1. Perfectly Imperfect

3.8K 35 2
                                    

Sarah's POV:

Pag gising ko pa lang sa umaga, cellphone ko na agad ang una kong hinahanap. Nakakatuwang isipin na every morning may mababasa kang "good morning message" from him. Oo na, kinikilig ako kahit na sa edad kong bente sais anyos.

Nang makapa ko na yung phone ko, sobrang nadismaya talaga ako nang makita kong wala pa siyang text. Alas-sais palang pala ng umaga, baka tulog pa yun. 

Babangon na ako para pumunta sa bathroom upang mag-ayos na, Sunday ngayon at magsisimba kami. Magsi-six thirty na pero hindi pa rin siya nagpaparamdam. "Anyareh dun?" sabi ko sa sarili ko.

"Ateeeee! Baba na! Nakahanda na po yung breakfast!" Pasigaw na tawag sa akin ni Gabriel, bunso kong kapatid.

"Andyan na!" Sigaw ko pabalik.

Pagbukas ko ng pinto sa kwarto ko, oh my! Nandito na ang breakfast ko! Lord, ang aga naman po ng biyaya mo, hindi pa nga po ako nakakapagsimba eh. 

"Good morning, Love." Sabay higit nito sa akin papunta sa kanya. Halos magdikit na ang mukha namin dahil sa sobrang lapit.

"Goo ----" Hindi ko na siya nagawang batiin ng maayos dahil hinalikan na niya ako. Nang halos mawalan na kami ng hininga ay saka lang kami tumigil at doon ko lang siya nabati ng maayos. "Good morning, Matt-matt, so fast, huh? Let's go, kain tayo!"

"Eh mas masarap na nga yung kinain ko ---- Araaaay!"  Piningot ko lang naman siya.

"Ang pervert mo! Umayos ka nga, marinig ka ni Gab eh!"  Sita ko sa kanya, masyadong matabil ang dila eh. 

"Love, disi-otso na si Gab, I'm sure hindi lang yun ang alam niya."  Tatawa tawa pa nga, If I know, siya ang nagturo. 

"He! Basta!" Bumaba na kami para kumain ng agahan. Ugali na namin na kumain muna bago magsimba.

"Peace be with you"  

Kanya kanyang batian ang mga tao sa loob ng simbahan. Matteo kissed me on my lips then smiled at me. Ang naughty talaga, but I get used to it. One year and a half in a relaationship, I can say that I am deeply in love with him. I learn to accept all of his perfect imperfection. 

Perfectly Imperfect (AshMatt FanFiction) [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now