Chapter 25

145 6 0
                                    

Sean's POV

Pangatlong araw na ng festival at ayon kay Arlo, maraming mga booths ngayon. Hindi ako sigurado kung anong klaseng booths ang nasa labas kaya naman excited na 'kong lumabas.

Kaya lang hindi ko nakita si Aiah, nasa'n siya? Gusto ko sanang tanungin si Arlo kaya lang nahihiya ako, lalo na't maririnig 'yon ni Cobie, siguradong aasarin niya ko.

"Si Aiah? Hindi ba siya lalabas?" Biglang tanong ni Hans kaya naman napangiti ako. Buti nalang natanong niya!

"Maaga umalis. Mag-aayos kasi sila sa club nila, ngayon magbubukas ang exhibition nila" sagot naman ni Arlo habang nagsusuklay ng buhok, si Cobie naman nagpapabango. Lumingon sakin si Cobie at saka ngumisi.

"Ayon pala eh! Punta tayo ro'n mamaya" sabi niya habang nakatingin sakin.

Sige lang, mang-asar ka pa.

"Oo nga, gusto kong makita yung mga arts na ginawa nila" sabi naman ni Hans.

"Sige gusto niyo eh, mamaya pa silang 12 magbubukas kaya maglibot muna tayo" sabi ni Arlo na sinang-ayunan naman namin.

Nang lumabas kami napahinto ako ng kaunti dahil nagbago na naman ang paligid. Mas gumanda ang mga design ngayon kasi may kulay na, hindi na mukang black and white sa tv. Marami ring nakatayong mga tents sa field gaya ng sinabi ni Arlo. Mas naging masaya ang aura dito.

"Ang daming pagkain oh!" Sabi ni Hans habang nakaturo sa isang food camp. Hindi pa kami kumakain kaya naman do'n muna kami pumunta.

Umorder kami ng pizza, burger at fries tapos mga drinks. Grabe, isipin niyo kapag bumili kayo ng ganito sa labas siguradong mapapamahal ka. Pero dito 5 WU coins lang ang nagastos namin. Nagbibigay naman araw araw ng tatlong coins sa bawat estudyante kaya sulit na rin lalo na 'pag hindi mo naman nagagamit lahat. Yung iba kasing pagkain libre lang.

Pagkatapos namin kumain may nadaanan kaming message booth. Maraming sticky notes na nakadikit sa isang board kung saan tinitingnan ng mga estudyante kung mayro'n bang sulat na para sa kanila.

"Tara do'n" sabi ni Cobie at agad na kumuha ng papel at nagsulat. Si Hans at Arlo naman nagbabasa lang ng mga nakasulat sa sticky notes kaya nakibasa narin ako.

May nagpapasalamat, nagpapa-alala, good luck. Pero bigla nalang may nahagip ang mata ko nang mabasa ko ang pangalan ko. Para sakin?

Agad akong lumapit do'n at binasa ang nakasulat.

Dear Sean,

Nagugustuhan na kita.

- A

Nagugustuhan na kita? A? Hindi kaya si Aiah 'to? Hahaha ayos ayos!

Hindi ko alam kung ano ang tingin niya sakin kaya naman nagpapasalamat ako sa booth na 'to dahil nalaman ko na nagugustuhan na niya ko.

"Mayro'ng para sakin?" Gulat na sabi ni Hans kaya naman agad kaming napalingon sa kaniya ni Arlo. Tiningnan ko yung papel na binabasa niya at binasa ko rin 'yon.

Dear Hans,

Mamayang 6 ng gabi, sa library.

- J

"Hoy, Hans. Sino 'yan?" Nakangising sabi ko pero hindi niya ko tinitingnan. "Girlfriend mo ba 'yan? Ha? Ha?" Tatawa tawang sabi ko habang inaakbayan siya pero umiling lang siya at tumawa rin.

It's Her (My Devil Queen)Where stories live. Discover now