Full of love and passion.

His kisses that I missed.

Nasa may leeg ko na siya humahalik nang may biglang pumasok sa bahay. Naitulak ko tuloy si Matteo at taranta akong napatayo.

"Oopps, sorry Sis. Naistorbo ko yata kayo. Hehe." Lumapit ito sa may center table at kinuha yung pouch. Bakit parang wala naman yata yun kanina? "Naiwan ko. Sige alis na ko. Tuloy niyo na yan."

Bago pa siya tuluyang lumabas may sinabi pa ito. "Sis, ang cute mo tignan habang nakapkit ka tapos. ------"

"Shiiiiin!" Naibato ko tuloy yung throw pillow sa kanya pero hindi siya tinamaan dahil nakalabas na.

Pagtingin ko naman kay Matteo, nakangisi ang loko. "You're blushing."

"Tse! Kasalanan mo! Bwiset ka!" Lalayo na sana ako sa kanya pero hinila niya ako at napa-upo naman ako sa kandungan niya.

"Don't you like it? Huh?" Bahagya niyang nilalapit ang kanyang labi sa aking labi. "I missed you." Saka niya muling sinakop ang aking labi. Nagiging malikot na rin ang mga kamay niya. Bagay na hindi ko naman tinutulan.

"I missed you too, Love." Anas ko sa pagitan ng aming nagbabagang halik.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na nakalapat na ang aking likod sa malambot na sofa. I'm still wearing my clothes! Mind you!

While we're kissing and his hands are roaming around my body, my phone keep on ringing. Sa una deadma lang namin pero sinagot ko na rin dahil hindi ito tumitigil. Inalalayan niya ako para maka-upo. Si Shin ang tumatawag. Baliw talaga.

"Hello, Sis. Ate na ba si Ghianna?" Bungad nito sa akin.

"Baliw ka! Hindi pa... I mean, hindi! Wala! Oh, bakit ka pala napatawag?" Natatawa pa rin ito sa kabilang linya.

Perfectly Imperfect (AshMatt FanFiction) [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now