▫ IV ▫
Alas sais na ng gabi ngayon at nandito ako sa labas ng bahay nila Andre para sana bumisita. Nagdadalawang isip pa din ako kung pipindutin ko ba ang doorbell nila o hindi? Ilang minuto na akong nakatayo dito at hindi pa din malaman kung ano ba dapat ang aking gagawin.
Nilipat na si Andre dito kanina sa bahay nila sa kadahilanang ayaw niyang magstay dun sa private Hospital na tinutuluyan niya pansamantala. At dahil sa kagustuhan niya napagdesisyunan nalang nila Tita Riza na ilipat siya dito sa bahay nila at magdala nalang ng kanilang private medical team para mag - alaga sa kaniya.
"Any other plans aside from just standing there all the night?" rinig ko pang may malalim na sarkastikong nagsalita galing sa likuran ko kaya napatalon nalang ako bigla ng dahil sa gulat.
Lumingon agad ako at naabutan ang malalim na titig ni Renzo sa'kin. Shetay! Akala ko kung sino. Napabuntong hininga nalang ako at nakahinga ng maluwag.
"Ahhh, w-wala" sagot ko pa sa kaniya habang nahihiyang kumakalot sa likod ng tenga ko at pilit nag - isip ng kung anong kaaya - ayang rason ang sasabihin. "-ay este gusto ko lang talaga ihatid to para ibigay sana sa Kuya mo" ngiting sagot ko pa sa kaniya habang ipinapakita yung supot na dala ko na may laman ng iba't - ibang klase ng prutas.
"So?" nagtatakang tanong pa niya sa'kin na parang naguguluhan pa sa gusto kong iparating.
"Pakibigay mo nalang ito sa Kuya mo Enzo ha? Salamat" agad kong abot sa kaniya sa mga dala ko at pilit inilagay sa mga kamay niya.
"No" ikling sagot niya pa sa'kin habang pilit niyang inilayo ang mga kamay . "Ikaw magbigay niyan. I'm not your servant though" sabi pa niya sa'kin at agad pinindot ang doorbell sa bahay nila.
Anong trip ng isang 'to? Ba't to nagdoorbell sa sariling bahay niya?
"Sige na Enzo oh kahit ngayon lang" pilit na pangungumbinsi ko pa sa kaniya na hindi niya lang tinugunan.
Alam kong wala na talaga akong choice para dun kaya tinigil ko nalang ang pangungulit ko. Napansin ko sa mga suot niya na mukhang galing pala ito mag jogging kaya pala mukhang badtrip yung mukha niya. Baka may nakaaway to sa daan?
Biglang bumukas ang pinto nila at bumungad sa'kin si Tito Arthur na agad ako nginitian. Mabait talaga tong si Tito sa'kin pag wala yung asawa niya. Sa kaniya ata nagmana yung mga anak niyang lalaki sa pagiging approachable at slight na pagkabait.
"U-Uhm, magandang gabi po T-Tito" nahihiyang bati ko pa kay Tito Arthur. "Ihatid ko lang ho sana ito para kay Andre" taas ko pa sa supot na mga prutas na dala ko.
"Tuloy ka dito ija. Ikaw na magbigay niyan para sa anak ko" ngiting sagot naman sa'kin ni Tito at agad inilahad ang pinto para pumasok.
Shetay naman to. Pwedi naman sila nalang maghatid eh. Ayaw kong makita sila Leny at Tita Riza baka insultuhin lang ako nun. Tsk.
Wala akong choice kaya pumasok nalang ako kahit labag sa'king loob habang nanginginig pa yung mga binti ko. Shetay, dapat ko ng ihanda yung sarili ko para sa mga pang - iinsulto na matanggap ko ngayong gabi. Nasa likod naman si Enzo sa'kin na nakasunod habang papasok na kami sa bahay nila.
"Are you nervous? Just take it easy" bulong pa ni Enzo galing sa likuran ko na siyang mas nagpakaba sa'kin.
Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy nalang sa pagsunod ni Tito Arthur papasok sa kanila. Rinig na rinig ko na ang mga boses at halakhak ni Tita Riza. Habang papalapit na kami sa kanila agad kong namataan si Andre na tuwang - tuwang tinignan si Devika habang nagsasalita ito.
Sumikip na naman ulit yung dibdib ko sa nakita ko. Agad kong iniwas ang mga tingin ko kay Andre at pinilit ang sarili na yumuko na lamang. Ang sakit makita ng harap - harapan na yung taong mahal mo interesado na sa ibang tao. Ang sakit makita na unti - unti ng nahuhulog sa iba yung taong mahal mo. Yung mga tingin niya kay Devika yan yung mga tingin niya sa'kin noon habang kinakausap ako.
