Chapter 15

45 30 2
                                    

Sapagitan ng dilim at ang ilaw.
Makakailag ba sa mga masama na kanilang isinisigaw?

Alexandria's POV

Kung sakaling mamatay man ako ngayon, hindi ko maipapangako na hindi magalit sa halayupak na Hajinan na iyo, Ang tagal dumating kung may Filipino time, siya timeless walang iniisip na oras sa buong buhay niya. Late pa siya sa mga late.

Inunahan naman ng halimaw ang pag-atake sa akin at ako naman ilag lang ng ilag, tamang tsamba lang sa kambal diwa na mukhang cookie monster.

Ngumisi naman siya sa akin. Alam niya na hindi ko kaya na patumbahin siya, kahit nga lapitan siya hirap na hirap ako. Hinigpitan ko ang hawak sa espada na ito at aakma na hahampasin siya, ngunit nakailag siya at natumba ako dahil nawalan ako ng balanse dahil sa lakas ng pwersa na binigay ko doon.

Nabitawan ko ang armas ko kaya itinutok sa akin ng halimaw ang kanyang matulis armas, mukhang papatayin talaga ako nito at nanigas ako sa kaba na katapusan ko na. Wala talaga akong silbi sa ganito, Isa akong mahina at walang lakas para sagipin ang aking mga Mahal sa buhay.

Ipinikit ko ang aking mga mata at handa na ako para harapin ang kamatayan, ang kamatayang kinatatakutan ko. Mamamatay nalang ba ako na ganito? Nasaan si Hajinan Kung kailangan ko siya?.

Mga ilang minuto ako nakapikit ngunit wala paring espada na tumama sa akin at mas naguluhan ako nang may narinig akong tunog na parang may nag-aaway sa paligid ko kaya inimulat ko ang aking mga mata at napahawak ako sa aking dibdib na makita na si Hajinan na ang kumalaban sa halimaw.

Buong tapang niyang hinarap Ang halimaw, kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang lakas ng isang bagani, matapang—pero late na dumating.

Nakita ko rin si Artith na kinakalaban ang mga espasol na goons kanina, axe kicks, karate chops, upper pouch na ang kumawala sa kanya. May inner warrior din pala si Artith.

Habang abala ang mga kalaban sa pag-kikipagaway ay lumapit ako sa kinalalagyan ng mga kaibigan ko. Kinuha ko rin ang aking espada para Kung may sumugod sa akin ay may armas ako na ilalaban. Habang papunta ako sa kanila, umiilag ako sa mga putok ng mga bala. Napahinga naman ako ng maluwag nang makita na nasa maligtas na kalagayan sila, parang nabunutan ako ng tinik dahil sa nakita ko.

"Cynthia, Aliana gissing." Sambit ko habang pinuputol ang mga tali sa kanilang mga kamay gamit ang espada.

Wala parin silang malay kaya napaisip ako kung ako ang aking gagawin. "Cynthia si Alden paparating gumising ka na." Muli kong sabi sa kanya pero wala paring gana.

Tumingin ako kay Aliana, "Besh, may unli buffet sa canteen gumising kana please." Pero wala parin mahimbing silang tulog na parang walang kaguluhan sa kanilang paligid.

"Hindi mo sila magigising, kahit anong gawin mo." Napalingon naman ako sa nagsa-salita.

Nakatayo siya sa aking harapan habang ang kanyang mga kasamahan na nagkikipag-patayan. Nakangiti pa siya sa akin kahit may kaguluhan na nagaganap. "Anong ginagawa mo sa kanila? " Tanong ko.

Lumapit siya sa akin, ang itim niyang polo ay bagay talaga sa kanya magkasing kulay ng kanyang budhi, puno ng kasamaan ang kanyang alam. Pinahamak niya pa ang mga kaibigan ko.

"Talunin mo ako para malaman mo." Ang kanyang mga mata ay parang katulad ng mata ng ahas, ilang galaw ko lang ay nakahanda na siyang tumuklaw sa akin at kakainin.

"Hindi kasamaan ang pupuksa sa kasamaan, hindi ako lalaban dahil tutol ako." Sabi ko sa kanya at napangisi naman siya sa akin.

"Kung ganoon ay ako nalang ang papatay sa mga kaibigan mo." Dahil sa sinabi niya ay kumulo ang dugo ko, sino ka para kunin ang buhay ng tao ng dahil sa kasakiman?

Itinutok niya kay Cynthia ang baril niya at tumingin sa akin. "Tingnan mo mamatay ang Isa sa mga kaibigan mo nang dahil sa kahinaan mo, sinabi nila na matapang ang Hara ng Magindatu. Nagkamali siguro ng pili ang mga dyos at dyossa. " Sabi niya habang nakatutuk kay Cynthia ang baril.

"Huwag, ako nalang. Ako nalang ang patayin mo huwag lang ang mga kaibigan ko, parang awa mo na." Pagsusumamo ko sa kanya at sana makinig siya sa akin.

" O 'kay gandang pakinggan na nagmamakaawa ka para patayin kita, ito na siguro ang maganda na idudulot mo sa buhay ko." Sabi niya habang itinutok niya sa akin ang baril na hawak niya.

"Sabihin mo sa akin, sa tingin mo hahayaan kita na magtagumpay? Inagaw na sa akin ang lahat, pati ikaw." Sambit niya habang palapit ng palapit sa akin.

Hinaplos niya ang aking mukha at hinawakan ng mahigpit ang aking leeg. Tiningnan niya ako sa mga mata,"Kung ako nalang noon ang pinili mo, edi sana masaya ka."

Wala akong ideya sa kanyang sinasabi ngunit naguguluhan ako dahil hindi ko siya kilala tapos ngayon sasabihin niya na pipiliin ko siya? Ano ka?

"Papatayin nalang kita." Sabi niya, nakatulala ako sa baril na hawak niya at mabilis ang pagtibok ng puso ko sa kaba at nakalimutan ko nang huminga dahil sa kaba na aking naramdaman.

Katapusan ko na, nag-aantay na mapanigurado si kamatayan sa akin, nakangiti at nagbubunyi dahil may susunduin naman siyang kaluluwa. Kaluluwang mahina, malungkot, talunan at bata. Parang huminto ang mundo sa pag-ikot at napatigil Ang oras dahil sa sinabi niya.

Ngunit isang kisap ng aking mata ay nawala ang lalaki, napalingon ako sa paligid wala na sila, napatingin ako sa aking mga kaibigan na walang malay parin. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala na siya.

"Sabi ko naman sa iyo, hindi ka na dapat pumunta dito. " Isang pamilyar na boses ang aking narinig, sa boses niya ay isang himig ng kanta na puno ng pag-alala. Hindi ko matigilan ang pagluha sa aking mga mata.

Akala ko hindi na siya darating, akala ko hahayaan niya lang ako mamatay at mapahamak. For the first time someone was there even I was so dumb of my decisions, he never let that happen.

Ngumiti siya sa akin, at kahit kita ko sa kanyang mga mata na pagod na din siya sa paglalaban ay ang gwapo niya parin, kahit pawisan ang hot niya paring tingnan, yung tsokolate niyang mga mata na nangungusap, kahit isang kaluluwang nagkaroon ng katawang tao siya sa oras na ito, saksi ang pulang buwan, mga bituin sa kalangitan at mga tao.

"Ayos ka lang?" Tanong niya, at sa pagkakataong ito ay isang maginoo na ng kanyang tono, isang ginoo na puno ng pag-alala.

Ikaw lang ayos na...

Napatigil ako dahil hindi ko na alam kung nasa matino ba ang aking pag-iisip? Gamit ang mga kamay ko kinurot ko ang aking pisngi para magising ako sa katotohanan.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko sa kanya, gusto ko siyang sigawan, gusto ko ipakita sa kanya na hindi tama na iiwan ang babae sa kapahamakan. Akala ko ba siya yung tagapagtanggol ko.

Yumoko siya ng kaunti. "Patawad, dapat inagahan ko ang pag-dating. Hindi ko hahayaang mapahamak ka muli."

Tumango ako at lumuhod sa tabi ng mga kaibigan ko na ngayon ay nagsisimulang magkamalay na.

"Ala Rasi." Sabi ni Hajinan at hinawakan ang aking kamay, "Gagawin ko ang lahat, Ala Rasi."

Sabi nila walang hiwaga, walang mahika ngunit ano itong aking nararadaman? Mahiwaga at nakakatangi ang gabi na ito, nakakatakot man ngunit tumatayo siyang buwan sa madilim kong kalangitan.

MY WATER GHOSTWhere stories live. Discover now