Chapter 7

95 4 0
                                    

Kanina pa kami naglalaro at tila wala namang nagbabago, hanggang kailan ba ako dito sa nakaraan?

"Mag-meryenda na muna kayo" saad ng alipin at binaba ang tinapay at tubig sa lamesa.

"Salamat po" saad namin at yumuko, yumuko din ito sa amin bago umalis.

Napatingin ako kila tydish at zisha ng magsubuan sila ng tinapay, ano ba ang meron sa dalawang ito?

"Ahm, saan dito ang palikuran?" Sabay nilang tinuro ang dulo ng silid kaya tumango ako at nagtungo doon.

Madilim sa parteng ito at nakakatakot ang katahimikan, bubuksan ko na sana ang pinto ng may mapansin akong kakaiba. Bakit may hagdan dito sa gilid ng palikuran?

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan at mas lalong padilim ng padilim ang paligid, hinawakan ko ang kwentas ng bigla itong umilaw. Kahit papaano ay nagsisilbi itong ilaw sa dinadaanan ko, malayo-layo na din ako sa itaas kaya hindi na ako nagdalawang isip na bumaba pa.

Nang makakita ako ng liwanag sa hindi kalayuan, mas binilisan ko pa ang lakad ko hanggang sa makalabas ako sa masikip na daan. Namangha agad ako sa nakita ko kaya hindi ko na namalayan na may tao pa lang nag-uusap sa tabi ng puno.

"Kailangan nating patayin ang mga prinsesa at prinsepe" saad ng isang kawal.

Agad akong nagtago sa kabilang puno at tinignan ang kanilang suot, pang-kanlurang palasyo ang kanilang suot at sa pagkakatanda ko ay matagal ng nabura sa mundo ng holypia ang palasyong kanluran dahil sinugod sila ng mga naka-itim na damit at lahat sila ay nasawi sa digmaan at ni-isa ay walang nakaligtas. Ibig sabihin ang dalawang ito ay talsik at sila magiging dahilan kung bakit mawawala sa mundo ng holypia ang kanlurang palasyo.

Kung hindi ako mangingialam tiyak na matutupad ang kanilang plano at kung mangingialam naman ako ay baka mabago ko pa ang mangyayari. Umalis na ang dalawa kaya napabuntong hininga ako, hinawakan ko ang aking mukha at himala at naging isa ulit akong dalaga. Mas makaka-galaw ako ng mas maayos nito.

"Sino ka?" Agad akong nagulat ng may lumitaw sa harap ko, nakaka-lipad siya kahit wala siyang pakpak. Anong klaseng prinsepe siya? Anong kapangyarihan niya?

"Ako si Ann"

"Ann? Saan ka galing at bakit ka naparito?" Tumayo siya ng matuwid. "Kapangalan mo ang prinsesa ng hangin"

"Kinagagalak ko kayong makilala, prinsepe?"

"Haruniel"

"Kinagagalak ko kayong makilala prinsepe haruniel"

"Ganoon din ako diwatang ann" tinaasan niya ako ng isang kilay. "Paano ka napadpad sa palasyong ito?"

"Ako ay naligaw lamang, prinsepe"

"Sa tingin ko ay kailangan kitang tulungan, mapanganib sa lugar na ito at tila baguhan ka lamang dito" tumango na lamang ako sa kaniya dahil tama nga naman ito.

Naglakad kami papunta sa palasyo, nakakatuwang isipin na nakita ko pa ang lugar na ito. Burado na kasi ang palasyong ito at bawal ng puntahan ito.

Napaka-tahimik ng palasyo nila sa harap ngunit ng makarating kami sa bulwagan ay maingay na. Puro tawanan ang maririnig at tila nagdidiwang sila. Ang reyna at hari ay naka-upo sa kanilang trono samantalang ang mga prinsesa at prinsepe ay nakikihabilo sa iba. Apat ang anak ng reyna at hari, panganay si harman, pangalawa si herly, pangatlo si haruniel at pang-apat si helen.

Pumunta ako sa harap at yumuko sa reyna at hari na agad akong nginitian.

"Ano ang iyong ngalan?" Tanong ni reyna herlen.

"Ako po si ann"

"Ann? Kapangalan mo ang prinsesa ng hangin sa kabilang palasyo. Paano ka pala napadpad dito?"

The Princess And IWhere stories live. Discover now