Chapter 18

5.9K 132 4
                                    

Chapter Eighteen

The triple wedding took place as planned and it was grand and lovely, tiring but the satisfaction was overwhelming. Everyone was happy with the outcome lalo na yung mga ikinasal. Seeing the smile on their faces made me jealous. They all looked so in love, nakakainggit talaga. And to think mas bata pa sila sa amin, I mean they already found their happiness at that age samantalang ako ay naghihintay pa rin na dumating yung para sa akin. Ohemgee, thirty na kaya ako, may magkakainteres pa kaya sa akin?

I saw Wella rushing to the reception area when her foot got caught into something. Usually when a guy who is standing too close to a lady who gets into a misfortune like that, he would be like a hero to catch you before you fall but in her case, tinignan lang siya nung lalakeng nasa tabi nito at para bang hinayaan lang siyang matapilok at tuluyang sumalampak sa semento. I was close enough to hear their conversation.

"Sorry Miss ale, masakit ang mga kamay ko kaya di kita nasalo." Sabi nung lalake habang nakasilay ang maganda nitong ngiti.

Wella who was still on the floor, hands against it to support her face above it, was sarcastically smiling at him. "Oh yeah, akala ko kasi busy lang silang nakapahinga at nakapatong sa dibdib ng katabi mong malaki ang boobs."

His eyes brightly smiled and laughed. "Ah, nahuli mo. Sorry pa rin kasi pag sinalo kita baka pagselosan ako at upakan ako ng asawa mo."

"Wala akong asawa at single pa ako."

Tumawal uli ito, at sa totoo lang kung ako yung pinsan ko, mahihiya na akong makipagusap pa at gusto ko na lang tumayo agad at umalis doon pero ito, wala, mas piniling maupo sa semento at nakipagpalitan ng maanghang na salita sa kausap na tila inienjoy pa nung lalake. Matangkad ito at may hitsura at ito yung bestman ng third couple na ikinasal kanina. Mabilis kong binuksan yung tablet na hawak ko at hinanap ang pangalan nung lalake, Leolyle Castillo, Nathan's bestman.

"Ganon ba, sorry pa rin kasi ako merong mga babes kaya kapag sinalo kita baka sila ang magselos eh. Uupo ka lang ba diyan? Gusto mo tulungan na kitang tumayo? Gaano ka ba kabigat? May laro kasi ako sa susunod na linggo eh ayaw kong ma-injured kapag lumagutok ang mga buto ko sa paghila sa iyo." Tumayo ito at bumwelo para tulungan siyang tumayo pero sa halip ay tinabig nang pinsan ko yung kamay nito.

"Huwag na, sayang nga naman kung mabalian ka pa eh baka mawalan rin ng kaligayahan ang mga babaeng tangang pumatol sa iyo."

"Hey, you're not very nice."

"Hey, you're very bastos." Sagot ng pinsan kong tinulungan ang sariling tumayo.

"Ako pa ang bastos eh mas bastos ka nga."

"Oo bastos ako, may angal ka?"

"Wala, ayokong magulpi mo kapag umangal ako eh." Ngumiti uli iyong si Leolyle.

"Gwapo ka lang."

"Hey, what do you mean?"

"Akin na iyon."

"I'm an engineer and I'm good at what I do."

"Halata nga, nakapatong pa rin kasi sa bundok iyang mga kamay mo." Tukoy ni Wella sa kamay ni Leolyle na umakbay sa balikat nung babaeng lumapit dito at wala siguro sa loob na nadantay iyon sa dibdib nung babae.

"I like your tongue, ang talim, ang sarap lagariin."

"Well, you can't buy it anywhere, nagiisa lang ito."

"Buti naman, kung kasi lahat ganyan baka lumubog na ang mundo."

"Kung kasama ka sa mga lulubog, sana nga lumubog na ngayon na."

SGANF #4: First LoveWhere stories live. Discover now