4

193 31 0
                                    

chaewon

epekto ata to nun. 4 years ago kasi na comatose ako. matagal na din naman yon pero sabi ng doctor may side effect daw yung tinurok sakin.

"uy yena tara sabay ako sayo" pag habol ko kay yena unnie tsaka hinawakan yung bag nya para pigilan sya. humarap naman sya sakin tsaka nyako tinignan

"dadaan kaming sm ni yuri eh" bangit nyapa "sama ka nalang samin" ani nya tsaka ngumiti. napaisip naman ako kung sasabay ako sakanila anong oras nako makakauwi non.

"ah eh" bangit ko tsaka tinitigan yung orasan. hindi na pwede masyado ng gabi para pumunta pang sm

magagalit sakin si mama pag late ako nakauwi.

aish. agad ko syang tinitigan tsaka ngumiti pabalik "sige mauna nako ayos lang naman madami naman akong kasabay dyan sa daan" bangit ko tsaka nag simula ng mag lakad lalabas ng school. nag babye naman silang dalawa ni yuri sakin bago sila tuluyang mawala sa paningin ko.

habang nag lalakad ako palabas ng school bigla nalang may naka bunggo sakin

mahinang ani ko ng nakaramdam ako ng sakit sa binti ko. namulikat ata.

agad naman akong napatingin. hindi ko inisahan na sya yung makikita ko. pero maganda na din dahil marami akong itatanong sakanya.

"m-minjoo" nauutal kong ani tska ako ngumiti. kahit na may alam nako sakanya magaan pa rin talaga yung pakiramdam ko sakanya

"chaewon diba? tara sabay tayo wala ka kasing kasabay parati"
bangit nya tsaka sya ngumiti agad naman akong tumungo tsaka ako dahan dahang tumayo. nag simula kaming mag lakad.

agad akong yumuko at nag cross sign
nag dasal nadin para safe. kung totoo man yung naiisip ko.

"anong ginagawa mo?" bangit nya tsaka tumawa. nakatingin lang sya sakin habang tumatawa sya ng malakas

anong ginagawa nito.

bakit nyako tinatawanan

"b-bakit?" saad ko tsaka yumuko ayoko syang titigan. feeling ko mamamatay ako sa takot pag ginawa kopa yon.

narinig ko naman ulit yung tawa nya

hindi kopa nahahawakan yung katawan nya.

"a-ah san ba talaga room mo?" tanong ko sakanya agad naman syang napahinto ng tinanong ko yon

"pumunta ka sa classroom?" tanong nya pabalik. halata namang kinakabahan sya nung sinabi nya yon saakin.

tumingin naman ako sa langit at nakita ko yung full moon. ngayon lang ako nakakita ng ganyang kalaki na moon.

"ang ganda ng moon" sabi nya tsaka tumingala at tinignan yung moon.

agad ko namang hinawakan yung kamay nya pero agad na tumagos yung kamay ko. hindi ko yon inaasahang mangysri.

hindi nya ata nakita

so totoo nga na patay na sya?

ghost.

pero bakit ko sya nakikita
a
bakit ako lang nakakakita sakanya?

ghost | completed. Where stories live. Discover now