Chapter 4

6.7K 152 6
                                    

Chapter Four

            “I like this college uniform, para tuloy tayong dalagang tingnan. Kolehiyala na tayo.” nakangiti kong tingin kay Wella habang pinagmamasdan ko ang sarili sa salamin.

            We were both wearing the college uniform provided for us. Its white blouse, with a gray neck tie and a pencil cut skirt in gray color.

            “I dont like it, and dull ng kulay, ah, hindi nga pala considered na kulay ang gray, so boring.”

            Nagkibit balikat lang ako. I dont know about her pero para sa akin I think bagay ko ang uniform ko and I’m so excited to show it to Jacob. It'll be our orientation today and I'm really excited for the beginning of my college life. At siyempre, mas excited akong makita si Jacob, dalawang buwan ko siyang hindi nakita dahil sa bakasyon.

            “Mauuna na ako sa iyo kung hindi ka pa lalabas!” sigaw ni Wella sa may gate.

            Mabilis akong lumabas at inirapan siya. KJ talaga ang bruhang ito, bagay sila ni Jacob. Ay hindi, bawi bawi, sa akin lang bagay si Jacob.Lumundag ang puso ko ng masilayan ko si Jacob na nakatayo sa kalsada at nag-aabang ng tricy. Napahigpit ang hawak ko sa binder na dala at iniyakap ko iyon sa aking dibdib.

            “Finally, welcome to college life!” bati ni Alex.

            “Uy, dalaga na sila.” tudyo naman ni Rhyan.

            Ngumiti naman sina Vanessa at Ramona sa amin at ginantihan namin iyon ni Wella.

           

            Nginitian ni Jacob si Wella at hindi man lang niya ako tinapunan ng kahit isa o pahapyaw na sulyap. Kinurot ang puso ko. Sa ilang minuto naming paghihintay ng tricy ay sa kanya lang ako nakatingin, hinihintay siyang sulyapan ako.

            “Mauna na kami.” sabi nina Vanessa at Ramona. Sumakay sila sa tricy na huminto. Sumunod naman sina Alex at Rhyan, ganoon din si Jacob.

            “See you later.” kindat ni Alex sa amin. Tumango naman si Wella na nakangiti but Jacob didn't say anything. I felt like crying, nasasaktan ako.

            Sumakay kami sa sumunod na tricy. “Kanina ka pa walang imik diyan samantalang ang chirpy chirpy mo this morning.” my cousin jeered.

            Hindi ako umimik at tumingin lang ako sa labas ng tricy. Sarkastiko akong ngumiti sa sarili. Bakit ba ako nagpapaapekto sa kanya? Hindi lang siya ang lalaki sa college at hindi lang siya ang marunong magdala ng uniform. Feeling siya masyado. Kung ayaw mo mamansin eh di walang pansinan.

            I made friends quickly, and before the day was over marami na akong kakulitan. At syempre, magkaiba uli kami ng naging barkada ni Wella. But that’s alright with me; I am not comfortable with her reading my mind every time we’re together.

            “Maia, tara sa Crim department.” Aya ni  Dindo, isa sa naging close ko agad, dahil tulad ko ay makulit din siya at pareho kami ng interes, mga poging ‘papa.’

            “Ba’t sa Crim?”

            “Dahil doon maraming papa.” Kinindatan niya ako.

            “Ok, malapit lang ba yun sa  M.E?

            “M.E?”

“Marine Engineering department?”

“Oo, magkatabi lang ang building nila, bakit may papa ko don?”

SGANF #4: First LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant