Chapter 12

193 5 1
                                    

Sean's POV

Dalawang araw na ang nakalipas pero hindi ko pa rin nakakalimutan yung nangyari nung araw na 'yon. Yung tungkol sa pinatay na estudyante. Isama mo pa yung sinabi ni lolo tanda na tagapagligtas daw kami. Tsk, mahirap paniwalaan pero ang sarap pakinggan. Hahaha, bwisit kasi eh bakit ganito ang nangyari sa buhay namin? Ito ba talaga ang nakatadhanang katapusan namin?

"Sean oh" sabi ni Arlo sabay hagis sakin ng isang canned juice, sinapo ko naman 'yon at nagpasalamat. Binigyan din niya si Hans at Cobie na katabi lang namin. Nasa salas kami ngayon eh.

"Alam niyo may napapansin ako" biglang sabi ni Hans kaya naman napatingin kami sa kaniya, sakin naman siya nakatingin. "Sa inyo ni Cobie"

Nagkatinginan kami ni Cobie at sabay na nandiri. "Ano ba naman 'yan Hans, kadiri ka!" Tatawa tawang sabi ni Cobie na sinang-ayunan ko naman.

"Hindi ganun!" Sabi ni Hans kaya napatigil na kami sa pagtawa ni Cobie, si Arlo naman nakikinig lang samin tapos si Aiah, malamang nasa balcony na naman 'yon at nagdo-drawing.

"Eh ano?" Tanong ko at sumeryoso naman siya kaya nag-iba na ang aura ng paligid.

"Mula kasi nung isang araw kakaiba na ang ikinikilos niyo. Tingin kayo ng tingin sa kung saan tapos hindi na kayo gano'n kaingay gaya ng dati. May hindi ba kayo sinasabi sakin?" Tanong niya.

Kung gano'n napansin pala niya. Mula kasi nung araw na 'yon, para akong napraning na hindi ko malaman. Tingin ako ng tingin sa kung saan kasi syempre baka mamaya ako na yung target diba? Nakakatakot na lumabas.

Uminom nalang ako ng juice at tiningnan si Cobie. Sinenyasan ko siya na siya na ang magsabi kala Hans at tumango naman siya.

"Nung papunta kasi kami sa cafeteria, nakita namin si Mang Jose" panimula ni Cobie at nakinig naman yung dalawa habang ako inuubos ko lang yung juice na iniinom ko.

Nang matapos si Cobie sa pagku-kwento bigla nalang siyang nagtanong kay Arlo. "Ikaw Arlo? Sa tingin mo bakit nangyayari ang ganito rito? Matagal ka ng nag-aaral dito at siguro naman may alam ka kahit konti diba?"

Tiningnan ko rin si Arlo, hindi siya nagsasalita. Pinaglalaruan niya yung lata sa kamay niya na para bang pinag-iisipan niya pa kung sasabihin niya yung nalalaman niya o hindi ng bigla nalang dumating si Aiah. Pumasok siya sa kwarto niya at paglabas niya nakasuot na siya ng wig.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Arlo.

Tumingin si Aiah sa kuya niya bago magsalita. "Kay Clark" maiksing sagot niya. Tumango naman si Arlo.

"May bago ka uling gawa?"

"Wala" sagot nito kaya naman nagtaka si Arlo.

"Eh bakit ka pupunta ro'n? Parang ngayon lang 'yan ah"

"May kailangan pirmahan ang members" o tingnan mo, 5 words lang ang inabot ng sinabi niya. Pati ba naman sa kuya niya ganyan siya makipag-usap? Grabe.

"Oo nga pala, kailangan nga pala ng club para sa darating na festival" biglang sabi ni Arlo at napatingin samin.

"Club?" - Cobie

"Oo, noong nakaraang taon sa dance club ako sumali pero napaka hirap ng mga practice nila kaya naman sa volleyball club ang bagsak ko" kwento niya habang nagkakamot ng ulo.

Nakita kong naglakad na si Aiah palabas sa dorm kaya naman ibinalik ko nalang ang tingin ko kay Arlo.

"Eh si Aiah?" Biglang tanong ni Hans. "Magaling naman siya sa volleyball ah? Bakit sa arts pa siya sumali?"

It's Her (My Devil Queen)Where stories live. Discover now