Ikasampung Kabanata

Start from the beginning
                                    

Akmang sisipain niya ako subalit kaagad akong umatras kaya ang upuan na gawa sa matigas na kahoy ang natamaan niya. Napadaing siya sa sakit subalit mabilis siyang kumilos at kinuha ang kutsilyo sa lamesa.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at kaagad na sinamantala ang pagkakataon. Kinuha ko ang tasang naglalaman ng mainit na tubig at kaagad na isinaboy sa kanya.

"Tang*na ka! Kung inaakala mong hahayaan lang kita, nagkakamali ka. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kinakailangan mong ipairal 'yang init ng iyong ulo. Tinuruan mo kaming lumaban at magkaroon ng mahahabang sungay, " mariing giit ko sa kanya bago ihagis sa sahig ang tasa na kaagad ding nabasag.

Namimilipit naman si Benedic sa sakit at napaupo sa sahig habang hinihimas ang kanyang kanang paa. Sa halip na makaramdam ako ng awa, mas nanaig ang tuwa sa aking puso. Ngayon ko lang napagtanto na kaya pala naming labanan ang taong umaabuso sa amin.

Sakto namang bumaba sa hagdan ang dalawang naglandian kanina. Bakas ang labis na tuwa sa kanilang mga mukha at bahagya pang nagkikilitian.

"Dylan, wala ka talagang katulad. Iba pa rin talaga ang pakiramdam na sandata mo ang nasa aking kaselanan. Ulitin natin ito sa susunod, " nang-aakit na sambit ni Trinity st bahagya pang kinagat ang tainga ni Dylan.

Tumikhim ako kaya bahagya silang napatingin sa aking direksyon. Kaagad namang inalis ni Trinity ang pagkakapulupot ng kanyang kamay sa baywang ni Dylan at umakto na parang walang nangyari.

"Kamusta naman ang pakiramdam na habang tirik na tirik ang araw, tumitirik ang mga mata niyo sa sarap? Hindi niyo man lamang inaalam ang mga nangyayari sa paligid, " inis kong sambit sa kanila at napaupo na lang sa lamesa.

Bahagya naman akong nagtaka nang bigla mag-iba ang timpla ng mukha nina Dylan at Trinity. Ang nang-aakit na mukha ni Trinity ay biglang napalitan ng matinding pagkatakot.

"Huwag niyo nga akong dramahan diyan. Hindi ako kakagat sa pakulo niyo dahil kahit walang sapat na pruweba, alam ko na gumawa kayo ng milagro kanina." Napailing na lang ako dahil wala pa rin silang kibo.

Nagulat na lang ako nang biglang sumigaw si Trinity at nagmamadaling bumaba sa hagdanan. Kaagad naman akong nagtaka sa ginawa niya dahil minsan ko lang makita ang pag-aalala sa mukha ni Trinity.

Huli na ng malaman ko ang dahilan kung bakit sumigaw si Trinity dahil dalawang magkasunod na putok ng baril ang aking narinig. Tila biglang bumagal ang paggalaw ng paligid at unti-unti akong bumagsak sa sahig.

"Hunter!" naluluhang sambit ni Trinity at pilit pang sinalo ang aking katawan.

Hindi ko alam ang dahilan subalit bigla akong napangiti. Sa kabila ng mga masasakit na salitang binibitawan ko kay Trinity, narito pa rin siya at tinutulungan ako.

"H-huwag kang mag-alala, hindi ako mamatay sa dalawang tama ng bala. Masamang damo ako kaya't hindi ako basta mamatay, " nanghihinang sambit ko sa kanya at pasimpleng inabot ang baril na aking kinuha sa tagiliran.

Kaagad naman niyang nakuha ang nais kong mangyari at mahigpit na hinawakan ang baril. Dahan-dahan niya akong ibinaba sa sahig bago tumayo at simulang paulanan ng bala ang taong nagtangka sa aking buhay.

Sanay sa paggamit ng baril si Trinity kaya hindi na niya alintana ang malakas na tunog at puwersa na nanggagaling dito. Paulit-ulit ang ginagawa niyang pagkasa at pagputok hanggang sa magsawa siya at tuluyang bitawan ang baril. Kaagad siyang lumapit sa akin at nag-aalala akong tinignan.

"Hunter, naipaghiganti na kita. Kaya mo bang tumayo o gusto mong tulungan kita? Nariyan naman si Dylan, magpapatulong ako sa pagbubuhat, " nag-aalalang sambit niya.

Nagulat na lang ako nang biglang umakyat sa ikalawang palapag si Dylan. Kaagad akong sinalakay ng kaba at mariing tinignan si Trinity.

"Kailangan nating umalis sa lugar na ito. Natitiyak kong humingi ng saklolo si Dylan para iligpit tayo. Ngayong wala na ang ulo ng samahan, maraming maghahangad sa posisyon niya, " giit ko sa kanya at akmang tatayo subalit hindi ko magawa.

Nagpalinga-linga muna sa paligid si Trinity at napako ang kanyang tingin sa katabi naming silid. Tinanggal niya ang pang-itaas kong damit at kaagad itong itinali sa aking kalamnan nang sa gayon ay mapabagal ang paglabas ng dugo.

"Hunter, kailangan mong pilitin ang iyong sarili na makatayo. Kukulangin tayo sa oras kapag pinilit nating makaalis sa lugar na ito dahil natitiyak kong masusundan nila tayo, " mariing giit ni Trinity bago ako tulungan makatayo.

Napapikit na lang ako dahil sa sakit nang sinubukan akong patayuin ni Trinity. Nakaalalay ang dalawang kamay niya sa sugat ko habang nakaakbay naman ang kaliwa kong kamay sa balikat niya. Dahan-dahan naming tinahak ang silid at kaagad niyang sinipa ang pintuan nito bago kami tuluyang makapasok at magtago.

"Mga kasama, kailangan nating paslangin sina Hunter at Trinity. Ngayon patay na si Benedic, natitiyak kong isa sa kanila ang maaaring pumalit sa puwesto dahil silang dalawa ang mas nakakaangat sa atin pagdating sa pakikipaglaban." Halos kumuyom ang kamao ni Trinity nang marinig ang mga salitang binitawan ni Dylan.

"Humanda siya sa akin. Sa oras na makahanap ako ng tiyempo, ako mismo ang papatay sa kanya, " mariing giit ni Trinity bago muling umupo sa kama at suriin ang kalagayan ko.

Hunter's Mail ( COMPLETED)Where stories live. Discover now