Chapter 3

415 12 3
                                    

Sean's POV

Uwian na at dahil hindi ako sanay na tuloy tuloy ang klase eh gutom na gutom na 'ko.

"Saan naman tayo pupunta ngayon Hans?" Tanong ni Cobie sa bago niyang bestfriend. Tingnan mo 'to oh, pinagpalit na agad kami ni Hans, tsk.

"Sa lugar kung saan maraming pagkain" sabi lang nito at saka ngumisi.

Sa lugar kung saan maraming pagkain? Saktong sakto gutom na talaga ako. Malayo pa kaya 'yon?

Ilang sandali lang kaming naglakad at may natanaw kaming isang malaking gusali. Kung ako ang tatanungin para itong isang mall, puro pagkain nga lang ang tinda. Grabe ang dami talagang pagkain!! Pero teka...

"Pa'no kami makakabili eh wala naman kaming pera" sabi ko. Naalala ko kasi na wala naman akong baon na pera. Wala namang laman yung bag ko kundi nga damit at ilang notebook lang. Galing nga kasi kaming camping diba?

"Oo nga, wala akong nilagay na pera sa bag ko" sabi naman ni Hans habang nakanguso. Bigla namang ngumiti si Arlo at inakbayan si Hans.

"Hindi niyo na kailangang alalahanin yung pera dahil..."

"Ililibre mo kami?" Biglang sabat ni Cobie na inilingan ni Arlo. Tsk, wag kasi sabat ng sabat.

"Hindi niyo kailangan ng pera sa lugar na 'to dahil libre lang ang mga 'yan"

"Ano??" Sabay sabay na tanong naming tatlo.

"Tara" sabi lang ni Arlo at sabay sabay kaming pumunta sa building na 'yon. Nauunang maglakad si Arlo at Cobie nasa likod nila si Hans habang ako at si Aiah ang nasa likod. Napalingon ako sa kaniya at nakatingin lang siya sa harapan. Ang tahimik niya. Ni hindi ko pa nakikitang magbago ang ekspresyon ng muka niya. Tsk, para namang may pakialam ako sa kaniya. Hindi ko parin makakalimutan na pinakopya niya ko ng maling equation kanina no! Kapag talaga naka zero ako do'n... ewan ko nalang.

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla nalang siyang lumingon sakin, nakatalon ako at napa iwas agad ng tingin. Nakakagulat siya.

Pumasok kami sa building na 'yon. Di ko lang inaasahang na cafeteria ang tawag nila jan. Kung sa amin mall na 'yan eh! Ang pinagkaiba lang ay may bayad ang mga bagay do'n.

Pagpasok namin ay inabutan kami nung parang guard ng tig-iisang papel na sa tingin ko ay parang ticket. Tapos may tinatak siya sa mga kamay namin. Sumunod lang kami kay Arlo ng nagtuloy tuloy na siya sa pagpasok.

"Anong meron sa bagay na 'to, Arlo?" Tanong ni Hans habang sinisipat ang papel.

"'Yan ang binibigay na ticket kapag papasok ka dito. Yung tatak naman sa kamay, tanda 'yan na pumasok ka dito. Isang beses sa isang araw lang ang pagpasok dito kaya kailangan yung talagang kakainin mo mamayang hapunan ang kukuhanin mo. Limang pagkain lang ang allowed na kuhanin" mahabang paliwanag niya.

Napatingin ako sa tatak na nasa likod ng palad ko. Hindi siya madaling makita dahil glow in the dark siya. Tinakpan ko muna ang likod ng palad ko at nakitang date ngayon ang nakasulat do'n. So bawal talagang bumalik ah?

Naghiwa hiwalay na kami dahil iba iba naman ang kukuhanin naming pagkain. Napagdesisyunan nalang namin na magkita kita nalang sa counter.

Syempre ang una kong kinuha ay yung isang pack ng potato chips. Hindi isa isang piraso ang nandito, para 'tong buy 1 get 4. Bale lima 'tong sitsirya na magkakasama. Bawal daw paghiwalayhiwalayin. Sunod akong pumunta sa mga drinks. Agad kong kinuha yung paborito kong gatas, minsan lang ako makabili nito dahil ang mahal pero ngayon makakuha ako ng tatlo! Tatlo kasi 'tong magkakasama. Ilalagay ko na sana sa basket ko yung mga gatas ng bigla nalang may magsalita sa gilid ko.

It's Her (My Devil Queen)Where stories live. Discover now