Chapter 5

112 5 0
                                    

Ann POV

"Bukas na pala ang paligsahan" sambit ni rosy na kinatango ko.

"Delikado ang magaganap bukas, ayaw kong makisali ngunit kailangan"

"Ang tagal ko ng nasa mababang ranko ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din ako magaling"

"May oras ang lahat, alam kong kaya mo yan"

"Salamat"

"Ann!" Tawag sa akin ni trisha kaya agad akong lumingon.

"Anong problema? Bakit ka hinihingal? May nangyari bang masama?"

"Oo, sinusugod na tayo ng mga baldezar!" Agad akong nagulat sa sinabi niya.

"Tayo na, madali!" Tumakbo na kami papunta sa malawak na bakuran at nakita namin na nagkakagulo na ang lahat.

May mga baldezar na patuloy sa paglusob sa amin at tila hindi sila nauubos. Tinaas ko na ang kamay ko upang kunin ang espada ko.

"Tayo na" tumango sila sa akin at sumugod na sa mga baldezar.

Agad kong sinaksak ang baldezar na papunta kay rosy dahil hindi niya namalayan yun, sinipa ko ang nasa likod ko at agad kong hiniwa ang bewang nito. Bakit naman nakapasok ang mga baldezar dito? May sarili na ba silang lagusan?

"Ann" tawag ni zack kaya tumingin ako dito, pawis na pawis siya at mukhang kanina pa sila nakikipag-laban.

"Nasaan ang ibang maharlika?"

"Nagkawatak-watak kami" hinawakan niya ang kamay ko kaya agad akong nagulat, napabitaw ako sa kaniya agad ng makaramdam ako ng kuryente. Hindi ordinaryong kuryente dahil kakaiba ito. "Sorry"

"Saan tayo pupunta?"

"May kailangan kang makita" sumunod na lamang ako sa kaniya.

Ngunit hindi naging madali ang pag-alis namin dahil madaming sumusugod sa amin, ubos na siguro ang pasensya ni zack dahil ginamit na niya ang kapangyarihan niya.

"Tayo na" sambit niya ng matapos niyang patalsikin ang mga baldezar, napalunok ako at tumango. Nakakatakot siya sa totoo lang.

Tumakbo na kami dahil wala na kaming oras para maglakad. Nang makarating kami sa sinasabi niya agad akong nagulat at kinabahan. May lagusan dito, hindi basta-bastang lagusan dahil ang lagusang ito ay papunta sa mundo ng mga tao. Paano nangyari ito?

"Ann!" Tarantang tawag ni zia kaya agad akong lumapit sa kanila.

"Anong nangyayari dito? Bakit may lagusan dito papunta sa mundo ng mga tao?"

"Nawawala ang bolang diamante, iisa lang ang alam namin. May nagpakawala dito at itinapon niya ito sa mundo ng mga tao. At ang lagusang ito ay mawawala na sa ikalawang araw"

"Sino ang nangahas na pakawalan ang diamante? Dapat itong maparusahan!"

"Wala na tayong oras para hanapin ang taong yun, ang importante ay mahanap na natin ang diamante" napabuga na lang ako ng mabigat na hininga, grabe. Ano ng nangyayari sa holypia.

"Tumabi kayong lahat!" Sigaw ko sa mga diwata na nakaharang sa lagusan, nagsitabi sila ng magpakawala ako ng ipo-ipo. Tinapat ko ang ipo-ipo sa lagusan upang takpan ito pansamantala. "Kung sino man ang mangahas na pumasok dito ay siyang mamamatay" lahat sila ay nagulat, wala akong nais kundi ang protektahan sila. Ginagawa ko ito para sa kaligtasan nila. "Tayo na't talunan ang mga baldezar"

Tumakbo na ako paalis at alam kong sumunod sila sa akin, mas dumadami pa ang mga baldezar kaya wala na akong nagawa kundi ang alisin ang mga hininga ng mga baldezar na patuloy na sumusugod sa amin.

The Princess And IWhere stories live. Discover now