha" nakangising sabi nya tsaka kumindat. napa pikit naman ako ng gawin nya yon. nakakadiri akala nya naman makukuha nyako sa kindat nya.

pag upo ko sa upuan ko lumapit agad sakin si chuu. "ang pogi ng jowa mo" saad nya na halatang kinikilig.

ghost | completed. Where stories live. Discover now