Chapter 9

104 4 0
                                    

Tumingin ako sa bintana at nakita ko ang tore na walang liwanag na nagbibigay sa itaas ng tore. Paanong hindi ko nailigtas ang bolang diamante?

"Ann" napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si haruniel, ngumiti ako at lumapit sa kaniya. Yumuko ako sa kaniya kaya tumango siya sa akin. "Kamusta ang pakiramdam mo?"

"Maayos naman na, prinsepe"

"Mabuti" lumapit siya sa akin at ngumiti. "Sobrang nag-alala ang kapatid ko sayo, akala niya ay hindi ka na magigising. Ni hindi manlang siya lumabas sa palasyo dahil gusto niya siya agad ang makita mo paggising mo, mahal ka nga talaga niya" napatigil ako sa sinabi niya, akala ko rin ay isang biro lamang lahat ng sinasabi niya.

"Ano iyan?" Takang tanong ko habang kinukuha ang inaabot niyang sobre.

"Buksan mo"

Napakunot noo ako habang binabasa ang nakasulat sa sobre. Isang imbitasyon sa kasal? Sinong ikakasal?

"Ikaw at si zisha ay ikakasal?" Dahan-dahan siyang tumango na kinagulat ko.

"Oo. Sa totoo lang si harman at si zisha ang ikakasal ngunit dahil ikaw ang pinili ni harman ako ang ginigiit nilang ipakasal kay zisha"

"Patawarin mo ako sa ginawa ni harman, sadyang hindi na niya alam ang ginagawa niya"

"Naiintindahan ko, isa pa wala naman na akong pag-asa sayo. Hindi ko naman maaaring agawin ka sa kapatid ko" tumikhim ako at ngumiti, hindi niya man diretsuhin ang sinasabi niya alam ko naman ang pinapahiwatig niya.

"Mahal?" Napatingin kami sa bagong dating at nakita namin si harman, napailing ako at umupo ako sa kama.

"Paano ba yan? Maiwan ko muna kayo" saad ni haruniel bago umalis.

"Naibigay niya na ang imbitasyon?" Tumango ako. "Bukas na ang kasal kaya maghanda ka na para bukas"

"Bakit hindi ka pumayag sa kasal niyo ni zisha?"

"Sapagkat ikaw ang iniibig ko?"

"Hindi iyon sapat na dahilan" napabuga ako ng hangin, kailangan siya ang ikasal kay zisha dahil kapag si haruniel at zisha ang ikinasal, tiyak na mangyayari ngayon ang mga nangyari na noon.

"Hindi kita maunawaan"

"Hindi mo talaga ako mauunawaan dahil..." Napatingin ako sa kaniya pero agad ding umiwas.

"Dahil?"

"Dahil kahit anong gawin mo, hindi kita kayang mahalin pabalik" tumingin ako sa kaniya. "Nag-aaksaya ka lang ng oras sa akin, kaya kung ako sayo papakasalan ko na si zisha kesa maghintay ako sa wala" ngumiti siya at tumango.

"Siguro tama ka nga, kasi nung una pa lang hindi mo na ako kinausap ng maayos. Ayst! Bakit ba kasi ako nahulog sayo ng una kitang makita?" Napalunok ako dahil hindi naman ako ganito sa mga taong kilala o kakakilala ko pa lang. Tama siya, hindi ko pa siya trinato ng maayos. Bakit ganito ako sa kaniya?

"Patawarin mo ako, prinsepe" yumuko ako ngunit agad siyang umiling.

"Ayos lang, hindi mo naman kasalanang mahulog ako sayo"

"Humihingi ako ng tawad sa walang karespetuhan ko sa inyo"

"Hindi ko kailangan ng respeto mo, ang kailangan ko ay ang pagmamahal mo" nag-iwas ako ng tingin at tumikhim.

"Gusto kong mapag-isa, prinsepe" ngumiti siya at tumango.

"Kung ganun ay maiwan na muna kita" tumango na lamang ako bago siya umalis.

Napabuga ako ng hangin at napatingin sa tore, hihintayin ko ang sagot mo hanggang gabi, prinsepe harman. Dahil hindi maaaring ikasal si prinsepe haruniel at zisha bukas.

The Princess And IWhere stories live. Discover now