Chapter 2

158 6 0
                                    

Ann POV

"Magandang umaga sa inyo. Ngayon ay magpunta tayo sa bakuran para magsanay ng inyong kapangyarihan. Kaya halika na kayo" ngiting sabi ni gurong emery at naunang lumabas.

Tumayo ako at kinuha lahat ng gamit ko. Lalabas na sana ako ng may magtawag saking kaklase ko.

"Prinsesa Ann" ngiti ko itong tinignan at nakita ang may pagka-singkit na babae.

"May sasabihin ka ba?"

"Ah eh, hehehe. May gusto sana akong hilingin sa iyo"

"Ano iyon?"

"Pwede ba kita maging kaibigan?"

"Ah? Oo naman. Ano nga ulit pangalan mo?"

"Ako si rosy"

"Ah, magandang umaga sa iyo rosy"

"Magandang umaga din. Tara na" sabay sukbi ng kamay niya sa braso ko. Umiling lang ako bago kami nag-punta sa bakuran.

Nang makadating kami. Napaka-rami ng mag-aaral na hindi alam kung ano yung kapangyarihan nila o hindi nila alam gamitin yung kapangyarihan nila.

"Dito tayo" masayang sabi ni gurong emery. Tumango kami at umayos ng linya. Nakinig din kami kay gurong emery na sinasabi kung paano daw mailalabas ang kapangyarihan o kung paano ito gamitin. "Handa na ba kayo?"

"Handa na po" sabay-sabay naming sabi. Lahat kami ay umupo at pinag-ekis ang hita habang ang dalawa naming kamay ay naka-taas.

"Pumikit kayo at pakiramdaman ang inyong sarili" ginawa ko ang sinabi niya. Pumikit ako at inisip ko din na ako lang mag-isa.

Third Person POV

Ang lahat ay nagsasanay kung paano nila palabasin ang kanilang kapangyarihan, ngunit lahat sila napatigil dahil nakaramdam sila ng sobrang lamig kasabay nun ay humahangin ng malakas. Ang iba din ay nagkaka-gulo na habang si ann ay ganun pa din ang posisyon niya.

May mangilan-ngilan din na nagtatawag sa kaniya subalit wala siyang naririnig. Ang iniisip niya lang ay kung paano niya mailalabas lahat ng kapangyarihan niya.

Bigla ding lumindol ng pagkalakas-lakas dahil bigla siyang napaluha ng maisip niya kung paano niya papatayin si demon. Halo-halo na lahat ng klema kaya lahat ay natakot.

Pati na din ang mga reyna't hari ay natatakot na dahil ngayon lang nangyari yun.

Pinigilan na din ng punong paaralan si ann pero wala siyang naririnig. Pati nga prinsesa at prinsepe ay nagpunta na din sa bakuran dahil doon nagsisimula ang lahat.

At pati si demon ay hindi alam kung anong nangyayari pero wala siyang paki at tila natutuwa pa siya.

Tumigil si ann sa ginagawa niya. Nang imulat niya ang kaniyang mata ay doon siya nagulat ng napaka-daming kalat. Sa isip-isip ni ann ay.

'Makalimutan nilang lahat ang nangyari ngayon'

At ganun na lang ang gulat niya kung bakit niya naisip yun. At mas lalo siyang nagulat ng lahat ng tao ay wala ng maalala kung ano nangyari at bakit daw sila nandoon. Sa isip-isip muli ni ann ay....

'May iba pa akong kapangyarihan. Gusto kong malaman lahat pero napaka-hirap at isa lang ang makakatulong sakin kundi ang aking sarili. Hindi nila pwedeng malaman na may kakaiba pa akong kapangyarihan. Panigurado kasi ay mapapadali akong mapatay ni demon kaya sakin muna ito at gusto kong pag-aralan lahat ng kapangyarihan ko'

The Princess And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon