Chapter 11

5.2K 112 10
                                    

Chapter Eleven

            "Hindi, Maia, iyun ay dahil hindi ka niya ganoon kamahal."

            Alam ko iyun, alam ko! "Ma please, huwag ninyong gawin ito, hindi ko kaya. Mahal ko siya. Ayokong mawala siya sa akin."

            "Maia, bakit ka ba ganyan? Bata ka pa, marami pang darating. Hindi lang kayo ang para sa isat isa."

            "Ako ang magsasabi kung kami ang para sa isat isa, mama. Sa ngayon, akin siya at hindi ako papayag na ihiwalay ninyo siya sa akin. Sori po, pero buhay ko ito, kaya ako ang magdedesisyon para sa sarili ko at hindi kayo." Tumayo ako.

            "Maia! Hindi pa tayo tapos magusap."

            "Wala na tayong paguusapan, Ma. Hindi ako makipaghihiwalay sa kanya, period. So please, stay away from us." I left her. Mabilis akong lumabas at nagabang ng tricy at pumunta sa boarding ni Jacob. Saktong pagkababa ko ng tricy ay siya naman papalabas ng boarding nito sukbit ang duffle bag.

            "Magusap tayo." Bungad ko agad sa kanya. Sumenyas si Alex na lalabas muna para makapagusap kami sa loob.

            "Maia, what are you doing here?"

            "Bakit? Bakit ka pumayag sa alok ni Mama?" taas baba ang aking dibdib sa galit.

            Hindi siya umimik. Ibinaba niya ang bag sa sahig at seryosong humarap sa akin. "Maia, let's break up."

            Dumapo ang aking palad sa kanyang pisngi. "Don't say that!"

            "Nangako na ako sa mama mo, tapusin na natin ito."

            "Letse ka! Punyetang pangako iyan! Wala ka ng bukambibig kundi ang mga pangako mong walang katuturan! Ang sabihin mo ay masaya ka dahil makakawala ka na sa akin kaya hindi ka man lang nagpakipot na hiwalayan ako dahil iyun ang matagal mo nang gustong mangyari! Letse ka talaga!"

            "Calm down, Maia! Huwag kang magbasag ng gamit dito."

            "Eh ako, wala ka bang pakialam na binasag mo ang damdamin ko? Basta basta ka na lang nagdesisyon na hindi ako kinunsulta? Kasama din ako sa relasyong ito. Nung sinabi mong mahal mo ako, totoo ba iyon, huh?"

            "Totoo lahat iyon Maia."

            "Sinungaling! Sinungaling ka talaga! Pinaasa mo lang ako. Sinaktan mo lang ako!"

            "Ikaw ang may gustong umasa!" medyo tumaas na rin ang boses nito.

            "Dahil mahal kita." Kumuyom ang aking palad. "Dahil mahal kita gago ka!"

            "Watch your mouth."

            "Ayoko! Ayoko!" I screamed. Alam akong naghihisterya na ako .

            Niyakap niya ako, yung mahigpit. Nagkawag ako, pilit kumakawala sa kanya. Sinampal sampal ko siya sa tuwing magkakaroon ng pagkakataon. Nakalmot ko din ang kanyang braso. Hinawakan niya ang aking mga kamay at mahigpit na pinigilan sa pagwawala.

            "Stop it, stop it, Maia, ano ka ba?"

            "Ayoko sabi eh." I sobbed. Tumigil ako sa pagwawala at sumalampak sa sahig habang hawak ang mukhang basa ng luha. "Ayokong magkipag break, Jacob, mahal kita."

            "Kung tayo talaga para sa isat isa tayo pa rin naman. Magkikita pa rin tayo kung tayo talaga ang laan, Maia."

            "Ayokong iasa sa tadhana ang aking kapalaran sa iyo. Ayoko. Kahit anong sabihin mo o ni Mama, hindi ako papayag.Tayo pa rin."

SGANF #4: First LoveWhere stories live. Discover now