Chapter 12

46 33 0
                                    

The night will emit darkness, the red light will cast and bring you light of pompousness.

Hajinan POV

Hindi ito maganda, kailangan man ay hindi naging mabait sa akin ang tadhana, ngunit gusto kong iligtas siya sa lahat ng mga kaguluhan na hatid ko sa kanyang buhay. Kung sino man ang dapat sisihin ay ako iyon, hiniyaan ko siya na magtagal sa isang lugar na bawal sa tulad niya.

"Mahal na Raja ano Ang nangyari kay binibibing Alexandria?" Sambit ni Artith na hawak ang nga gamit ni Lila  Sari.

Tinawagan ko siya nang nakarating kami sa lupa, labis ang aking pag-alala dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin sa takot. Ayokong mawala uli ang aking minamahal, Hindi ko na hahayaang may masamang mangyari sa kanya.

"Anong oras na? Kailangan nating makapunta sa–" Hindi ko na naituloy Ang aking sinasabi sapagkat tumunog ang Isa sa mga gamit ni Lila Sari.

Nagkatinginan kami ni Artith, "Baka cellphone Yun ni Alexandria, baka tinatawag na siya ng mama niya."

"Hello? Sino po ito?" Sagot ni Artith sa isang parisukat na bagay na palagi kong nakikita sa mga tao ngayon, kung tama ako tinatawag nila itong cellphone.

"Paano ako masisiguradong ikaw si Makagisa? At paano mo nalaman ang tungkol sa sumpa?" Napatingin naman ako sa sinasabi ni Artith sa hawak niyang bagay.

Tumingin siya sa akin at ibinaba ang hawak niya, "Mahal na Raja, kailangan na nating magmadali, malapit na ang pag-pula ng buwan. "

Pumasok kami sa ginawa kong lagusan sa papunta sa parke na nakasulat sa papel, habang iniwan  ko si Lila Sari. Binigyan na siya ni Marikit ng gamot at maya't-maya ay gigising na siya. Ayaw ko na may masamang mangyayari sa kanya. Ayaw ko na maulit muli ang aking pagkakamali, hindi ko kakayanin.

"Hindi pa malalim ang gabi, ikaw muna ang bahala sa aking mahal." Sabi ko kay Marikit.

Alexandria POV

Hindi ko na maanigan ang buong paligid ko. Puro kadiliman ang nakikita ko, pinaliligiran ako ng kadiliman.

"Lila Sari? Ikaw ay nag-balik. " Sabi ng isang boses. Hindi ko makita ang kanyang wangis dahil sa kadiliman.

"Sino ka? Nasaan ako?" Tanong ko sa boses. Hinintay ko ang kanyang sagot ngunit wala na uling boses akong narinig. Bakit ba lahat nalang ng ginagawa ko ay nahahantong sa hindi maganda?

Marami nang problema na nangyari sa akin, yung tipo na sabay-sabay. Ano na kaya ang nangyari sa mga kaibigan ko? Ayos lang ba sila? Sana naman walang masamang mangyari sa kanila.

"Kailangan mo na umalis dito, kailangan mo sagipin ang mga alay." Sabi muli ng boses.

"Bakit mo ako tinutulungan?" Tanong ko sa boses at umaasang sasagutin niya ako.

"Malalaman mo din sa tamang panahon." At muling lumiwanag Ang buong paligid.

Minulat ko ang aking mga mata, ang lambot ng aking kinahihigahan na parang nakahiga ako sa isang ulap. Nakita ko si Marikit na nag-aayos ng mga gamit sa isang mesa sa aking gilid.

Napatingin ako sa orasan, 10:23 na ng gabi, napansin ko na nasa isang malaking silid ako ngayon. "Nasaan ako?" Tanong ko Kay Marikit, agad naman siya pumunta sa kinaroroonan ko.

"Gissing ka na pala binibini, kamusta ang iyong kalagayan? Nasa bahay ka namin. " Sabi ng kanyang magandang boses na parang hindi mabasag baso.

"Nasaan si Hajinan? Sino dumala sa akin dito?" Tanong ko uli sa kanya, bakas sa kanyang mukha ang pag-alinlangan sa pagsagot.

"Ang Raja ang dumala sa inyo binibini, umalis sila ng kasama ng aking kabiyak. Patawad ngunit Hindi maaring sabihin kung saan sila papunta. " Yumuko siya sa akin na nagpapakitang pagpapatawad agad naman akong tumayo at tumingin sa bintana upang tingnan ang buwan.

May oras pa akong humabol sa kanila, kailangan ko iligtas ang mga kaibigan ko sa kamay ng walang awang tao na kumuha sa kanila.

Nakita ko ang jacket ko na nakapatung sa isang upuan kaya kinuha ko ito. "Salamat Marikit sa pag-gamot sa akin, kailangan ko nang umalis. Paalam." Agad akong lumabas sa silid na kinaroroonan namin.

"Binibini! Kabili-bilinan po ng Raja na dumito muna kayo." Rinig ko na ang yabag ni Marikit na humahabol sa akin.

I have no time for this, malapit na ang phenomena dapat makahabol ako sa tagpuan sa oras na mangyari ito. Dahil sa bago lang ako dito sa bahay nila ay parang matatagalan ako sa paglabas dito at baka mahabol ako ni Marikit. Hindi ko inaasahan na malaki pala ang bahay nila, parang katamtaman lang ito tingnan sa labas.

Naku! Saan ako pupunta? Ang daming pintuan at hindi ko tuloy alam kung saan ako papasok. "Binibini hintay!"

Malapit na si Marikit sa kinatatayuan ko at wala akong ibang magagawa kundi tumakbo at tumungo sa isa sa mga pintuan. Pero nagkamali ako dahil naabutan na ako ni Marikit at nakaharang siya sa aking dinadaanan.

"Patawad Marikit ngunit kailangan ko gawin to." Tumingin ako sa bintana na nasa likod ko at tumalon doon.

Patay kong patay. Takot ako sa heights pero  Kailangan ko sagipin ang mga kaibigan ko. Pagkatalon ko at napakapit ako sa matabang sanga ng puno at sumampa doon. Ngayon ay kita ko sa mukha ni Marikit ang pagkabahala sa aking ginawa.

Agad naman akong bumaba sa puno at tumakbo palabas ng gate. Patawad Marikit ngunit kailangan ko tumakas.

Pagkalabas ko sa gate nila ay napatingin ako sa bahay namin. Walang ilaw, siguro'y nasa trabaho pa si mama, may event daw sa café kaya baka mga umaga na siya maka-uwi. Ma patawad kung hindi ako makauwi ngayon. Sana okay Lang kayo ngayon sa café, sana huwag kayo mapagod.

Dahil naiwan ko ang bag ko sa silid ay nandoon ang wallet ko, pero buti nalang may naiwang pera pa dito sa palda ko. Pumara ako ng tricycle na dumaan.

"Manong sa HJK plaza po." Sabi ko sa driver.

Kung ano man ang mangyayari sa mga kaibigan ko ay hindi ko mapapatawad ang aking sarili, kahit na hindi pa Ber-months ay nakaramdam ako ng lamig. Ang lamig ang haplos ng hangin hanggang papunta kami sa plaza.

Hindi ko hahayaang wala ako sa paglikigtas ng mga kaibigan ko, kailangan ko makitang okay lang sila, at Isa pa may plano na kami ni Hajinan kanina eh, pero mukhang hindi niya yun sinunud dahil nawalan ako ng malay.

"Nandito na po tayo ma'am." Sabi ng driver, kanina pa siguro ako tulala kaya pinaalam niya sa akin na nandito na kami.

"Salamat manong." Sabi ko at nagbayad sa driver.

"Alexandria?"

Lumingon ako sa taong nagsalita sa likuran ko. "Ma'am Bayani?"

MY WATER GHOSTWhere stories live. Discover now