Chapter 7

66 45 3
                                    

"Mahiwaga ang nadarama sa araw-araw, hanggang tanaw nalang ba tayo?"

Tumayo ako at niyakap siya sa muli. "Pipiliin kita, ikaw lang at walang iba." Bulong ko at niyakap ko siya ng mahigpit, mas mahigpit pa na parang lalaho siya.

***

"Hajinan?"

Ngumisi siya sa akin... Hinawakan niya ang aking mga kamay. "Bakit may iba ka na ba Lilasari?"

Si Hajinan na ng ito, ang kumag, ungas, at lokong tagabantay ng lawa. Nasa harapan ko na parang isang artista na ngayon dahil sa porma niya. "Paano?" Tanong ko agad sa kanya. I noticed lang na puro ako tanong. Nakakalurkey!

"Dahil sa nahanap mo ang isa sa mga susi, ngunit panandalian lamang ito kung hindi mo uli mahahanap ang iba pa." Sabi ng babaeng kasama nila.

"Sino ka?"

Nakatoon ang attensiyon ko sa babaeng kasama nila. Ang ganda kasi kahit morena, ang diyosa niya tingnan. "Siya si Marikit, ang kasintahan ni Artith." Sabi ni Hajinan. Naku taken na pala ang crush ng beshie ko. Wild pa naman yun pag nalaman niya.

Umupo kami sa sofa, nasa tabi ko si Hajinan habang nasa kanan niya sina Artith at Marikit. Namayani ang katahimikan ng ilang minuto. "Bakit nga pala kayo nandito?" Sabi upang mabasag ang katahimikang bumabalot sa akin.

"Nandito kami dahil wala kaming matutuluyan." Sagot ni Artith sa tanong ko. Agad naman akong napakunot ng noo. Di ba Ang yaman ni Artith? Paano nangyari yun? Napaupo ako ng maayos sa sinagot ni Artith. Napatingin ko sa kawalan sa sinabi niya. So meaning dito sila matutulog? Paano ko sasabihin kay mama yan? Ano ba itong napasok mo Alexandria?

"Hindi kayo pwede dito. Bawal kayo dito." Giit ko sa kanila. Naku naman oh, naka move on na nga ako sa stress tapos may paparating pa.

"Pero nagpaparent daw sa tabi ng bahay niyo. Pwede ba kami doon?" Sambit ni Marikit na magkahawak ang kamay nila ni Artith.

Aba dumadamoves na!

"Wala namng problema kung doon tayo maninirahan, Ang mahalaga sa akin ay malapit Kay Lila Sari." Marahang kinalabit niya Ang kamay niya sa kamay ko ngunit tamayo agad ako bago pa mangyari yun. "Kung ganoon ay pwede na kayong umalis." Tinuro ko yung pintuan.

Tumango sila at nagsitayuan. Naunang lumabas sina Artith at Marikit, habang naiwan sa harapan ko si Hajinan. Ngumiti siya sa akin ay sa pagkakataong it hinawakan niya ang aking kamay. "Ala Rasi...gagawin ko lahat, Ala Rasi" Sabi niya at umalis na.

Ano yun? Ano daw? Makatulog na nga.

***

"Eudaimonia, Edraith ammen!" Sabi ng isang lalaki, nakasout siya ng pangbaba lamang at may sandatang hawak sa kanang kamay niya. Nakita ko ang iba niya pang kasama nagsitatakbuhan sila. Pero ang lalaking iyon ay kulay pula ang mga mata at tila nawawala sa sarili.

Napatingin ako sa suot ko, parang isa akong binukot na parang reyna. May mga ginto ding palamuti sa aking buhok. Maputi ang aking balat na akala mong isang porselana. Hindi ako gumalaw sa aking kinalalagyan. Parang my paparating na digmaan.

MY WATER GHOSTWhere stories live. Discover now