Mga memorya lang ba talaga ang hindi niya maaalala o kasali na dun yung pagmamahal niya sa'kin noon?
May pag - asa pa ba ako nito para makuha siya ulit? Gusto ko siyang ipaglaban pero natatakot ako na baka sa huli yung mismong taong ipinaglaban ko ay hindi pala gusto na maipanalo ko siya. Naguguluhan at naaawa na ako para sa sarili ko.
"Ohhh, what a surprise!" nagagalak pang tugon bigla ni Tita Riza na siyang nagpapigil sa mga iniisip ko. "Ano na naman kayang pangangambala ang gagawin mo sa pamilya ko ija?" sarkastikong dagdag na sabi niya pa na siyang nagkuha ng atensyon ko.
Agad napunta ang tingin ni Andre at Devika sa'kin kaya agad kong iniwas ulit yung mga tingin sa kanila.
"U-Uhm, magandang gabi po
M-Maam. Gusto k-ko lang po t-talaga ihatid to" tukoy ko pa sa supot na dala ko.
Agad pumunta sa pwesto ko si Tita Riza at maarteng kinuha ang supot na dala - dala ko.
"What is this?" maarteng tanong pa niya habang sinisilip ang nasa loob ng supot na dala ko.
"U-Uhm preskong mga prutas po yan M-Maam , binili ko po sana para kay A-Andre" mahinahong tugon ko pa sa kaniya at agad ko namang namataan na tumingin si Andre sa'kin gamit ang nagtataka niyang mga titig.
"Thank you, but I think its so cheap for my son? Kaya dalhin mo nalang yan sa inyo ija" ngiting sagot pa ni Tita Riza sa'kin habang iniabot niya pabalik yung supot na dala ko.
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya sa'kin at pilit ko nalang pinigilan na tumulo ang mga namumuong luha sa'king mata.
"Okay that's enough for now, It's time for dinner" sabat pa ni Tito Arthur sa usapan para walain ang namumuong tensyon ngayon sa paligid.
Agad hinawakan ni Renzo ang aking braso at marahan niya akong dinala sa kanilang kusina.
"Hey" pagkuha niya pa sa atensyon ko. "Just take your dinner here for tonight, okay? I will drive you home after" mahinahong tugon niya pa sa'kin at kinuha ang supot na dala ko. "Akin na'to" ngiting sagot niya sa'kin at agad tumungo sa refrigerator nila.
Magkasabay kaming kumain lahat at nararamdaman ko na talaga yung pag - iiba ng atmosphere sa hapag - kainan. Pinagitnaan ngayon si Andre nina Devika at sa bunsong kapatid nitong si Leny na kakababa lang galing sa kwarto nito na agad akong tinignan ng masama. Habang magkatabi naman kami ngayon ni Renzo habang katapat ko naman si Devika na tahimik lamang sa kinauupuan nito. Nasa magkabilang dulo naman ng hapag - kainan sina Tito Arthur at Tita Riza.
"Ahem" pagkuha pa ng atensyon sa'min ni Tita Riza. Inilagay niya muna ng maingat ang kutsara't tinidor na hawak niya bago magsalita.
"Andre and Devika are now engaged. Maybe next month will be their wedding day" ngiting simula niya pa sa kaniyang isalaysay. "But for the mean time both of them will take a vacation trip before their wedding day happens. Gusto kasi ni Devika na magka time muna sila ni Andre kahit papaano. So starting this night, Devika will be officially part of our family" nagagalak pang anunsyo ni Tita Riza sa'min.
"Congrats lovebirds!" nagagalak pang pagbati ni Leny sa Kuya nito at kay Devika. Tinugunan lamang ng matamis na ngiti ni Devika si Leny na para bang nahihiya pa.
Tinignan agad ako ni Renzo sa'king mga mata at agad ko naman itong iniwas sa kaniya. Alam kong sa sandaling iyon ay kaya ko pang pigilan ang aking mga luhang gusto ng mamayapa.
"Mom, what if next next month nalang yung wedding day? Kuya is still under recovery and he can't even remember who am I. Huwag niyong madaliin ang panahon hangga't hindi pa bumabalik ang lahat ng alaala niya" sabat pa ni Renzo sa kaniyang ina na siyang ikinagulat nito.
"Stop that Enzo, kahit hindi kita maalala basta't ang importante sa'kin ay alam kong kapatid kita at sapat na sa'kin yung may pamilya akong kinikilala. And that's what all matter for now. Besides it's my choice to marry Devika" mariing sagot naman ni Andre sa kaniya na siyang nagpahigpit ng nararamdaman ko. Parang nagpantig sa aking tenga ng paulit - ulit ang sinabi ni Andre. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang reaksyon ko sa sitwasyon ko ngayon.
Akala ko kagustuhan lang yun ni Tita Riza na ipakasal silang dalawa? Akala ko si Tita Riza lang ang siyang nagtulak para ipalayo siya sa'kin ng tuluyan? Mali pala ako, maling - mali pala ako sa mga inakala ko.
"Whoah, are you serious? You didn't even know who is this person beside me" hindi makapaniwalang sagot ni Renzo habang nakaturo pa sa'kin at mapapansin nito ang pagpula ng kaniyang magkabilang tenga. "Didn't you?" ulit na tanong pa ni Renzo sa kaniya na ikinatahimik bigla ni Andre.
"Who is that person by the way?" takang tanong pa ni Andre kay Renzo habang nangungunot ang noo nito na parang pinipilit niyang kilalanin ako.
"Oh God, you're so unbelievable Andre, fvck" mura na sagot pa ni Renzo at agad na bumaling sa'kin. "We need to leave now" hawak niya pa ng marahan sa kamay ko at agad ako kinaladkad paalis sa hapag - kainan nila. Nakita ko pa sa mga mata nila ang pagkagulat dahil sa pinakitang asal ni Renzo sa hapag - kainan.
Hindi pa rin maabsorb sa utak ko ang mga nasaksihan na nangyayari ngayon. Nakatulala lang ako habang hatak - hatak naman ako ni Renzo palabas ng dining area nila.
"Renzo Dumnik" dinig ko pang mahinahong banta ni Tito Arthur ng umalis kami. Pero nagpatuloy lang sa paghatak si Renzo sa'kin hanggang napadpad kami sa parking lot ng bahay nila. Agad pumasok si Renzo sa isang sasakyan nila at pinaandar ito habang nanatili lang akong nakatayo sa labas nito.
Dun pa lang nagsimulang nagsilabasan ang mga luha sa'king mga mata. Ba't kailangan pa 'tong mangyari sa'kin? Pagod na pagod na ako para sa sarili ko. Gusto kong lumaban pero sa'n ako magsimula?
Lumabas si Renzo sa sasakyan niya nung mapansin niyang nakatulala lang ako at dahan -dahan siyang lumapit patungo sa kinatatayuan ko. At marahan niyang kinuha ang aking kaliwang kamay at hinatak ako ng maingat patungo sa kaniya. Basta ang sumunod na nangyari ay naramdaman ko na ang katigasan ng bisig niya at ang init nitong katawan.
Nanatili kami sa ganung sitwasyon ng ilang mga minuto bago ko mapagdesisyunang lumayo sa mga yakap niya. Kailangan ko talaga ng kahit isang taong masasandalan ngayon kaya laking pasasalamat ko kay Renzo dahil nandito siya. At ngayon ko pa lang napansin na nakabihis na pala siya ng tshirt? Ang lutang ko na talaga ata.
"Sakay ka na" sabi pa ni Renzo gamit ang malalim niyang boses. Shet, ba't ang bilis niyang nakapasok sa sasakyan? Hindi ko yun napansin ah. Agad naman akong pumasok at sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan.
"Seatbelt" paalala niya pa sa'kin bago tuluyang lumabas na sa bahay nila. Binalot kami ng katahimikan ng bigla niya itong pinutol.
"Are you okay now?" tanong pa niya sa'kin habang seryosong nakatingin sa kalsada habang nagmamaneho. Napatigil nalang ako bigla dahil sa tanong niya kasabay ang konting kirot sa puso ko.
"Kailangan pa bang habulin at magmakaawa ka sa isang tao para bumalik siya ng tuluyan sayo?" seryoso ko pang tanong sa kaniya ng walang pag - alinlangan.
"No" ikling sagot niya pa sa'kin. "You don't need to chase people, don't even beg for them, don't stress yourself, don't be desperate, just relax. Coz when you relax, it will come to you. Make your wants, want you" mahinahong dagdag na sagot niya pa na siyang nagpatahimik ulit sa'kin.
Paano yun? Paano kung yung gusto ko hindi man lang ako maaalala? Maghintay nalang ba ako hanggang sa bumalik yung mga memorya niya sa'kin? Shetay, nakakalito na!
Hindi ko na lang siya tinugunan at nanatili nalang akong tahimik habang seryoso naman siyang nagmamaneho.
"Salamat Enzo" agad na tugon ko sa kaniya pagkababa ko ng sasakyan.
"You're welcome" ikling sagot niya sa'kin at agad ko siyang nginitian ng konti bilang pasasalamat bago ko siya tinalikuran. At nung nakapasok na ako sa gate namin dun ko palang narinig ang simulang pag - andar ng papaalis niyang sasakyan.
Sa pangalawang pagkakataon, si Renzo na naman ang nandito para damayan ako sa hinanakit ko.
C H A P T E R 4
Start from the beginning
