9. Kung Sabagay

2.6K 29 9
                                    

Sarah's POV:

Dinala ko si Ghianna sa kwarto namin. Sandali ko itong pinagmasdan, ibang iba ang aura niya ngayon, sigurado akong isa sa dahilan ay ang Papa niya. Masaya din ako dahil finally, natupad na ang wish niya tuwing birthday niya na makita na ito. 

Bago ako lumabas sa kwarto, kinumutan ko siya at hinalikan sa noo. 

Sa sala, nandoon pa si Matteo, sinabihan ko kasi siya na mag-stay muna sandali. Pagkakita palang niya sa akin ay awtomatiko itong napangiti. Ganoon pa din ang mga ngiti niya.

Ang mga ngiting nagpa-ibig sa akin.

Sinenyasan niya ako na umupo sa tabi niya. Walang pag-aalinlangan naman akong sumunod. Nang magkatabi na kami, kinuha ko yung photo album na nakapatong sa center table. Binuksan ko iyon at nagsimulang magkwento.

"Ito yung first picture ni Ghianna, one day old palang siya jan, si Shin ang nagpicture sa amin. Ang laki niya no?" Nakita ko siyang nakangiti at patango-tango lang. "Akala ko 'nun hindi ko siya mailalabas ng normal, ang laki niya kasi." Natawa ako, naalala ko yung araw na hirap na hirap ako sa pag-ire. "Ito naman yung binyag at first birthday niya, pinagsabay ko na para tipid."

Sa unang album, nandoon yung pictures ni Ghianna simula nung zero month to two years old.  Kinuha ko pa yung isang album at nagkwento ulit. "Here, tatlong taon siya jan, ang ganda ganda ng anak natin 'no?" Naka-white gown ito at may hawak na basket na punong puno ng red petals ng rose. "Kinuha siyang flower girl ni Ninang Shin niya. Alam mo bang siya lang yung naglakad sa aisle kasi yung iba nag-iiyakan. Hay, Matt, proud na proud ako sa anak natin." Nilipat ko na yung page. Makikita doon yung mga drawings ni Ghianna ng isang masayang pamilya. "Ito naman yung mga drawings niya nung nagsimula akong i-kwento ka sa kanya. Lagi niyang sinasabi na pag nag-four siya, mag-aaral na daw siya para pag umuwi ka, magiging proud ka sa kanya. Tsaka lagi niyang wish na.."

Natigil ako kasi napansin kong humikbi siyang yumakap sa akin. "Matt? Are you okay? What's wrong?" Ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito. I mean, umiyak siya nung nag-break kami pero hindi yung ganito. "Shhh.. Ano bang problema?"

"I'm sorry Sarah. I'm so sorry. I'm not with you when you were pregnant. I'm not with you in every occassions. I'm sorry."

Hinarap ko siya sa akin at pinunasan yung mga luha niyang nag-uunahan sa pagpatak. "Shhh.. Huwag mo ng isipin yun, okay? Ang importante yung ngayon. Ikaw na rin nagsabi na aayusin natin ito diba?" Tumango ito. "Tahan na. Magisimula ulit tayo ha?"

He kiss me.

His kisses is full of longing.

Perfectly Imperfect (AshMatt FanFiction) [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now