Chapter 1

19K 246 7
                                    

Chapter One

            "SINO ba ang sinisilip mo diyan?" pansin ko sa pinsang si Wella. Hawak nito ang hinawing kurtina habang nakamasid sa labas ng bintana. Pinatay ko yung radyo at humiga ako sa aking kama at saka nilaro ang game sa aking cell phone.

            "May bagong boarders sa kabila, naglilipat. Tatlong lalake at dalawang babae."

 Sagot nito na hindi inalis ang pansin doon.

            "Gumagana ba iyang binoculars na gamit mo? Nagpaalam ka ba kay Popsie na gagamitin mo iyan? Pati gamit niya sa trabaho pinakikialaman mo."

            "Eh kung nagpaalam ako sana hindi ko na gamit ngayon. Ang istrikto kaya ni Tito Bert kaya huwag kang maingay na hiniram ko ito ng walang paalam kung hindi grounded na naman ako. At saka oo, gumagana kaya nga ginagamit ko eh. This is so cool, I can see them clearly pati pimples nila sa mukha."

            Natawa ako at saka siya nilingon. "Pati ba naman pimples ng iba pinapansin mo. Tigilan mo na nga iyan at baka mapansin nilang pinagmamasdan mo sila."

            "Saglit lang at 'wag kang maingay, hindi ko tuloy marinig ang sinasabi nila." saway niya sa akin.

            "Wella! That's rude to listen to their conversation."

            "Hindi ako nakikinig. At saka kahit hindi ako making, mahirap hindi marinig ang pinaguusapan nila dahil ang lakas ng boses nila ano! Lalo na yung pandak na kulot ang buhok, Alex yata ang pangalan, yun ang tawag sa kanya nung matangakad na isa na maitim pero mapungay ang mga mata, Rhyan naman ang tawag sa kanya nung babae kanina na ang pangalan naman ay Vanessa, she's so thin, mukhang mas matanda sa atin. Tapos yung isang babae na  may kalusugan at singtangkad at edad siguro natin ay Ramona naman ang pangalan." Walang preno ang bibig nito na animo nagdedemo ng product na nasa harap niya.

            "Really! You got to stop doing what you're doing. Dapat ang kunin mong kurso eh masscom o kaya imbestigador. You have the talent."

            "Pag-iisipan ko." Sarkastikong sagot din nito.

            "I'm going out to the store to get an ice cream, sasama ka ba?"

            "Saglit may isa pa!" habol nito but I ignored her.

Pumanaog na ako ng hagdan at isinuot ang aking sneakers, kinuha ang aking pitaka at susi ng bahay at saka binuksan yung pinto sa harap. Napalingon sa akin yung mga bagong boarders sa kabila pagkabukas ko ng pinto, nasa harapan lang kasi sila at magkadikit ang mga dingding ng aming bahay at ng apartment na ookupahan nila. Hindi ko sila pinansin at hindi rin ako nag-hi kahit pakunwari lang just to welcome them in the neighborhood. Mabilis akong tumalikod at naglakad palayo sa kanila.

"Ano ba, sinabi ng hintayin mo ako eh." Habol ni Wella. Hindi ko rin siya pinansin habang nakatingin ako sa aking cell.

"Ang sungit mo raw." Sabi niya pagkatapos. Agaran ko siyang nilingon.

"What?"

"Sabi ni pandak na kulot, ang sungit mo raw."

"Paki ko, close ba kami para pagaksayahan ko siya ng panahon?"

Tumawa ito. "Hay naku, may split personality ka talaga. Kung alam lang ng mga dyowa mo kung gaano ka kasungit kapag nakatalikod na sila sa iyo baka kumaripas na sila ng takbo palayo sa iyo."

"Mga dyowa?"

"Oh diba, dahil nga kahit isa wala kang sinasagot sa kanila, pero kung pagsabayin mo naman sila sa pakikipag-fling eh para lang silang mga popcorn na nagsisiksikan sa container." She joked.

SGANF #4: First LoveWhere stories live. Discover now