"I'm still his client, no more no less." Sagot ko at para bang na-amuse siya sa sinagot ko.


"Nothing more than that?" At nilapit ni Arm ang mukha niya habang nakapangalumbaba.


"Yes nothing more than that." Bwelta ko at buti na lang at lumapit si Sher na may dalang bucket ng Smirnoff at isang bote ng Jose Cuervo. Inilapag niya 'to at ngumata sa mga nachos na kanina nilang order.


"After nating ubusin 'tong mga 'to ay lipat tayo sa Local tapos sasayaw tayo pampatanggal amats." Sabi ni Arm at sinumulan na namin ang inuman. Para bang pre-game namin 'to sa mga susunod pa naming iinumin sa katapat ng bar.


Normal na siguro sa pag-inom sa Taft ay ang paglipat-lipat ng maiinuman o bar hopping. Magkakalapit o kaya naman magkakatapat lang ang mga inuman dito sa La Salle. Nakagawian na ng mga tao na 'to ang gawin saglit na kasiyahan sa isang linggong hirap sa pag-aaral at sa iba pang personal na problema.


"Shot!" Sigaw ni Arm at sabay-sabay naming ininom ang shot glass na may Cuervo. Para bang hindi nalalasing ang dalawang 'to sa dami ng alak na iniinom namin. Nakalahati naman namin ang bote ng alak na nasa harapan naming at ubos na rin namin ang mga inorder nilang cocktail, paubos na rin ang bucket ng Smirnoff na binili ni Sher.


"Saglit lang punta lang akong comfort room." Pagpapaalam ni Sher at tumayo at naiwan na naman kami ni Arm ngayon.


"You like New right?" Tanong ni Arm habang nagsasalin ng alak sa mga shot glass.


"Yeah." Sagot ko sa tanong niya at nilagok ang bote ng smirnoff.


"Normal ba 'tong nararamdaman ko?" Dagdag ko pa.


"Alam mo Tay, hindi naman masama na magkagusto sa isang tao. Alamin mo lang kung saan ang lugar mo sa relasyon niyo." Pagpapayo niya.


Napatingin ako saglit sa shot glass at nilalaro at bukana nito.


Gusto ko si New? Oo? Ewan?


"Your feelings are valid bro pero please, protektahan mo 'yung puso mo baka pagkagising mo wasak na 'yan at baka walang matira sa 'yo." Dagdag niyang pagpapayo kaya naman mas lalo akong napaisip sa mga sinabi ni Arm.


"Arm." Pagtawag ko sa pangalan niya.


"Hmm?" At tumginin siya sa direksyon ko habang nilalagok 'yung bote ng Smirnoff.


"I asked him kanina kung gusto ba niya ako." Sabi ko kay Arm at dahilan para masamid at maubo siya. Natataranta ako kaya naman binigay ko sa kanya 'yung tissue sa table namin.


"You did what?!" Medyo tumaas ang boses ni Arm sa pagtatanong niyang 'yon.


"I asked New if he likes me." Pag-uulit ko at napansin ko inilayo ni Arm ang tingin niya sa akin at ako naman ay ininom ang Cuervo sa shot glass sa harapan ko.

Burnout (TayNew Fanfic)Место, где живут истории. Откройте их для себя