Chapter 11: Skipping Beats

601 9 0
                                    

"Xianne anak?" tawag ni Papa sa akin sabay katok sa pintuan ng kwarto ko "Tapos ka na ba diyan?"

Napalingon ako sa desk clock ko. Past 5:00 PM na pala

"Eto na Papa!" malakas kong sagot sakaniya habang nagfifinal check ng ichura ko sa salamin

7:00 PM ngayong gabi na kasi ang recital ni Ve. Syempre nagleave sina Papa at Kuya para manood dahil kasama sila sa mga imbitado, pati na din ang Mama ni Gavin. Kaya kikitain nalang namin sila doon na mismo sa venue

"Bilis ka anak at baka abutin tayo ng mas mabigat na trapik"

With one last look at the mirror, I then hurriedly grabbed my phone from over my bed and then went straight to open the door

"Hindi ka na talaga bata anak" nakangiting bungad sa akin ni Papa matapos kong mabuksan yung pintuan "Bagay na bagay sayo yang suot mo" at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat bago to lumayo para tingnan akong mabuti

"Bagay din sayo yang suot mo Papa. Mukhang pang malakasan na dinner suit ang nabili mo" then I grinned "Saan ba ang kampanya Gov?"

Tumawa to nang malakas at inayos yung necktie niya bago nag that's my boy pose "Ryland Leonillo, number four sa balota"

"Baliw ka Papa" malakas kong pagtawa sa ginawa niya

"Tama na tawa anak. Tara na at malayo layo din yung venue" Papa grinned as he threw his arm over my shoulder

"Teka Papa, si Kuya nasaan pala? Nakabalik na ba siya?"

"Nandito na ako Kapatid, ikaw nalang ang hinihintay" nakangising pagbungad ni Kuya mula sa may front door habang iniikot yung keychain sa daliri niya

"Pogi naman talaga ng mga lalaki sa pamilya na to!" Nakangiti kong hirit sakaniya habang pababa kami ni Papa

Labas na labas ang pagiging bad boy ni Kuya sa suot niyang midnight blue na dinner suit. Pero imbes na necktie gaya ni Papa ay nakabow tie to

"Aba syempre Xianne. Kanino pa ba magmamana ang Kuya mo?" hirit ni Papa

"Oo nga naman Kapatid. Ika nga ng mga kasabihan - the apple does not fall far from the tree" segunda nito sabay hirit "Pero Pa baka naman. Pang gas lang" he grinned

"Finull tank ko na yan Rezard. Huwag mo akong hiritan" Papa laughed as he replied

"Sabi ko nga" Kuya then joined in laughter

"Kuya pose ka nga. Upload natin sa facebook para maglaway yung mga ex mo" hirit ko sabay labas ng cellphone

Kuya laughed more and did some exaggerated manly poses "Ako nga pala si Kelvin Rezard Leonillo. Yung sinayang ninyo"

"Takte na yan Kuya" I too also started to laugh "Baka mamaya mahire ka sa gay bar sa pagliyad liyad mo na yan"

"Teka nga kapatid, maiba muna ako" his laughter now morphing into a cheeky grin "Sa mga suot natin na to. Sigurado ka ba na recital talaga ang pupuntahan natin? O baka naman hindi ninyo lang sinasabi sa akin ni Pa na ikakasal na pala kayo ni Velle"

"Papa si Kuya oh! Nangaasar na naman!" reklamo ko sabay yakap sa tagiliran niya

"Rezard, bata pa tong kapatid mo. Ikaw na muna ang maunang ikasal" at niyakap ako ni Papa pabalik "Pero Xianne anak, recital lang to talaga ha?" Sabay tingin sa akin ng mapanukso

"Papa naman! Isa ka din!" at bumitaw ako dito para tingnan silang dalawa ni Kuya ng masama "Sa Waterfront nga kasi un venue diba. Dress code formal ayon doon sa invitation"

"Anak nag tatanong lang naman" mahinahon nitong wika pero nanunukso pa din yung mga mata nya "Halika saglit dito at ayusin natin yang pagkakabutones mo. All the way up dapat yan para mas pormal"

Looking Up Into Heaven (Chapter 15 Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon