Ikalawang Kabanata

Start from the beginning
                                    

Namataan kong umupo siya sa silyang nasa aking harap at maimtim akong tinignan. "Sabihin mo nga, Luna. Bakit ba gusto mong pumasok sa palasyo?... ano ba talaga ang iyong dahilan kung bakit kinakailangan mong pumunta doon?" Bigla akong napatigil at hindi alam ang sasabihin. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sa kaniya ang totoo dahil sa oras na malaman niya ang aking pinaplanong gawin ay paniguradong pipigilan niya ako. Kilala ko si Ginoong Hanjae. Siya iyong tipong uusain ang lahat para lamang malaman niya ang dapat niyang malaman.

Ilang minuto ang lumipas ay hindi pa rin ako nagsasalita kung kaya't nagawa na niyang bumugtong hininga. "Kung wala ka talagang balak na sabihin, sige hahayaan kita. Pero binabalaan kita, Luna. Hindi madaling makapasok sa palasyo. Masyadong delikado ang lugar na iyon para sa mga Altheans na katulad mo." Alam ko na ang bagay na iyan... na hindi nila basta-bastang pinapasok ang mga Altheans... o sabihin na lamang natin na kung sino man ang makakapasok doon na isang Althean ay papatayin. Dahil kaming mga Altheans ay isang malaking banta sa hari... na ang tribo namin ay tinuturing na kaaway ng buong Eleuthyia.

Lingid sa kaalaman ng lahat na ang aming tribo ay isang sui livré na ang ibig sabihin ay malaya na kung saan ayaw naming sinasakop kami ng kung anong kaharian... na ayaw namin na nasa ilalim kami ng kontrol ng kung sino. Kaya noong binalak ng hari na sakupin kami ay nagawa naming umalma at pinaglaban ang aming karapatan. Kaya dahil doon ay nagalit ang hari at nagawa niyang guluhin ang aming tribo. Hanggang sa umabot sa punto na kaniyang pinapatay ang ilan sa amin. At gumagawa pa siya ng mga kwentong wala namang katotohanan... na kami raw ay isang malaking mapanggulo sa buong kaharian at kailangang iwasan ang mga tulad namin at ituring kaaway. Kaya dahil sa kamangmang ng mga tao ay napaniwala niya ang mga ito.

"Kung ano man iyang pinaplano mong gawin, huwag mo nang ituloy. Mapapahamak ka lamang niyan."

"Hindi mo naman kasi naiintindihan, Ginoo... hindi mo alam sa pakiramdam ang mawalan ng taong mahalaga sa iyo."

"Dahil pa rin ba ito sa iyong Ama, ha?" Hindi kaagad ako nakapagsalita. Bigla na lamang akong napatigil at tulalang nakatingin sa hawak kong tasa.

Oo, dahil ito kay Ama... siya ang dahilan kung bakit kinakailangan kong makapasok sa palasyo at ipaghiganti siya sa haring iyon. Isang Datu si Ama sa aming tribo at isa siya sa mga taong pinatay ng hari. Sa pagkakaalam ko kasi ay matagal na silang mayroong alitang dalawa at sumiklab lamang iyon, noong pinagpipilitan ng hari na sakupin kami na s'ya ring 'di sinang-ayunan ni Ama. Hindi ko nga alam kung bakit ganoon na lamang kadesperado ang hari na sakupin kami? Siguro dahil gusto niya lamang na palakasin ang kaniyang kapangyarihan at marami siyang taong nakokontrol... na maraming tao ang sumasamba sa kaniya. Napag-alaman ko rin na bukod sa aming tribo na gusto niyang makuha ay nais niya ring angkinin ang aming lupa sapagkat ang lupang iyon ay maraming gintong nakabaon na siyang nagmula pa sa aming ninuno. Siguro, nais niya ring mapasa kaniya ang mga gintong iyon.

Nang malaman ng hari na ayaw ni Ama na ibigay ang hinihingi nito... ang tribo, lupa at ginto ay nagawa niyang magalit at patayin ito... nagawa niyang patayin si Ama sa aking mismong harapan. Nandoon ako nang araw na iyon... kita ng aking dalawang mata kung paano patayin ng walangyang haring iyon ang aking Ama. Hinding hindi ko makakalimutan iyong ginawa niyang pagpapahirap sa amin... ang kaniyang mga ginawang kawalangyaan. Kung kaya't nagawa kong mangako sa aking sarili na gaganti ako sa kaniya... na papatayin ko rin siya gaya ng kaniyang ginawa kay Ama at sa mga taong kaniyang pinatay na walang kaawa-awa. Gagawin ko ang lahat para mapabagsak siya at humantong sa kamatayan.

'Kaya kong maging masama kung iyan lamang ang daan para makuha ko ang matagal ko ng kinakamit na paghihiganti.'

Imperial ThroneWhere stories live. Discover now