Chapter 24: Thunderstrucked by The Fires of Love!

614 8 3
                                    

"Bakit andito si Mommy?!" Halos natataranta kong sigaw nung sumilip ako sa labas ng tabing.

"Pinagsasabi mo jan Gavin? Malamang andito si Tita, andito nga din sina Nanay e pati na din si Tito, diba Ian?"

"Oo andito, wala lang si Kuya kasi pinadala sya sa Iloilo. Pero ivi-video naman to ni Papa para mapanood niya pag uwi"

"Actually, may pinaset up kame ni Mei Lei na videographer kay Kuya Atticus so kahit bigyan ko nalang kayo ng kopya sa CD Faren"

"Talaga? Salamat!"

"Seryoso ba na nangyayari to?!"

"Ano bang poblema mo? Bingyan namin si Tita ng flyer nun dumaan kame sa restaurant nyo. Hindi mo ba sinabi?" Usisa ni Velle

"Anak ng tokwa naman o! Bat ko naman sasabihin ke Mommy to?! Taragis, gusto ko na talagang lamunin ako ng lupa"

"Gavin para kang tanga, bat hindi mo sinabi? e ikaw nga yung bida dito. Buti nalang pala sinabihan namin si Tita"

"Sarap mong saktan Velle. Kung hindi lang ako yung mas masasaktan pabalik ay binigwasan na kita. Kaya pala nakita ko sa search history ni Mommy nung nakaraan yung 'What is Sailor Moon?' at 'Who is Tuxedo Mask?'"

Hindi na napigilan ni Xi na matawa "kaso hindi ka si Tuxedo Mask"

"Sige Xi, idiin mo pa talaga" inambahan ko to ng tampal na mas ikinatawa pa niya lalo

"Sus tigilan mo yang kaartehan mo, ano mas gusto mo pang mapanood ka ng ibang tao kesa ke Tita? Nako Gavin, magtatampo yun sayo kung sina Nanay e andito tapos sya e wala"

"Fine! Fine! Salamat sa pagsabi ke Mommy" labas sa ilong kong wika "Si Kuya Vince din ba andito?"

"Oo naman. Me vacant daw sya bago un last subject so baka andito na din yun"

Great, just great. Habambuhay na talagang madidikit sa pangalan ko si Sailor Moon. Naiisip ko na din ang lahat ng klase nang pangaasar na gagawin sakin ni Kuya Vince.

"Guys, mamaya na kayo maghuntahan. Astrid stand by ka na. Pabukas na yung tabing. Two minutes" reminder ni Mei Lei

Tumango kaming lahat. Hinawakan ako ni Xi sa balikat at tiningnan ng makahulugan bago nag thumbs up. This is it na talaga.

Si Astrid ang magoopen ng play kaya tumungo na ko sa kanang bahagi ng stage at sina Xi sa kaliwa. Sina Hiro at Fritz naman ay nasa kaliwa din pero sa bandang baba.

Kasabay nang pagpatay ng ilaw ang pagtahimik nang mga manonood, ilang malalakas na bulong nalang yung nadidinig ko. Malaki at magarbo ang theater hall ng St. Mary Magdalene, meron pa nga tong balcony. Madalas kasing maghost ng plays at kung ano anong performance ang school na to kaya halos pang world class ang stage at equipments. May projector pa nga sa magkabilang gilid para mas kita nang nasa malayo yung nangyayari sa stage. Pero kahit malaki to ay hindi pa din kinaya yung dame ng tao. Yung iba standing na sa gilid. Ayaw naman ng admin na sa gym gawin yung mga performance at hassel pa iset up ung equipments

Nag dim na yung ilaw at dahan dahan nang tumaas yung tabing ng stage to reveal a war torn like setting, bukod sa mga props sa stage ay nakaproject din sa malaking LCD screen sa likod ang mga nasusunog na building

Bumasag sa katahimikan ang alingawngaw ng malakas at wicked na tawa ng isang babae.

Tumutok ang spotlight kay Astrid.

Agad na naghiyawan yung mga manonood, lalo na yung mga kalalakihan, at kasunod non ang mala alitaptap na flash ng kani kaniyang mga gadget. Hindi mo maikakaila na campus crush talaga si Astrid

Looking Up Into Heaven (Chapter 15 Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon