Chapter 16

62 31 3
                                    

ᜑᜑ̊ᜈᜈ᜔  ᜀᜆ᜔ ᜎ̊ᜎ ᜐᜇ̵̊


Alexandria's POV

Naniniwala ba kayo sa milagro?

Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo sa aking paligid, nakatitig ako sa tsokolateng mga mata na parang isang bintana na tinatanggap ako sa loob ng kanyang kaluluwa, makita at maramdam namin ang isa't-isa.

Bawat segondo na lumipas ay parang habang buhay na, ramdam ko na kinakabahan siya-pumupugay na mga mata na nagalala. Gusto ko siyang yakapiin, kung pwede ko ba siyang sigawan kung bakit lumalakas ang pagtibok ng puso ko sa tuwing nanjan siya at sa tuwing nambubulabog siya sa buhay ko.

May ganda palang taglay ang gabing ito, walang katulad gaya sa sinabi nila isang phenomena ang blood moon, minsan lang din mangyayari kaya pinapahalagahan. Hindi ko lubos maisip kung bakit imbes na magalit ako sa kanya ay lalo pa ako kinabahan.

Kung hahayaan ko ang sarili ko na tumitig sa kanya ay hindi ko na makokontrol na tingnan lang siya kaya umiwas ako, habang may panahon pa. Panahon na kaya ko pa pigilan.

Lumapit na ako sa mga kaibigan ko, tinulungan naman ako nina Artith at Hajinan sa pag-ayos sa kanila. " Sa tingin mo magiging ayos lang sila?" Isang tanong ang lumabas sa aking mga labi.

Hinawakan niya ang balikat ko at naistatwa naman ako sa ginawa niya, kahit isang simpleng hawak lang niya ay iba na ang dulot sa katawan ko. "Magiging maayos din sila. " Ngiti niyang sabi sa akin.

Ang ngiti niya na dahilan ng paggaan ng aking iniisip, bakit kasi napakahiwaga niya? Hindi ko talaga alam kong bakit siya ganito, Kung nanjan siya nagiging okay ang lahat kahit anong mangyari.

"Mahal na Raha, sa tingin ko ay oras na para umuwi. " Sabi ni Artith at napatango naman kami ni Hajinan.

Hahakbang na sana ako nang bigla kong nalala ang susi na mag-papakita sana ngayon. Napansin siguro ni Hajinan na nanatili ako sa aking kinatatayuan.

"May problema ba mahal?" Ayan naman tayo sa mahal eh, tumatalon na nga yung puso ko hindi na ba sapat yun?

"Ang susi, hindi ko nakuha ang susi." Malungkot kong sinabi sa kanya.

"Mas mahalaga ang buhay mo kaysa sa anong bagay sa mundo, mas mahalaga ang buhay niyo at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung ano ang mangyayari sa iyo." Humakbang siya palapit sa akin at hinaplos ang aking buhok ng dahan-dahan.

"Makikita pa natin ang mga susi, huwag kang mag-alala. Huwag ka sumimangot ang ganda mo pa naman." Halos pabulong niyang sabi.

Tumaas naman ang mga palahibo ko at uminit ang aking mukha, kahit talaga sa ganito hindi parin mawala sa kanya ang pagka-kumag. Ngumiti naman ako sa kanya.

Inilahad niya ang kanyang kamay at tinanggap ko ito, inilayan niya ako pababa at lumakad kami na magkasama.

With holding hands...

***

Nasa bahay kami nina Hajinan ngayon, dumito muna kami dahil alam ni Marikit ang lunas sa ano man ang ginawa ma inkantasyon ng mask guys na iyon sa mga kaibigan ko.

Nakahiga sina Cynthia at Aliana habang nandito ako nakabantay sa kanila, sa kabila ko naman si Marikit na tahimik lang na naghahalo ng kung ano-ano.

Kung iisipin nakakahiya dahil tinakasan ko siya kanina at kung ano pa ang mga ginagawa ko para makalabas lang sa bahay nila. Kanina pagpasok ko lang dito at kita sa mukha niya ang pagka-luwag ng kanyang kaba. Nahihiya ako dahil responsibidad niya ako kay Hajinan pero tumakas parin ako, ginamot niya ako ngunit imbes na dumito nalang ay lumabas parin ako.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Aug 20, 2020 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

MY WATER GHOSTTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang