Epilogue

1.9K 24 4
                                    

Third Person's POV:




"Manliligaw mo ba yun?" Tanong ni Matthew kay Ghianna.




"Kuya, hindi nga." Sinara nito ang gate nang maka-alis na si Carlo. "Classmate ko lang yun." Hindi naman ito makatingin ng diretso sa mata ni Matthew.




"Don't lie to me, Ghianna. Yes or no, is he courting you?"




"Kuya."




"Yes or no?"




"Yes."








***




Nasa unang taon na sa kolehiyo si Matthew. Parehong nasa high school naman si Ghianna at Gian, nasa ika-apat at unang taon silang dalawa. Ang bunso naman na si Sarah Michaella ay nasa ika-apat na baitang sa elementarya. Tatlong taon pa bago nasundan si Gian, at si Mica nga ang bunga.


Matthew decided to live with his mom. Tuwing bakasyon at weekends ay pumupunta ito sa bahay nila ni Matteo.








***




"Sunduin natin sa school ang mga bata, Love?" Tanong ni Sarah, nasa bar sila ngayon. Kakatapos lang mag-inventory nila Matteo at kanyang mga staffs.




"Sa tingin ko kailangan nga natin silang sunduin, specially Ghianna." Nag-aayos na ito ng mga gamit niya, tinulungan naman ito ni Sarah.




"Love, ayan ka na naman eh, normal lang naman na magkaroon ng manliligaw ang anak mo, maganda kaya siya. Mana sa akin."




"I know, she's beautiful, like you, but, she's still young."

Perfectly Imperfect (AshMatt FanFiction) [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon