7. Dulo

2.1K 31 8
                                    

Third Person's POV:

Pinatawad ni Sarah si Matteo sa nangyaring iyon. Nagpaliwanag naman ang lalaki sa kanya at naiintindihan niya yun. Ano nga naman ba ang laban niya sa isang bata?

Minsan sinasama ni Matteo sa bahay nila Sarah ang anak. Kitang kita nito kung gaano kasaya ang kasintahan sa kanyang anak. Minsan naiisip niya na, Paano kaya kung sa kanila ni Matteo ang batang iyon? Makikihati pa kaya siya sa atensyon nito? Inaamin ni Sarah sa kanyang sarili na nahihirapan parin siya sa sitwasyon nilang ito. 

Dati, ang pagmamahal ni Matteo ay kanya ng buong-buo at walang kahati, pero ngayon, pakiramdam niya ay may kakumpitensya siya. Hindi niya dapat nararamdaman ito. Ang magselos. Pero kahit saang anggulo mo tingnan, mahal ni Matteo ang anak. Napatawa na lang ito sa naisip. Sino nga naman ba ang ama naa hindi mahal ang anak, hindi ba?

Aminado naman si Matteo na minsan nawawalan siya ng oras kay Sarah, lalo na ngayon na pitong buwang gulang na si Matthew at madalas siya nitong hanapin kay Sophia. Ilang triathlon event na rin ang hindi niya nadaluhan. 

Ganoon pa man, sinasamantala nito ang oras na umuuwi ng Pampanga si Sophia kasama ang anak. Pumupunta siya kila Sarah, hatid sundo niya ito, o minsan naman ay buong araw lang sila sa unit ni Matt, talking and making love. 

Isang beses, nag-undertime si Sarah sa trabaho dahil sa sobrang sama ng pakiramdam niya. Ilang beses na siyang ganito lalo na sa umaga. Nahihilo at naduduwal siya. Ayaw naman niyang isipin na mali ang naglalaro sa kanyang utak, dahil alam naman niyang posibleng mangyari iyon. 

Nilabas niya ang cellphone niya at nag text kay Matteo. 

To Love:

Love, nag-undertime ako, masama ang pakiramdam ko eh. Sunduin mo naman ako dito. Hintayin kita. :) I love you. :*

Dalawang oras ang lumipas at nakatulog narin siya sa table niya sa faculty room, walang Matteo ang dumating. Umasa pa naman siya na gigisingin siya ni Matteo at sasabihing, "Wake up, Love. I'm here." Pero wala. Umasa lang siya. 

Pinilit niyang tumayo kahit na nahihilo pa siya. Hindi na niya hihintayin pa si Matteo, inuna na naman siguro ang anak niya. Napapa-iling na lang siya habang nililigpit ang gamit.

Lumabas siya ng faculty room, nakita niya si Matteo na mukhang wala sa mood. 

"I'm sorry, Love. Bukod sa traffic, si Matthew kasi eh --- "

"Sorry? Matteo, sorry na naman!? Lagi na lang eh. Sana nagtext ka na hindi ka makakarating dahil kay Matthew, eh di sana hindi na ako naghintay!" Naglakad na ito papuntang parking lot, malapit lang naman kaya mabilis siyang nakarating.

"What's with the attitude, Sarah?!" Napatigil ito sa pagpasok sa sasakyan dahil sa gulat ng pagtataas ng boses ni Matteo. Hinawakan siya ni Matteo at pinaharap sa kanya. "Ano bang problema mo? Nandito na ko diba? Iniwan ko si Matthew sa kapitbahay dahil sabi mo masama ang pakiramdam mo, pero mukhang hindi naman! Stop with this drama, Sarah! Damn it!"

Perfectly Imperfect (AshMatt FanFiction) [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now