“aaah..okay.” yan na lang nasagot ko.

May magagawa pa ba ako?

Haaay..okay nadin to para makapag-usap kami ng maayos.

==========================

 

Si Serel:

“Oi Damien! Bakit kanina kapa palingon lingon? Tulog pa ata yung GF mo!”

“tumahimik ka nga Travis.”

Tsk. asan na ba yung babaeng yun?

Palubog na ang araw hindi ko parin siya nakikita. Pati narin yung mga teachers.

Tsk.

Nakita kong naglalakad sa may beach yung mga barkada ni England kaya naman agad ko silang nilapitan.

“Hi, nakita biyo ba si..”

“Si Sab? Magkasama kami kaninang umaga pero umalis din siya agad eeh.”

“aaah..sige salamat.”

Maglalakad na ako palayo pero tumigil muna ako para titigan ng masama yung “EX” stylist daw.

“hindi ko tinago si Sab.” Depensa niya.

“tsk.” umalis na ako.

Asan na ba yung babaeng yun?

=============================

 

Si England:

Madilim na sa paligid nang makabalik kami nang mga teachers.

Hindi ko man lang naenjoy ang dagat ngayong araw na ito. Tsk.

Pinakiusapan kasi ako ng mga teachers na magdonate ng pera doon sa co-teacher nilang nag-aagaw

buhay na tapos ayaw siyang operahan dahil wala ngang pera. Tsk.

Pasalamat sila at kasama nila ang mayaman na tulad ko kung hindi nako baka wala na sa mundo yun.

Tsk. ang cheap talaga ng mga tao!

 

“I hate spoiled brats like you!!!”

Ayan sumagi nanaman sa isip ko ang sinabi niya.

Huminga ako ng malalim.

Tama na ang pagtataray. Tsk.

First Love ng Spoiled Brat! (Completed!!)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα