Chapter 26: In The Name of The Moon

616 5 0
                                    

Gavin! Gavin! Gavin!

Patuloy pa din ang pagsigaw ng mga manonood sa pangalan ko. Ultimo si Kuya Vince tumayo na, sumali na din sa hiyawan at nagpaikot pa ng panyo

Tumigil na yung dalawa sa hagikhikan nila at nag seryoso na. I guess we are back in business. Sinalang na din ni Ned yung transformation music at pumorma na ko para gawin tong routine na dalawang buwan kong araw araw na pinractice para lang maperfect, dahil si Sailor Moon ang may pinakamahaba at pinakamaarteng transformation sa lahat ng Sailor Senshi. Para tong fusion ng ballet at rhythmic gymanstics

It's now or never. Nagpawax pa ko ng legs for this routine. Para sayo to Xi.

With all the inner strength I can muster, I stood with utmost poise. Kinuha ko yung transformation pen mula sa bulsa ko at itinaas ang aking kanang kamay. Buong lakas at girly akong sumigaw

"Moon Prism Power! Make up!"

Samot saring ilaw ang nagflash sa stage at sa LCD screen. Dumipa ako at naramdam ko ang air blower sa magkabila kong gilid para iangat yung pigtails ko. Mula sa pagdipa ko, I dipped my body forward and made a movement as if hugging myself, umikot ako as I geard towards mimicking the fifth position in ballet, hanggang sa ang pareho kong braso ay nakataas na sa me ulo ko. Ang kinaibahan lang nito ay yung position ng legs ko, kasi para tong tindig Binibining Pilipinas, nakaangat lang ng konti yung kanang binti

Nanatili ako sa position na yun ng ilang segundo bago uli nagshift yung kulay ng ilaw. Habang nababalutan ako ng manipis na usok ay gradually na umikot yung inaapakan kong parang lazy Susan till it picked up a moderate speed. Dahan dahan kong ibinaba yung mga braso ko, hudyat para hilahin na nina Fritz at Hiro yung pangtaas ko, exposing my upper sailor senshi uniform at arm warmers o long gloves

My school skirt came off next, revealing my lower senshi outfit. Take note, umiikot ikot pa din ako pero hindi na sing bilis tulad kanina. Promise, nakakahilo to, makailang beses din akong natumba at nagsuka nung practice. Pero if I was given a chance to reset things, I would still choose to go thru this ordeal over and over again. Kahit isuka ko pa yung internal organs ko. Dahil being nursed back to health with my head lying over Xi's lap habang hinahaplos haplos niya yun is a moment I would never ever trade for anything.

What I did next showcased my months of practice, flexibly akong lumiyad backwards ala gymnast at dahan dahan kong tinaas yung isa kong hita while balancing with the other to the point na halos magstretch na singit ko. Dinig na dinig ko yung pag ooooh ng audience at camera clicks. Naka black cycling shorts ako mga ulul, pero taragis lang talaga, daming pipicturan itong pagliyad ko pa talaga.

Gusto pa nga sana ni Mei Lei na gayahin talaga yung suot ni Sailor Moon nung nagtransform to sa anime, buti hindi pumayag si Velle dahil parang swimsuit yung cut non. Ika nga nya, sumali kame para iportray yung sailor senshi, hindi para magpakita ng diagram ng itlog at sausages. Natouch ako ng light kasi naisip nya pa din yung dignidad ko. Light lang

From that position ay hinila ko yung customized kong mejas mula sa paa ko pataas, just a bit below my knee para magmukhang red boots. Ibinaba ko yung hita ko na yun and full of grace naman na yumuko ako para hilahin yung kabilang mejas paakyat. Umikot pa uli ako ng isa for added effect. Now fully formed in my senshi uniform, gumawa ako ng ibat ibang ballet leaps at twirls as if isang priestess showering blessings bago ako seamlessly na nagtuwid ng tayo.

With both of my arms resembling a clock's hand at 4 o'clock position, inikot ko to konti paclockwise at pag padyak ko ng kaliwa kong paa e nagpose na ako. Feet wide apart, I placed my left hand and arm over my hips while my right hand was positioned on my forehead, as if nasisilaw, palm upfront.

"Sailor Moon!"

Kasabay ng paghiyaw ko ay ang pag flash ng isang malaking crescent moon sa LCD screen. Wala na yung manipis na usok at nakatutok na din yung spotlight sakin. Here I am, in a sailor suit colored in royal blue with a big red ribbon as well as a red, knee high boots and a long white arm gloves with red trim.

Looking Up Into Heaven (Chapter 15 Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon