Chapter 30- The Hostage

302 48 9
                                    

Brye's POV

"Can you untie me right now? Ang sakit na ng hands ko. And also, can you give me some cold water? I'm getting thirsty na kasi eh."

Ang arte ng babaeng 'to. Hinostage na nga, nakuha pang mang-utos. Langya.

"Bro, tubig daw." kalmadong saad ni Ivo habang busy sa pag ce-cellphone

Umayos naman ng upo si Zircon bago magsalita "Anong ako? Katulong ba ako at kung sino-sino lang ang mag-uutos sa akin? Mahiya naman kayo sa gwapo kong pagmumukha. Brye, ikaw ng bahala dyan."

Bakit napunta na naman sa akin ang usapan? Mga tukmol talaga

"Is that bitch useful?"

Agad-agad namang nagtayuan ang dalawa nung magsalita si boss na kararating lang.

"Big bro, na interrogate na namin yan. Mukhang wala naman syang ka alam-alam sa mga pinanggagawa ni Mr. Beelzebub."

"Oo nga boss. Mukhang wala tayong mapapala sa babaeng yan. Utos pa ng utos sa amin. Ang kapal ng mukha." dagdag naman ni Ivo

Lumapit naman si boss sa hostage namin habang nilalaro sa kamay ang dala nyang baril "Let's make this quick little girl. Tell us where your father is, so we can pay him a visit soon."

"Anong kailangan nyo sa daddy ko? Is he your business partner or something?" mababakas ang takot sa tono ng pagsasalita nya

"Sort of. Let's just say that me and your father are close friends so there's really nothing for you to worry about."

"Really? Fine. I'll tell you everything I know but in one condition."

May kung anong binulong sya kay boss habang nakangiti. Ano naman kayang kondisyon yun?

"Are you nuts?!" galit na saad ni boss sabay tutok sa baril nya sa ulo ng babae

"Yow! Kalma lang Big bro."

"Mapapakinabangan pa natin yan boss."

Mukhang umiinit na ang ulo ni Gray. Ano ba kasing binulong ng babaeng yun?

"Hahaha Ang simple lang naman ng kondisyon ko, di mo pa magawa. Are you gay?"

Kaya naman pala kumulo ang dugo ni boss. Di ko alam kung bakit nakukuha pa nyang lumandi sa sitwasyon nyang yan.

Napapailing na lang kaming tatlo habang pinapanood silang mag-usap ni boss.

"Ang tibay talaga ng isang yan tol. Akalain mo nga naman, kahit tinutukan na ng baril ni Big bro nakuha pang tumawa. May sayad yata yan sa utak. Tingin mo?"

Napahawak naman sa baba si Ivo habang tumatango-tango "Siguro may sakit yan sa utak bro o di kaya wala talagang laman"

Sinamaan ko naman sila agad ng tingin "Magsitigil nga kayo dyan. Baka marinig kayo ni Boss, madamay pa ako."

Mga siraulo










Raven's POV

Nandito pa rin ako sa labas ng pinto. Pinagmamasdan kung anong ginagawa nila sa loob. Buti na lang at walang nakakakita sa akin.

"You wouldn't like it when you see me mad, bitch. Tell us everything you know and I'll spare your life. Simple."

"And what if I refuse?"

Mas diniin pa ni Gray ang baril na nakatutok kay Vitchel "Then I don't have a choice but to shoot your nasty head and let the ants feast on your empty brain."

Napataas naman ang isang kilay ni Vitchel. Hindi ba sya natatakot?

"Hindi mo yan magagawa sa akin. I'm the only daughter of the richest businessman in this country. My father has connections all over the world and by this time, I think he's on his way here."

Sino kaya ang tinutukoy nya?

"Is that so? Then it will be my pleasure to welcome him with a surprise party. That would be great, right?"

Ang bait naman ni Gray. Kahit kalaban pinaghahandaan ng isang malaking party.

So thoughtful of him.

Umatras si Gray at dahan-dahang inikutan si Vitchel habang nilalaro nya ang kanyang baril "Or how about sending him your filthy head along with your heart. I think that will suffice."

Wait...

Cannibal ba ang tatay ni Vitchel? Bakit bibigyan sya ni Gray ng ulo at puso ni Vitchel?

"P-please... I don't want to die." Nagsimula ng umiyak si Vitchel

Idiniin ni Gray ang baril nya sa pisngi ni Vitchel "You have three seconds to tell us."

Napangiwi naman si Vitchel habang patuloy na umaagos ang luha sa mga mata nya

"Three." seryoso saad ni Gray habang nakatingin ng masama sa kanya

"Two." Mas diniin pa ni Gray ang pagkakatutok ng baril

Ano ba Vitchel, magsalita ka na!

Ang simple lang ng tanong, nahihirapan pa. Kahit nga kinder kayang sagutin yan eh.

"One." malapit ng ikasa ni Gray ang baril

Papatayin nya ba talaga si Vitchel?

"Any last words?"

Di ko na to kaya! Dapat may gawin ako bago pa man mapatay ni Gray si Vitchel. Bahala na si Batman.

Tinulak ko ng malakas ang pinto dahilan para mapatingin sila sa direksyon ko. Itinaas ko ang dalawa kong kamay sabay sigaw ng malakas "Wag!"

Pagkatapos kong sumigaw ay parang nag slow motion ang pagkakatingin nila sa akin. Halatang di nila inaasahan ang pagdating ko.

Owww. Anong ginawa ko?

Medyo napaatras ako ng konti nung humakbang si Gray papunta sa kinatatayuan ko habang hawak-hawak pa rin ang baril nya.

"What are you doing here? I told you to stay in your room!" galit na bulyaw sa akin ni Gray

Napatungo na lang ako "Eh kasi akala ko may party dito-"

"What?! Who told you that shit?"

Nakakatakot naman sya. He's not the Gray na kausap ko kanina.

He's possessed by a demon.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na tinitingnan ako ni Vitchel "Raven! Is that you? Are you here to save me?"

Isang putok ng baril ang narinig ko

"Shut up!"

No doubt, galit na talaga si Gray.



Their IdentitiesWhere stories live. Discover now