6. Bulletproof

1.9K 28 5
                                    

Sarah's POV:

Kahit nung nalaman ko na nakabuntis si Matteo, hindi ko siya hiniwalayan. Kahit na nasaktan ako ng sobra sobra. Ganito nga siguro kapag nagmahal ka. Kayang mong magbulag bulagan. 

Pinilit kong buoin ulit ang sarili ko. 

Pinilit kong pagkatiwalaan siyang muli.

Ayos naman ang communication namin, hindi nagbago yun, parang mas naging madalas pa nga kaming magkita at you know, yung katulad ng ginawa namin nung nasa Cebu kami.

Not until nung dumating ang araw na nanganak si Sophia, dumalang ang communication namin. Madalang na kaming magkita. Pati pagtuturo ko naaapektuhan na. Pero lahat ng ito kinakaya ko kasi mahal ko siya.

I thought I can get through this.

I thought I can hide this pain.

I thought I am bulletproof....

          .... but I'm not.

"Ate, niloko ka ni Kuya Matt, ipaghahanda mo pa rin?" Tanong ni Gab sa akin. Balak ko kasing i-surprise si Matt, birthday niya ngayon.

"Gab, hindi niya ako niloko, okay?" Dinala ko na sa kusina ang mga sangkap para sa mga putaheng lulutuin ko, medyo madami ito kasi inimbitahan ko ang mga kaibigan niya. "Sinabi naman niya sa akin diba? Naging honest siya."

"Bahala ka, Ate." Sabi niya at nanahimik na. Tinulungan na lang niya akong balatan ang mga gulay habang ako ay nag-umpisa nang magluto.

Alas singko ng hapon dumating si Shin kasama ang boyfriend niya, si Ian. Dala niya yung tarpaulin na pinagawa ko. May nakalagay na "Happy Birthday Matteo ! ! !" At piling mga litrato niya.

Si Shin ang tumulong sa akin sa paglalagay ng tarp. Hinanda din namin ang mesang paglalagyan ng mga pagkain. Si Gab, inutusan kong bumili ng mga softdrinks at alcoholic drinks. Si Ian naman, sinet-up na yung videoke. Ako naman ay nag pinirito na ang lumpia, last na ito kaya tinext ko na si Matteo.

To Love: 

Be sure to be here later at 8pm huh, Love? I love you. :)

Perfectly Imperfect (AshMatt FanFiction) [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now