Chapter 48: of Divine Beauty and Temperature Scale

617 16 7
                                    

"Velle!" Malakas na tawag sakin ni Gav mula sa bintana ng Jeep Rubicon nila "sakay ka na! bilis!"

"Tay! Andito na si Gav! Alis na ko!" Hiyaw ko naman kay Tatay mula sa gate namin. Andito din kasi sya sa labas at nagdidilig ng mga halaman

"Magingat kayo at galingan kamo ni Xianne. Mamaya susunod kami para panoorin siya" sagot naman nito habang papalapit siya sa may gate. Kinawayan din nito sina Gav bago uli bumalik at nagpatuloy sa ginagawa nya

"Morning Tita!" Masigla kong bati pag pasok ko ng sasakyan nila. Binatukan ko naman si Gav bilang pagbati ko "anyare? Kala ko un Dodge na pickup un dadalhin nyo?" Tanong ko habang hinahampas un mga kamay ni Gav na pilit akong inaabot para makaganti

"Good morning din iha. I kinda changed my mind, kaya ito ang dala ko ngayon" nakangiti namang sagot ni Tita

"Napanood kasi ni Mommy kagabi yung Fast Five sa HBO" at biglang nirecline ni Gav yung silya niya para mas maabot ako "Kamukha daw kasi nitong Rubicon yung sasakyan na ginamit ni The Rock nung buwagin niya ung pader. Kaya ayan. Baka nga mag ala Fast and Furious pa tong si Mommy sa bridge mamaya"

Bahagyang natawa si Tita "I might give in to that idea anak, don't dare me. You know that Mommy always want to arrive in style. Si Xianne ba nandon na sa venue?" Tanong naman nito habang papaliko na sa hi-way

"Andon na po Tita" sagot ko naman habang mas sumiksik pa ako sa may driver side. Sinisipa sipa ko na din un kamay ni Gav "Kanina pa po. Malamang pinagwawarm up na sila ni coach o pinag breathing exercises"

"I see. I should speed up a bit then. Don't want to miss any of her fights. Both of you sit up properly and make sure your seat belts are also fastened" nakangising wika ni Tita bago bumira ng Cuarta pagpasok sa hi-way. Nagulat kami pareho ni Gav sa ginawa nya na un, kaya dali dali na kaming umayos at nagseat belt bago pa kami tumilapon

"Mommy s-slow down, hindi ka si Michelle Rodriguez" mejo katal na paalala ni Gav habang mahigpit na nakahawak sa grab handle

"Its fine anak. Mommy will be careful. Just hold on tight. Velle you too okay" at mas binilisan pa ni Tita. Lintik na yan. Ganto ba talaga ang mga tumira sa ibang bansa? Mga kaskasero? Palibhasa maaga aga pa at walang masyado pang sasakyan

"Anak, in a few years time mag eighteen na kayo. Pupwede ko nang ipagamit sainyo nina Xianne and Velle ang mga sasakyan natin. So make sure you get pointers from me as well when I drive" cool na wika ni Tita habang inoovertaken un ibang mga sasakyan

"You serious Mom? We can?" Naexcite bigla na wika ni Gav. Kahit ako man napangiti nang malaki, kasi gusto ko tong Jeep Rubicon na to

"Ofcourse!" At panandalian tong napatingin sakin mula sa rear view mirror at kay Gav bago muling binaling un atensyon nya sa kalsada "Why else did I ask Manong Danilo to teach you three to drive in that vacant lot near the edge of our town after the school year ended?"

"Tita, akala po kasi namin e pinarusahan nyo kami, gawa naglawa un bakuran nyo nun umawas un inflatable pool kasi nalimutan namin" katwiran ko. Jeep na pampasada ba naman un pinadrive samin. Pagkakainit na nga, pagkakatigas pa nun manebela. Para akong magkakakulani sa kilikili kada ipapaliko sakin ni Mang Danilo

"Oo nga Mommy. That was really brutal. My arms were all jello afterwards. Akala ko din may balak ka na gawin kaming part time tsuper nung bakasyon"

Natawa si Tita bago nagsalita "Well, knowing what you three are capable of. A sturdier vehicle is needed para mapagpractisan ninyong mabuti. Atleast mabangga bangga man yun or god knows what you kids will do, hindi to ganon masisira agad"

Looking Up Into Heaven (Chapter 15 Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon